Part 56

14K 320 0
                                    


PAGKATAPOS ng kasal, sumaglit lang sina Patrice at Ezekiel sa reception at patalilis na silang umalis ng kasayahan. They eagerly went home and made love.

"So, alam mo na pala ang lahat, huh?" anito. Yakap-yakap siya nito pagkatapos ng isang mainit na sandali. Naikuwento na niya rito ang lahat ng nangyari sa Cotabato pati na ang video na napanood niya. "I'm sorry kung nagawa kong saktan ka dahil sa pananakot ni Daddy. I was so young then, madali akong natakot. Ikaw ang lakas ko pero ikaw rin ang kahinaan ko."

"Your father—"

"—is still my father," anito na tila nahulaan ang tinutumbok ng salita niya. "Yeobo, napatawad ko na siya. Isa pa, mukhang totoo naman ang pagbabago niya. Let's leave the past behind, okay?"

Tumango siya.

"But wait, sinabi mo noon na napatawad mo na ako, hindi ba? Na handa mong kalimutan ang lahat at magsisimula tayouli? Kung ganoon, bakit ang sabi ni Xander, binalak mong hindi ako siputin sa kasal natin?"

Nakagat niya ang ibabang labi.

Naningkit ang mga mata nito. "Patrice, may hindi ba ako nalalaman? Bakit may palagay ako na hindi talaga ang nakaraan ang dahilan ng pag-alis mo?"

"Ano kasi...ahm..."

"What was it, Patrice?"

Huminga siya nang malalim bago ikinuwento rito ang mga narinig niya sa opisina nito. "Sinabi mo pa na ginamit mo lang ako sa pagrerebelde mo sa daddy mo."

Iiling-iling na pinisil nito ang ilong niya. "You should have come inside the office. Nakita mo sana na may mga script kaming hawak ni Xander noon."

"Script?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi nga ba at kinukumbinsi ko si Xander na subukang mag-artista? Kaya hayun, para alisin ang anxiety na nararamdaman ko dahil sa kasal natin kinabukasan, nakatuwaan ko na pagbasahin siya ng teleserye script." Natawa ito nang tila maalala ang tungkol doon. "Ah! Kung alam mo lang na halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Paano ba naman, pati 'yong mga facial expression at action na nasa parenthesis ay binabasa niya."

"Pero sa narinig ko, okay naman ang pagkaka-deliver niya ng mga linya, ah? At saka bakit tungkol pa sa kasal ang script na iyon? Masisisi mo ba ako kung mag-isip ako na ako ang pinag-uusapan n'yo?"

"Dahil paulit-ulit na at nakailang take na kami kaya medyo maayos na ang deliver niya. Saka ano ang magagawa ko, iyon ang ibinigay na sample sa akin ng sekretarya ko noong pahingiin ko siya ng sample script.I'm sure na-record sa CCTV iyon. Ipapakita ko sa 'yo pagpunta natin sa MBN." Muli ay marahan nitong pinisil ang ilong niya. "Ikaw, ha, next time, kung may gumugulo sa isip mo, tanungin mo ako. Kung nagagalit ka, awayin mo ako, confront me, hindi iyong lalayo ka nalang basta-basta."

She pouted her lips at nagpapaawang tumingin sa asawa. Humalakhak ito dahil doon. Pinagmasdan niya ang buhay na buhay na tawa nito nang may ngiti sa kanyang labi. Hindi na siya nakatiis. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"I love you so much, Zeke. Perhaps if I had not so tightly clutched the rose then, its thorns would not have pierced my flesh so deeply. Pero masyado kong inalagaan ang sakit sa puso ko, hindi ko na napansin na kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko para sa iyo. You were my dream that kept me going on."

"Ako man, parusa sa akin ang pagiging Moreno ko lalo pa at hindi masaya ang pamilyang kinamulatan ko. Pero nang makitakita nang araw na iyon sa puno ng santol, biglang nagkaroon ng kulay ang mundo ko. Napakabata mo pa pero hindi ko kayang pakawalan ang pinakamagandang pangyayari na dumating sa buhay ko. A tale of forever with you...iyon ang laman ng mga dasal ko sa nakalipas na mga taon na magkahiwalay tayo.Hindi kita nakalimutan minsan man. May mga tao akong inupahan para bantayan ka. In fact, 'yong isang cabinet sa silid ko ay pulos stolen pictures mo habang nasa Manila at Paris ka."

Umawang ang bibig niya sa pagkabigla. Pagkatapos ay napaiyak siya. "Oh, Zeke!"


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon