Part 43

11.6K 308 4
                                    

Sumigok si Patrice. "Kung ganoon, handa akong kalimutan ang nakaraan. Magsimula uli tayo, Zeke..."aniya bago sumiksik sa dibdib nito. Tuluyan na siyang napaiyak pero hindi na dahil sa sakit kundi sa sobrang saya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya mula sa isang rehas na nagkulong sa kanya sa loob ng maraming taon. Wala na ang galit at hangad na paghihiganti na matagal ding namahay sa dibdib niya. Ang tanging naroon ay matinding pagmamahal para sa nag-iisang lalaki na nagmay-ari at patuloy na nagmamay-ari ng lahat-lahat sa kanya. Ah, pakiramdam niya ay napakaliwanag ng mundo.

"Oh, Patrice!" Ikinulong siya nito sa mga bisig nito at niyakap nang mahigpit na para bang natatakot ito na mawala siya. "Pangako, araw-araw kong ipapadama sa 'yo kung gaano kita kamahal. I love you so much. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang matuklasan ko na ako parin ang nasa puso mo at ang tanging lalaki sa buhay mo. You never let any man to be so close to you the way you allowed me to.May I ask why?"

"Dahil ikaw lang ang mahal ko."

Hinagkan ng binata ang mga luha niya pagkatapos ay bumaba ito ng kama, walang pakialam sa kahubdan nito. Kunsabagay, wala itong dapat ikahiya sa katawan nito. He was every inch a man. Hinila niya ang bedsheet para itakip sa sariling katawan pagkatapos ay bahagyang umupo siya at sinundan ng tingin ang binata.

Binuksan nito ang isang drawer at mula roon ay may kinuha ito. Kapagkuwan ay lumapit uli ito sa kanya. Umupo ito sa gilid ng kama at sa pagkamangha niya ay inilahad nito sa kanya ang isang kahita na nahihinuha na niyang singsing ang laman.

He opened it. And there she saw a glittering diamond ring at its finest. "Ipinangako ko noon na bibilhan kita ng isang magandang singsing kapag kinita ko ang unang milyon ko, hindi ba? Hindi ko kinalimutan ang pangakong iyon, Patrice. Here it is. Assette Patrice del Rio, my yeobo, will you marry me?"

"Marry you? Of course, Zeke, of course." Mayamaya ay natigilan siya. "Pero ang daddy mo, p-papayag ba—"

"Patrice, marami akong maling desisyon na ginawa sa buhay ko katulad na langnang saktan kita noon. Loving and marrying you, iyon ang pinakatama kaya hinding-hindi ako makapapayag na sa pagkakataong ito ay hahadlangan ako ng ama ko. Trust me, Patrice, this time, I will make it right."

"Then yes, yes, I'll marry you!"

"Kung ganoon, bukod sa singsing na ito, puwede mo rin bang tanggapin ang isa pang simbolo ng pagmamahal ko?" Mula sa hinliliit nito ay hinubad nito ang isang singsing. Iyon ang singsing ng mommy nito na ibinigay nito sa kanya at isinauli niya nang magalit siya rito. "I wore it everyday so I could still feel you're with me those past years we're not together."

Sunod-sunod nang nagpatakan ang mga luha niya. She was happy, so so happy.

"My love for you is like the roundness of this ring, infinite, endless..." anito habang isinusuot sa daliri niya ang singsing.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon