"ZEKE!" gulat na bulalas ni Patrice. Paglabas kasi niya sa banyo ay nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama niya si Ezekiel. "Alam kong bahay mo ito pero hindi mo ba puwedeng ibigay sa akin ang privacy ng silid na ito?" wika niya.Pasimpleng hinawakan niya ang buhol ng tuwalya na tanging nakatapi sa kanyang hubad na katawan. Kagagaling lang niya sa shower.Alam niya na ngayon ang dating nito pero hindi niya naulinigan ang pagdating ng kotse nito. Sa paanan nito ay naroon ang hindi mabilang na paper bags.
"I'm sorry. Gusto lang kitang makita agad."
Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Gusto raw siya nitong makita agad pero bakit hindi ito makatingin sa kanya nang deretso? "Kung ganoon, bakit hindi ka makatingin sa akin?"
"Patrice," wika nitong tila may kasamang babala.
"What? Nagulat ka ba sa nadatnang ayos ko at ngayon ay natatakot kang tingnan ako dahil baka hindi mo makontrol ang sarili mo? Pero nakapagtataka naman yata na nagulat ka dahil the moment na pumasok ka rito, malamang na narinig mo ang tunog ng bukas na showerkaya kahit paano ay expected mo na ganito ako lalabas—walangsapin sa paa, tanging tuwalya lang ang nakatapi sa katawan, at...napakabango."
Tumiim ang mga bagang nito, saka biglang tumayo. Ilang malalaking hakbang lang at nasa harapan na niya ito. "Tama ka, inaasahan ko na ang ayos mo paglabas ng banyo. I told myself, hindi kita dapat biglain, na dapat ay lumabas na ako sa silid na ito pero hindi nakikisama ang mga paa ko," anito.Pinigilan niyang mapasinghap nang gumapang ang mga daliri nito sa kanyang hubad na balikat papunta sa leeg niya hanggang sa umakyat iyon sa mga labi niya at marahang humaplos doon. "Patrice..." anas nito.
"Do you still want me, huh?" patuyang sabi niya rito. Ang totoo ay nagsisimula nang manlambot ang mga tuhod niya dahil sa mga sensasyong binubuhay nito sa kanya. Ang init na hatid ng mga daliri nito sa kanyang balat ay nais magpawala sa kanyang katinuan.
"Damnit! Tama ka,Patrice. I still want you I'll go crazy if can't have you!" Napaatras siya nang humakbang ito palapit. "Tell me,Patrice. Would marriage enough for you to be mine?"
"M-marriage?" gulat na bulalas niya, pero saglit lang ang pagkagulat na iyon dahil lalong napuno ng galit ang dibdib niya. "Nababaliw ka na, Ezekiel Moreno. Kahit ang mga pinagsasabi mo sa talk show na iyon ay pawang kasinungalingan. You're a liar! A big goddamn liar! Sinabi mo dati na mahal mo ako, pero isa lang palang kasinungalingan iyon para makuha mo ako. Ngayon, dahil hindi mo na ako basta mauuto, ipinapain mo sa akin ang kasal para muli akong makuha! You bastard!" nanggagalaiting wika niya. Sa sobrang galit, hindi niya napigilang mapaiyak.
Bumuntong-hininga si Ezekiel. Marahang pinahid nito ang mga luha sa kanyang pisngi at pagkatapos ay hinuli nito ang mga mata niya. "Hindi ako nagbibiro o nanloloko lang,Patrice. I'm serious. Marry me. And it's not only because I want you, it's also because I l—"
Hindi na nito natapos pa ang sinasabi dahil pinutol na niya iyon. "Shut up!" Inipon niya ang lahat ng tapang at katatagan na natitira sa kanya para makalayo rito. "Get out, Ezekiel! Get out!" nanginginig ang kalamnang wika niya rito. How dare he offer her marriage just to get what he wanted?
"Patrice..."
Marahas na pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa mukha niya. "Just get out Zeke... Parang awa mo na, iwan mo muna ako," may halong pakiusap na wika niya.
Humugot ito ng malalim na hininga bago siya iniwan.
Umiiyak na napasubsob na lang siya sa palad niya.
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomantizmIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...