Part 5

12.8K 326 0
                                    


ANG GUWAPO niya at ang bango bango! kinikilig na sabi ni Patrice sa isip. Nakauwi na siya sa bahay nila na kalahating oras na lakarin mula sa lupain ng mga Moreno. Mabuti na lang at wala pa ang nanay niya.Walang mag-uusisa kung bakit tulala siya at ngumingiting mag-isa.

Hindi niya sukat-akalain na makakadaupang-palad niya si Ezekiel Moreno. Base sa pakikitungo nito sa kanya, masasabi niyang hindi ito katulad ng ama nito.

"Bumalik ka rito bukas. Ganitong oras. Hihintayin kita..." Napapikit siya pagkaalala sa huling sinabi nito bago siya umalis. Gusto kaya siya ng guwapong anak ng señor? Aaminin niyang nagkagusto agad siya rito. May napukaw si Ezekielsa puso niya at pakiramdam niya ay napakadali nitong napasok iyon sa sasandaling oras na nagkaharap sila. Gayunman, hindi siya magiging scholar sa bayan kung hindi niya alam ang kaibahan ng pantasya at realidad.

Ezekiel was just a fantasy. He has his castle in the sky. Langit ito, lupa siya.Hindi sila kailanman magpapang-abot. Isa sa pinakamalaking hadlang ay ang mismong ama nito. Duda siya kung papabor ito sa kanya para sa anak nito. Dapat niyang isiksik iyon sa isip niya at itigil na ngayon pa lang ang kanyang kahibangan. Hindi siya puwedeng magkagusto sa binatang Moreno. Masasaktan lang siya.

Bumuntong-hininga siya. Masyado nang malayo ang naabot ng isip mo, Patrice. Pero tama ang naisip mo. Hindi ka puwedeng magkagusto kay Zeke. Hindi kayo bagay.

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon