Part 31

11.8K 293 0
                                    


MAAGANG nagising kinabukasan si Patrice. Pero hindi muna siya bumangon, sa halip ay itinutok niya ang paningin sa kisame ng guest room na inookupa niya na parang isa iyong malaking screen ng sinehan at doon ay napapanood niya ang mga pangyayari sa buhay niya. She sighed. She felt a heavy heart. At kapag ganoong masama ang gising niya, halos buong araw na iniinda niya iyon.

Mayamaya ay bumaba na siya ng kama at nagtungo sa banyo. She did her morning rituals and then went out of the room. Eksaktong paglabas niya sa silid ay nakarinig siya ng mga katok sa pinto. Sumilip siya sa peephole ng pinto. She was surprised to saw Ezekiel. Masama ang mood niya at mabigat ang katawan niya pero lalong sumama ang timpla niya nang makita roon ang binata.

Hindi siya tuminag para pagbuksan ito ng pinto. Ilang katok pa ang narinig niya bago niya narinig ang tinig nito.

"Patrice, alam ko na naririnig mo ako. Open the door, please. Kapag hindi mo binuksan ang pinto, magsisisigaw ako rito hanggang sa makatawag ako ng atensiyon."

Hindi makapaniwalang napabuga siya ng hangin. "Eh, di gawin mo. Ikaw naman ang mapapahiya at hindi ako," wika niya.

"Huwag mo akong subukan, Patrice,"banta nito.

Mariing pumikit muna siya bago binuksan ang pinto.

"Good morning," ngiting-ngiting bati nito na nagpalitaw sa biloy nito. Tila lumukso ang puso niya pero hindi sapat ang ngiting iyon para mabago ang pangit na gising niya. Napatingin siya sa bitbit nitong pumpon ng mga bulaklak. Iniabot nito iyon sa kanya. "Para sa 'yo."

Tiningnan lang niya ang bouquet. "Walang maganda sa umaga, Zeke. Not when I am seeing your face, at hindi ko kailangan ang mga bulaklak na iyan," nakaismid na wika niya. Hindi na niya kailangang itago ang disgusto at galit niya sa binata dahil wala na iyong silbi. Sa unang pagkikita palang nila ay ipinakita na niya iyon.

Bumuntong-hininga ito bago ibinaba ang kamay na may hawak sa mga bulaklak.

"Bakit ka ba narito?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Tinitigan muna siya nito bago nagsalita. "I've been thinking about us..."

I've been thinking aboutus... Tila nag-echo iyon sa pandinig niya. 

Umiling si Patrice. "There's no 'us,' Ezekiel Moreno."

Nagpapaunawang tumingin sa kanya ang binata. "Patrice, kung ano man ang nangyari noon, maaari bang kalimutan na lang natin iyon? Let's start anew.Itanggi mo man, alam ko na iniisip mo pa rin ang nakaraan. Us, what we shared..."

"No!" mariing tanggi niya. "Napaka-presuming mo!"

"Presuming? Siguro nga. But I so wanted to do this." Sa isang mabilis na kilos ay nahaklit nito ang baywang niya. Lumarawan sa mga mata nito ang isang masidhing emosyon.

"Z-Zeke, huwag..." nagawa niyang sabihin. Natakot siya bigla sa ginawa nito. Because truth be told, as soon as he wrapped his arms around her waist, she felt as if she was home. Tila naroon din ang pagnanais na manatili siya sa bisig nito nang matagal. Hanggang sa mamalayan na lang niya na yakap na siya nito nang mahigpit.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon