Ilang minuto lang ay nasa private hangar na sila at lumilipat sa isang private jet. Ilang saglit lang ay mabilis nang lumilipad ang jet. Sa pagkamangha niya kanina ay naroon si Bainisah at ang isang babae na hindi niya kilala. Mabilis itong nagpaliwanag.
"Nalaman ko ang lahat kay Xander. Hindi na ako nagdalawang-isip na tawagan si Tito Artemio dahil alam ko na nagbago na siya, and so we planned this. Umasa nalang kami na mananaig ang pagmamahal sa puso mo,Patrice," paliwanag ng newscaster. "Naisip ko rin na baka maging problema ang oras kaya dinala ko na ang wedding gown mo. Nagsama na rin ako ng make-up artist dahil wala akong talento sa pagme-make up," natatawang dagdag pa nito.
"Thank you!" Maluha-luhang niyakap niya ito.Nais na naman niyang humagulholsa matinding relief pero pinigilan na niya ang sarili. So many tears had been shed today. Isa pa, hindi yata magiging magandang tingnan na namamaga ang mga mata ng bride sa mga wedding photos.
Sinubukan niyang tawagan si Ezekiel pero hindi niya ito makontak. Maya't maya ay sumusulyap siya sa relo niya at kung maaari lang ay pigilin niya ang kamay niyon mula sa pag-ikot. "S-si Nanay nga pala? Si Z-Zeke?"
"Huwag kang mag-alala, sina Alexander at Vladimir na ang bahala sa kanila."
Nine fifty-five. Limangminuto nalang ang natitira at kasal na niya pero nasa himpapawid pa rin sila.
Wait for me, Zeke. Hintayin mo ako katulad ng ipinangako mo... piping panalangin niya habang tinutungan siya ni Bainisah na magbihis pagkatapos maayos ang makeup niya pati na ang buhok niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay natanaw na niya ang rooftop ng Moreno Empire Building kung saan dahan- dahan nang lumalapag ang jet.
"Go," anang tinig ni Señor Artemio nang tuluyan nang makababa ang jet. Tipid na ngumiti siya bago nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Bitbit ang sapatos at kipkip ang laylayan ng wedding gown na pumasok siya ng private elevator na magdadala sa kanya sa basement. Mula roon ay may naghihintay nang bridal car sa kanya ayon kay Bainisah.
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...