CHAPTER TWELVE
"P-PATRICE..."
Hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita. Ang makapangyarihang si Señor Artemio Moreno, nakaupo sa isang wheelchair. Ang mabagsik na aura nito ay tila binura na ng nakalipas na mga taon. Sa halip ay kapaguran ang makikita sa mukha nito. Gone was the power but humility and something akin to defeat was present.She couldn't believe the mighty Artemio Moreno had stepped down from his pedestal.
"Ipinadukot n'yo ba ako para siguruhin na hindi ako maikakasal sa anak n'yo, ha,Señor?" sarkastikong wika niya rito.Kanina ay sinabi ng isa sa private army nito na sumama siya nang maayos sa mga ito dahil nais siyang makausap ng señor. Hindi niya alam kung paano nalaman ng matanda na naroon siya. Kunsabagay, hindi ito magiging makapangyarihan doon para sa wala lang. "Hindi na kailangan. Hindi pa ba malinaw sa inyo ang dahilan kung bakit narito ako ngayon gayong mahigit isang oras na lang ay kasal ko na?"
"Patrice..."
"Huwag kayong mag-alala,Señor. Nagbalik lang ako para saktan ang anak mo!"
"P-patawarin mo ako... Ang totoo, ipinadala kita rito para itama ang isang pagkakamali na sana ay noon ko pa ginawa."
Nahigit niya ang kanyang hininga. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito at siniguro kung tama ba ang narinig niya. Humihingi ang tawad si Señor Artemio? At ano ang ibig nitong sabihin na itatama nito ang pagkakamaling ginawa?
"A-ano ang ibig n'yong sabihin?"
"Kasalanan ko ang nangyari sa pagitan n'yo noon ng anak ko."
"Hindi,Señor. Kahit hindi n'yo kami tinakot noon, talagang aalis din kami ng Cotabato. Masyadong dinurog ng anak mo ang puso ko para gustuhin ko pang manatili dito noon."
"Maupo ka, Patrice..." anito bago iminuwestra ang isang silya sa silid. Naguguluhan man ay sinunod niya ang nais nito. Sinenyasan ni Señor Artemio ang nurse na umaalalay rito para lumabas at iwan sila. "Panoorin mong mabuti, hija, ang video na kuha ng hidden camera sa library ng bahay na ito. Babaguhin ng mapapanood mo ang lahat ng nalalaman mo. Ito ang magsasara ng kahapon at magbubukas ng bukas," anito bago kinuha ang remote control ng telebisyon at binuksan ang malaking TV screen.
Bigla siyang nanlamig nang agad na bumulaga anganyo ni Ezekiel.
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...