Part 22

12.3K 332 11
                                    


"Assette Patrice del Rio..."

Bahagyang napapitlag siya nang may tumawag sa kanya. Kinalma muna niya ang sarili bago siya nag-angat ng ulo upang harapin ang tumawag sa kanya. There she saw him leaning against the door. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya.

"Xander," nakangiting bati niya. Si Alexander Mondragonang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa Paris. Nagkakilala sila sa Elite. Ang firm ang may hawak ng kontrata nito bilang modelo. Nilapitan siya nito at inimbitahang lumabas. She questioned his intentions then, pero sinabi ni Alexander na iilanlang ang mga Pilipino sa Elite at mas palagay diumano ito na makasama ang isang kababayan sa isang banyagang bansa. Noong una ay medyo aloof pa siya rito pero dahil napaka-charming nito, unti-unting napalagay ang loob niya rito, lalo pa at pareho silang galing sa hirap. At ngayon nga ay malapit na silang magkaibigan.

Kahit maraming modeling commitments sa iba't ibang bansa si Alexander ay hindi sila nawalan ng kumunikasyon. Kapag nasa Paris ito ay nagkikita at lumalabas sila. Napaka-down-to-earth nito sa kabila ng kasikatan nito.

Nang maaprubahan ang residency application ni Patrice sa Paris at sa tingin niya ay sapat na ang naipon niya para makapagpatayo kahit ng isang maliit na negosyo, nag-resign siya sa trabaho. Nang malaman ni Alexander ang balak niya, nag-alok ito ng tulong. Sa una ay tinanggihan niya iyon dahil nahihiya siya rito pero nag-insist ito. Hanggang nga sa maitayo ang Patrice Café sa tulong nito. Pagkatapos niyon ay ipinetisyon niya ang ina para makasama na niya ito sa Paris. Natuwa ang nanay niya na magkakasama na uli sila kaya pumayag agad ito. Kaa-approve pa lang ng petisyon niya ilang buwan ang nakararaan kaya magkasama na sila ngayon ng nanay niya sa tinutuluyan niyang apartment.

"Mr. Model, kailan ka pa dumating?" masiglang wika niya. Tumayo siya at hinagkan ito sa pisngi bago iminuwestra ang visitor's chair. "Bakit hindi ko alam na nasa Paris ka na ngayon?"

Umupo ito sa kaibayong upuan. Kinuha nito ang diyaryo na binabasa niya kanina. Kapagkuwan ay tinitigan siya nito na tila may nais basahin sa mga mata niya.

"Xander," mahinang saway niya.

Relaxed na sumandal ito sa backrest ng upuan habang hindi siya hinihiwalayan nito ng tingin. "Nagseselos ka ba kay Bainisah?"Nang minsang maabutan siya nito na nagbabasa ng article tungkol kay Ezekiel ay itinanong nito kung bakit parang napakalaki ng galit niya sa binatang CEO. Hindi siya kumibo at hinayaan na lang ito kung ano ang gusto nitong isipin.

"Hell, no! Why would I?"

Ngumisi ito. "Dapat lang dahil si Bainisah ay magiging hipag ko."

Umawang ang bibig niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Walang katuturan ang mga balitang nababasa mo, Patrice. Si Bainisah ay fiancée ng kapatid kong si Vladimir.Huli ka talaga sa balita."

Hindi agad siya nakaimik.

"Patrice, hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari sa pagitan n'yo ni Zeke para ganyan na lang ang maging galit mo sa kanya. You seemed so hurt by him I wouldn't be surprise if you're planning a revengeagainst him."

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Xander," paiwas na sabi niya.

"Okay, wala na akong sinabi. Pero in case na gusto mo siyang harapin, well, now is the right time."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"May gaganaping pagtitipon sa Moreno Empire Building sa susunod na araw. Pormal nang ipapakilala ni Zeke si Bainisah bilang pinsan niya.Siyempre pa, imbitado ako. So kung gusto mong magkaroon ng grand entrance sa muli n'yong pagkikita ni Zeke, then, ito na ang oras."

Hindi siya sumagot pero pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi nito. Handa na ba siya sa muling paghaharap nila ni Zeke?Does her armour enough to protect her from getting hurt again?

"Be my date in case you decided to come. Ipakita mo sa kanya kung ano ang pinakawalan niya. Ah, I imagine a jaw-dropping scene here," anito na may kakaibang kislap ang mga mata."And you know what? Aside from anger, I could see a certain emotion in your eyes. Something very, very interesting..."

Hindi na gaanong naintindihan ni Patrice ang huling mga sinabi nito.Nakatuon na ang isip niya sa nalalapit na muling pagtuntong niya sa Pilipinas. Mayamaya ay tiningnan niya si Alexander. "I'll go with you, Zeke."

Ngumiti ito nang makahulugan. "Nakalimutan kong may kondisyon nga pala ang pagsama mo sa akin." Ngumisi ito. "Kailangang ikuwento mo sa akin ang buong pangyayari kung bakit ganoon na lang ang galit mo kay Zeke." 

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon