"Zeke!"
Ang boses ni Bainisah pati na ang pagpitik nito sa hangin ang nagpabalik sa naglalakbay niyang diwa.
"What are you saying?" tanong niya.
Sa halip na sagutin siya ay pinakatitigan siya nito. "Those faraway look in your eyes... Ang daming emosyon na nagsasalimbayan sa mga mata mo, Zeke. Oftentimes, they're guarded pero minsan hindi mo napapansin, nakasungaw na ang mga iyon sa mga mata mo. May gumugulo ba sa isip mo?"
Pinilit niyang ngumiti. "Ikaw talaga, kung ano-ano ang napapansin mo. Pagod lang ako."
Hindi na ito nangulit pa. "'Wag ka kasing masyadong subsob sa trabaho. Ano pa ba ang gusto mong patunayan, ha? You had everything in your hands!"
Ngumiti siya nang mapait. "Not everything. Minsan, kung alin pa ang pinakamahalaga, iyon pa ang wala sa 'yo at siya pang pinakamahirap makuha."
Tinitigan siya ni Bainisah. "Hindi ako manghuhula, Zeke, pero parang may idea na ako sa mga sinasabi mo. Malakas ang kutob kong babae ang tinutukoy mo. Sino siya? Mula nang makilala kita, wala pa akong nakita na babaeng pinag-ukulan mo ng pansin."
Bahagya siyang ngumiti bago nagkibit-balikat. Sana ay maunawaan ng pinsan niya na ayaw na niyang palawigin pa ang usapan. Salamat nalang at tila nakahalata rin ito.
"O, siya, mauuna na ako. Siyanga pala, darating si Xander sa bansa para dumalo sa party namin ni Vladimir. Susubukan kong kumbinsihin siya na pumirma ng kontrata sa MBN," anito bago tumayo. Ngunit bago ito tuluyang lumabas ay muling lumingon ito. "In case na maisip mong dalawin si Tito Artemio, nasa The Medical City siya," anito bago tuluyang umalis.
Marahas na bumuntong-hininga siya bago inihilamos sa mukha ang palad.
"SIGE, iwan mo na lang 'yan. Daanan mo sa secretary ko ang tseke para sa kabuuang bayad," pormal na wika ni Ezekiel sa PI patungkol sa malaking envelope na bitbit nito. Gustong-gusto na niyang buksan ang envelope. "Tatawagan kita sa sandaling kailanganin ko uli ang serbisyo mo."
Tumayo na ito. "Sige, Boss, mauuna na ako. Thank you."
Tumango siya. Pagkaalis ng lalaki, pinindot niya ang intercom at nagbilin sa sekretarya. "Miss Oliveros, hold all incoming calls for at least an hour. I'll be busy."
"Okay, Sir."
Tumayo siya at ini-lock ang pinto ng opisina. Pagkatapos ay mabilis na umupo siya sa swivel chair niya. Nagpakawala ng buntong-hininga bago binuksan ang envelope. May ilang piraso ng papel na naglalaman ng report subalit karamihan sa mga naroroon ay litrato ni Patrice. His Patrice, his one and only love.
Ilang araw na siya sa Maynila nang mabalitaan niyang umalis na ng Cotabato sina Patrice at Aling Rosa. Humingi siya ng tulong sa Tito Andrew niya para malaman kung saan napunta ang mag-ina. Hindi naman siya gaanong nahirapan. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay lihim niya itong pinasubaybayan.Tiniyak niya na maayos ang kalagayan ng mag-ina. Nang magkolehiyo ito, ginawan niyan ng paraan na makakuha ito ng scholarship sa papasukan nitong eskuwelahan—nagkataon na ama ng isang malapit na kaibigan niya ang isa sa major stockholders ng naturang eskuwelahan kaya nagawan niya iyon ng paraan, lalo pa at likas na matalino ang kanyang nobya.
Bumalik siya ng Englandpagkalipas ng ilang araw para kumuha ng masteral niya, subalit patuloy pa rin niya itong pinatugaygayan at siniguro na maayos ang kalagayan nito.
Pagkatapos mag-aral ay umuwi siya ng Pilipinas. Hanggang sa mabili niya ang isang naluluging network at gawin iyong MBN. Isang araw na pinagmamasdan niya ito mula sa malayo, ninais niyang lapitan ito, magpaliwanag, at humingi ng tawad. Pero natigilan siya nang makita niyang pinagpupunit nito ang flyer nila kung saan nakasaad ang grand opening ng MBN. There was so much hatred in her eyes. Parang naiiyak pa nga ito sa tinitimping galit. He set aside his plans to reconcile with her. Hanggang sa mabalitaan niya na nag-apply ito ng trabaho sa ibang bansa. Sa tingin niya, kailangan pa nito ng sapat na panahon para maghilom ang sugat na nilikha niya kaya hinayaan niya ito. Patuloy pa rin niyang pinasubaybayan ito.
Kinuha niya ang isang litrato ni Patrice. It was a stolen shot like the rest of the pictures. Gayunman, malinaw na na-capture ng camera ang magandang ngiti nito. Namasa ang mga mata niya. Kaytagal niyang pinanabikan na muling masilayan ang ngiting iyon.
"Patrice, yeobo. I'm missing you so bad..." mahinang wika niya.Before he knew it, he was already crying. "Bumalik ka lang sa akin, Patrice, I promise, I'll make it up to you."
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...