"Ano'ng ginagawa mo riyan?"
"Ay, kalabaw!" gulat na bulalas niya dahil sa baritonong tinig na bigla na lang nagsalita. Dahil doon ay nawalan siya ng balanse.Napapikit na lang siya at nanalangin na sana ay hindi masyadong malala ang pinsala na matatamo niya.
Subalit hindi lumapat sa lupa ang katawan niya. Sa halip, dalawang bisig ang sumalo sa kanya. Pero hindi kinaya ng sumalo sa kanya ang bigat niya kaya nawalan din iyon ng balanse at natumba. Ang likod ng lalaki ang tumama sa lupa habang siya ay nasa ibabaw nito. Sa kabila ng kaba niya,hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang suwabeng amoy ng cologne na gamit nito. And for a moment she was lost.
"What are you doing here?" tanong nito.
Mabilis siyang tumayo at pinagpagan angkanyang damit."N-nangunguha lang po ng prutas," nakayukong wika niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Natatakot din siyang mag-angat ng ulo para alamin kung sino ang nakahuli sa kanya na namimitas ng mga santol doon.
"Hindi mo ba alam na delikado rito? Maraming ligaw na hayop dito.Isa pa, trespassing ang ginawa mo. Sakop na ito ng property ng mga Moreno. Maaari kang mabaril nang walang kalaban-laban sa lupaing ito,"masungit na sabi nito.
Kinilabutan si Patrice sa sinabi nito. Sa kakalakad niya marahil kanina, hindi na niya napansin na sakop na pala ng property ng mga Moreno ang pinuntahan niya. Pero lumaki siyang halos labas-masok sa gubat na iyon para manguha ng prutas pero wala siyang nakita roong gumagala na mga tauhan ni Señor Artemio para bantayan ang property na tinutukoy nito. Ngayon lang may nakakita sa kanya.
"Nasaktan kaba?"
Nag-angat siya ng tingin dahil sa nahimigang pag-aalala sa boses nito. Muntikan na siyang mapasinghap nang mabistahan ang hitsura ng may-ari ng baritonong boses. Bumilis din ang tibok ng puso niya. Napakaguwapo nito! Matangos ang ilong nito.Bumagay ang mga kilay nito sa bilugang mga mata at mapupula rin ang mga labi nito. Nakasuot ang lalaki ng itim na polo shirt kaya lalong tumingkad ang fair complexion nito. Nakasuot din ito ng maong na pantalon at kulay-abong boots. Halata rin sa tindig nito na anak-mayaman ito kaya sigurado siyang hindi ito isa sa mga tauhan ng señor. Pero sino ito? Sa loob ng magpipitong taon na paninirahan nila sa Cotabato, ni minsan ay hindi niya ito nakita sa bayan nila. Bisita kaya ito ng señor?
"H-hindi. S-salamat sa iyo," kiming sagot niya.
Ngumiti ito. Lumitaw ang malalim na biloy sa kaliwang pisngi nito. Muntik na niyang mahigit ang hininga dahil lalo itong gumuwapo, idagdag pang abot hanggang mga mata nito ang ngiti nito.Agad nawala ang masungit na aura nito kanina.
"Actually, nahihiya ako sa iyo dahil natumba ka pa rin nang tangkain kong saluhin ka." Tiningnan nito ang katawan. "Sa tingin ko ay kailangan ko na talagang magpalaki ng katawan. I hope hindi ka na-turn off sa akin," anito bago mahinang tumawa. His voice and his gaze convey seduction and flirtation. Hinawi pa nito patalikod ang buhok nito na lumawit sa noo.
"H-hindi naman. Ang i-ibig kong sabihin, wala kang dapat ikahiya. A-ako nga ang dapat mahiya kasi trespassing ako rito. Hindi ko na kasi napansin na lagpas na pala ako sa gubat. A-ano, ahm...k-kung bisita ka ng mga Moreno, maaari bang huwag mo na akong isumbong kay Señor Artemio? I'm sorry, hindi na mauulit,"kandautal na pakiusap niya.
"Wala iyon. And don't worry, hindi ito makakarating kay Señor Artemio dahil hindi naman sa kanya ang lupaing ito kundi sa kapatid niya na si Andrew Moreno. Iyon ang dahilan kung bakit walang gumagala ritong guwardiya o private army."
Kung ganoon ay kay Andrew Moreno pala ang lupaing iyon. Nakababatang kapatid ito ni Señor Artemio. Ayon sa mga tao, exact opposite ito ng señor dahil mabait ito.
Lumapit sa kanya ang binata at inilahad sa kanya ang kamay nito. "I believe hindi pa tayo magkakilala. Let me introduce myself. Hi, I'm Ezekiel Moreno."
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...