Part 50

11.2K 239 0
                                    


IT HAD been twelve years when Patrice last stepped in Cotabato.Bumuntong-hininga muna siya bago tinalunton ng minamaneho niyang Range Rover na inarkila niya ang daan patungo sa property na madalas niyang kuhanan ng mga prutas noon, ang lupang ipinamana ni Andrew Moreno kay Ezekiel. Napansin niya na halos walang nagbago roon. Iyon pa rin ang iniwan niya labindalawang taon na ang nakararaan. Hanggang sa marating niya ang mismong property. Ipinarada niya ang sasakyan at bumaba mula roon. Maliban sa barbed wire at karatulang nagsasabi ng "No trespassing," tila walang nagbago roon. Bumuntong-hininga uli siya bago tila may sariling buhay ang mga paa niya na tinalunton ang pamilyar na daan.Kusang huminto ang mga paa niya sa tapat ng punong-santol kung saan iniukit ni Ezekiel ang mga pangalan nila. Nasorpresa siya nang makita na naroon pa rin iyon. Nanginginig ang kamay na binakas niya iyon ng mga daliri. Pero wala na ang clearing kung saan madalas na nakalatag ang picnic mat na ginagamit nila ni Zeke. Sa halip, may nakatayo na roon na isang log house. At sa pinto niyon, malinaw na nakasulat ang mga katagang Zeke ♥ Patrice:A Tale of Forever.

Nagulat siya. Hindi makapaniwala sa nakikita. Mayamaya ay umihip ang hangin.Marahang inilipad niyon ang kanyang buhok. Kasabay ng ihip ng hangin ay ang pagdagsa ng masasayang alaala nila ni Ezekiel sa kanyang puso at isip. Ang mga paglalambing nito at kung paano siya nito itrato na para bang napakaespesyal niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Ilang sandali lang ay bumuhos na ang mga luha niya. Napakasakit isipin na ang lahat ng iyon ay isa lang palang ilusyon.

Memories sapped her mind. Napahawak siya sa puno ng santol para kumuha roon ng lakas dahil pakiramdam niya, anumang oras ay bibigay ang katatagan ng kanyang mga tuhod. Hanggang ang simpleng iyak ay mauwi sa hagulhol. Maybe she needed the tears to wash away the pain and the bitterness.

Papasok na sana siya saloob nang matigilan siya sa ugong ng sasakyan. Natilihan siya. Paglingon niya, nakita niya ang private army ni Señor Artemio Moreno.

F{

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon