"PERFECT, Xander! Magnificent!"
Tahimik na sinang-ayunan ni Ezekiel ang narinig na papuri kay Alexander ng direktor at photographer. Kasalukuyan siyang nasa Paris at pinapanood ang photoshoot ni Alexander para sa isang international clothing line.Based on what he was seeing, Alexander deserved the money and the fame he was getting.
Naroon siya para makipagkita kay Alexander. May photoshoot daw ito kaya nakiusap ito na puntahan na lang niya ito sa studio kung saan gaganapin iyon. Nasa kalagitnaan na ng photoshoot nang dumating siya. Nang makita siya nito ay sumenyas ito na tatapusin lang ang take na iyon. Kapagkuwan ay sinenyasan nito ang PA nito na asikasuhin siya.
"Okay! Let's have a break. We shall resume after fifteen minutes," anang direktor.
Nilapitan siya ni Alexander sa kinauupuan niya. "Mukhang importante ang pakay mo sa akin para sadyain mo pa ako rito sa Europe. Kumusta sinaKuya Vlad at AteBai?" anito.
"They're both fine. Busy sa preparation ng kasal. I'm here for an important business, Xander. Naalala kong narito ka rin kaya dinaanan na kita para magkita tayo," sagot niya. Hindi kasi niya alam kung paano sasabihin dito ang pakay niya.
Tumaas ang isang kilay nito. "You think I'd buy that? Oh, well. Maaaring business nga ang ipinunta mo—personal business. Let me guess, Ezekiel Moreno.Is it about Patrice?"
Marahas na humugot siya ng hininga.Mukhang tama nga lang na deretsahin na niya ito. "Alexander, gusto kong malaman ang totoo. Nanliligaw ka ba kay Patrice?"
Bumakas ang amusement sa mga mata nito. Umangat din ang sulok ng mga labi nito. "Sinadya mo ako rito para lang itanong iyan? Puwede naman na tinawagan mo na lang ako. Sasabihin ko naman ang totoo."
"Kung ganoon, ano ang totoo? Nanliligaw ka nga ba kay Patrice?" kinakabahang tanong niya.
"Hindi."
Nakahinga siya nang maluwag. "Good, dahil gagawin ko ang lahat maging akin lang si Patrice."
Tumango-tango ang modelo. "Mahal mo ba si Patrice? Paano ang nangyari noon? You've hurt her big-time."
It seemed Patrice told Alexander about their past. Naisip tuloy niya kung hanggang saan ang alam ng lalaki. Parang gusto niyang magselos sa katotohanang may ibang lalaki na napalapit kay Patrice.
"I know I've hurt her then but I had my reasons."
"What reasons?" curious na tanong nito.
"None of your business, Xander," masungit na sagot niya na ikinahalakhak nito. "Look, narito ako dahil gusto kong malaman mo na gagawin ko ang lahat para mahalin uli ako ni Patrice—"
"Mahal mo talaga siya?" putol nito sa sinasabi niya.
Sinalubong ni Ezekiel ang tingin nito. "Yes!I've never stopped loving her!"Nagbuga siya ng hininga. "Alam ko na ang sunod na sasabihin mo. Yes, I was a big fool then, a jerk!Hindi ako dapat nagpadaig sa takot. Pinagbabayaran ko iyon ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa ako napapatawad ni Patrice."
Saglit itong tumahimik na tila nag-iisip. Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Zeke, kung hindi nagpakita sa iyo si Patrice ngayon, hahanapin mo ba siya? Sa yaman at kapangyarihang mayroon ka ngayon, natitiyak ko na kahit saang sulok ng mundo naroroon si Patrice ay makikita mo siya."
"Believe it or not, nakasubaybay ako kay Patrice sa loob ng labindalawang taon. Updated ako sa mga nangyayari sa kanya so imagine my surprise when you said that you're courting her. Hindi iyon sinabi sa akin ng PI na inupahan ko sa Paris."
"Then, bakit hindi ka nakipag-communicate sa kanya?"
"God knows matagal ko nang gustong lumapit sa kanya kahit noong hindi pa siya nangingibang-bansa pero sa tuwina ay pinanghihinaan ako ng loob. Kaya it's a good thing na isinama mo siya sa party."
Pinakatitigan siya nito na tila tinitinimbang kung nagsasabi siya ng totoo. "Ang version lang ni Patrice ng kuwento ang alam ko. Kung pagbabasehan ko ang kuwento niya, dapat ka nga niyang isumpa at kamuhian. But I knew there's two sides of the story. Hindi kita huhusgahan, Zeke, lalo na at kahit paano ay kilala kita hindi man tayo sobrang lapit na magkaibigan gaya n'yo ni Kuya Vlad. Hindi ko pa alam ang buong bersiyon mo ng kuwento but I'm giving you the benefit of the doubt.But I guess you have to know Patrice had been hurting for the past years and I think you're the only one who could stop the pain. Iyon ang dahilan kung bakit ko siya dinala sa Pilipinas at isinama sa pagtitipong iyon. I believe in second chances."
Tumango siya. He will make it up to her. "Salamat."
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...