Part 7

11.9K 327 1
                                    


MAINGAT na humakbang siPatrice at nagtago sa likod ng malaking puno ng acacia nang makarating siya sa tagpuan nila ni Ezekiel. Mula sa likod ng punong-santol, palihim na pinagmasdan niya ang kaguwapuhan nito. Nakahiga ito sa picnic mat habang nakaunan ang ulo sa mga palad. Nakapikit ito at banayad ang pagtaas-baba ng dibdib.Mukhang nakatulog na ito sa paghihintay sa kanya.

Nagkakilala na ang nanay niya at si Ezekiel. Maayos itong tinanggap ng nanay niya bagaman nahalata niya ang pag-aalala at takot sa mga mata ng huli. Kinausap si Patrice nang masinsinan ng nanay niya isang beses at pinayuhan na huwag niyang hahayaang mahulog ang loob niya sa binatang Moreno. Subalit mukhang huli na ang paalala nito dahil habang dumadaan ang mga araw ay lalong lumalaki ang espasyong inookupa ng binata sa puso niya. Mahal na niya ito. Maaaring magdidisisiyete anyos pa lang siya pero alam niyang higit pa sa puppy love ang nararamdaman niya para dito. At dahil alam niyang hanggang summer lang mananatili si Ezekiel sa Cotabato, hindi niya pinalalampas ang bawat pagkakataon na makasama ito.

"It's rude to stare, don't you know that?" anang binata, sabay dilat. Bumangon na ito at tumayo.

Lumabas na siya sa pinagkukublihang puno. "Paano mo nalaman na narito na ako? Kulang na nga lang lumutang ako, huwag lang akong makalikha ng ingay."

Ngumiti ito. "Matalas lang talaga ang pakiramdam ko. Come here, may ipakikita ako sa 'yo."

Lumapit siya rito. Tinungo nila ang punong-santol. Ipinakita nito sa kanya ang mga nakaukit sa katawan ng puno. Kumabog ang dibdib niya sa nabasang nakaukit doon.

Zeke ♥Patrice.

"Ang tagal mo 'kong pinaghintay kaya kung ano-ano na ang nagawa ko rito," wika nito. "'Lika na,'nood na tayo ng movie," anito. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya pabalik sa picnic mat. Napatingin siya sa magkasalikop na mga kamay nila. He was holding her hand possessively. Masarap sa pakiramdam iyon. Parang gusto tuloy niyang magprotesta nang bitiwan nito ang kamay niya nang makaupo na sila sa picnic mat. Binuksan nito ang laptop na dala nito. Panonoorin nila ang romantic drama movie ng isa sa paborito niyang Hollywood actor. Spoiled siya rito kaya kahit hindi ito mahilig sa mga ganoong klase ng movie ay nakikipanood ito sa kanya.


Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon