"Zeke?" untag ni Bainisah sa kanya.
"Yes?"
"He's sick," alanganing wika nito na tila tinatantiya ang magiging reaksiyon niya. "May sakit ang daddy mo. Mild heart attack."
Umangat ang sulok ng mga labi bilang pang-uuyam."Finally, the gods decided to knocked him off his throne,"bale-walang sabi niya. Hindi pa niya napapatawad ang kanyang ama sa pagpapahirap na ipinaranas nito sa kanyang ina noon at sa kanya.
"Nasa ospital siya. Hindi mo ba siya dadalawin manlang? He's still your father—"
"He's my father, that's all. Kung puwede lang mamili ng ama, matagal ko nang ginawa. Drop the subject,Bai. Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan. Kaya niyang magbayad kahit isandaang doktor at nurse na mag-aalaga sa kanya," mariing wika niya.
His father Artemio Moreno had always prided himself in being in control of every aspect of his life and everyone around him. Makapangyarihan at maimpluwensiya ito sa buong Cotabato. Gusto nitong kontrolin lahat. At ang hindi nito makontrol,sinisira nito kahit buhay pa iyon. What Artemio wants, Artemio gets. Kabi-kabila rin ang mga lupaing kinamkam nito sa Cotabato. Hindi na niya naabutan ang lolo niya ngunit ayon sa tiyuhin niya,mas malupit daw iyon kaysa sa kanyang ama.
Galing sa hirap ang angkan nila. Ambisyoso lang ang mga ninuno niya kaya nagkaroon ng kayamanan o baka nga galing din iyon sa masama, hindi siya sigurado.
Thank God, apelyido lang ang namana niya sa kanyang ama at hindi ang ugali nito. Bata pa lang siya ay mulat na siya sa kalupitan ng daddy niya. Battered wife ang mommy niya kaya nakipaghiwalay ito sa daddy niya nang makakita ng pagkakataon at since then ay sa Maynila na sila nanirahang mag-ina. Nang mamatay ang mommy niya dahil sa isang malubhang sakit, ang Tito Andrew na niya ang kumalinga sa kanya, tutal, mukha namang walang pakialam sa kanya ang daddy niya. Ito ang nagpaaral sa kanya sa ibang bansa.
He had dull and unhappy life until one fateful day when he met this wonderful and lovely woman. It was one summer vacation. Umuwi siya ng Pilipinas para makapagbakasyon bago siya kumuha ng masteral niya sa England. Naisipan niyang magbakasyon sa Cotabato dahil may ibinigay ang Tito Andrew niya sa kanya na property roon at gusto niyang malaman kung ano ang gagawin niya sa property na iyon.
Doon sa punong-santol na sakop na ng property niya nahuling kumakain ng santol habang kumakanta ang isang magandang trespasser. He couldn't take his eyes off her. Ilang sandali muna niya itong pinagmasdan bago niya ipinamalay rito ang presensiya niya. Nalaman niyang Patrice Assette del Rio ang pangalan nito. Since then, ginawa niya ang lahat para makipaglapit dito. Isang ngiti lang nito ay sapat na para mabuo ang araw niya. Her laughter was enough to brightens everything around him.
He was the luckiest man on earth when he learned that she loved him, too. Masaya ang relasyon nila hanggang sa makialam ang kanyang ama at sirain sila. Inutusan siya nitong hiwalayan ang dalaga. Hindi siya pumayag lalo pa at may nangyari na sa kanila ng kanyang nobya. Pero binantaan siya ng kanyang ama na kapag hindi niya hiniwalayan si Patrice, may masamang mangyayari sa mag-ina. Patrice was the source of his strength but she was also his weakness. Kilala niya ang kanyang ama. Tinototoo nito ang mga sinasabi nito. Hindi niya kakayanin kapag may masamang nangyari kay Patrice at sa ina nitong si Aling Rosa.
"Hindi ko gagalawin ni dulo ng daliri niya at ng kanyang ina kung hihiwalayan mo siya,"tandang-tanda pa niyang sabi ng kanyang ama noon.
Ezekiel had to make a decision though it was a very painful one. Sa huli ay ipinasya niyang layuan na langang dalaga. Balak niya na iwan na lang ito nang walang pasabi pero hindi niya inaasahan na makikita nito ang pag-alis niya. Nakita niya sa rearview mirror ang paghabol nito. Pilit niyang binale-wala ito subalit hindi siya nakatiis nang makita niyang nadapa ito. Binalikan niya ito at napilitang pagsalitaan ng masasakit para madali siyang makalimutan nito. Kung alam lang nito na dobleng sakit ang dulot sa kanya ng bawat pagpatak ng mga luha nito. Hindi nito alam kung gaano katinding pagpipigil ang ginawa niya para bawiin ang mga sinabi niya at ikulong ito sa mga bisig niya. Pero alam niyang may lihim na sumusubaybay sa bawat kilos niya at isang maling hakbang ay mapapahamak ang babaeng pinakamamahal niya.
Maaari din naman siyang magpakatapang noon at itakas si Patrice at ang nanay nito at magpakalayo-layo sila. Maaari silang pumunta sa lugar na malayo sa kanyang ama. Pero alam niyang hindi niya habang-buhay na mapagtataguan ang isang tulad ni Artemio Moreno. At hindi rin niya gusto ang ganoong buhay para dito.
Nang makaalis ito, tila robot na bumalik siya sa kotse. At doon niya pinakawalan ang emosyon niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak siya dahil sa isang babae. Sa tindi ng galit ay naisigaw niya ang pangalan ng ama na puno ng pagkamuhi.
"Zeke!"
Ang boses ni Bainisah pati na ang pagpitik nito sa hangin ang nagpabalik sa naglalakbay niyang diwa.
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...