"'AYUN, ZEKE, sa bandang kanan mo! Mukhang hinog na ang mga manga," malakas na wika ni Patrice habang itinuturo ang mga mangga na tinutukoy niya. Katulad dati ay nasa tagpuan nila uli sila. Kinagabihan ng kaarawan niya ay t-in-ext siya nito na magkita sila sa gubat. Wala raw ang ama nito at lumuwas uli ng Maynila.
"Nasaan?" tanong nito habang palinga-linga sa bandang kanan nito.
Kinabahan siya nang medyo gumiwang ito sa kinatutuntungang sanga. "Zeke!" nag-aalalang wika niya.
Ngumisi lang ito."Biro lang," anito.
Umirap siya. "Hindi nakakatawa ang biro mo! Bumaba ka na nga riyan at nagdidilim na ang langit. Mukhang uulan na..."
"Sandali, kukunin ko lang ang mangga mo."
"Huwag na. Baka abutan pa tayo ng ulan. Puwede namang balikan nalang iyan bukas at—hayan na nga ang ulan!" bulalas niya nang magsimulang lumakas ang kanina ay mga ambon lang.
Pero sa halip na mabahala, mukhang tuwang-tuwa pa ito. Mabilis na bumaba ito ng puno at hinawakan ang magkabilang kamay niya. He looked excited. "Hindi ko pa nararanasan na maligo sa ulan, Patrice. This is my chance!" Idinipa nito ang mga kamay at pagkatapos ay nakapikit na tumingala.Hinayaan nitong mapatakan ng ulan ang mukha nito. Gusto niyang sawayin ito dahil baka magkasakit ito pero nagbago ang isip niya nang makita ang katuwaan sa mukha nito. Nangingiting napailing na lang siya. Kung minsan ay astang-bata pa ito kaysa sa kanya. Nevertheless, she loved the playful boyish side of him.
"Come on, samahan mo ako, Patrice!" nang-eengganyong wika nito.
Sinamahan na nga lang niya ito sa paliligo sa ulan. Tila nabalik sila pareho sa pagkabata. Humahalo sa maingay na buhos ng ulan ang mataginting na halakhak nito. He played, he danced, and sang under the rain. He was so adorable.
Mayamaya ay unti-unting humina ang ulan hanggang sa maging ambon na lang iyon. Ngiting-ngiti pa rin ito kahit basang-basa na sila pareho. "Oh, Patrice! Isa ito sa pinakamaligayang sandali ng buhay ko. Alam mo—" Huminto ito sa pagsasalita. Nakatitig lang ito sa bandang dibdib niya.
Nakakunot-noong yumuko siya para tingnan ang sarili. Nag-init ang mga pisngi niya nang makitang hakab na hakab sa katawan niya ang manipis na kamiseta na suot niya. Hindi nakatulong ang manipis ding lacy bra niya para maikubli ang dalawang dunggot na ngayon ay nakabakat na dahil sa lamig. Gusto niyang takpan ang sarili pero hindi niya magawang kumilos. Nakatingin lang siya kay Ezekiel at pinapanood ang pagdaan ng iba't ibang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Lumunok ito. Kapagkuwan ay hinubad nito ang suot na polo. Isinuot nito iyon sa kanya. "Giniginaw ka na," anito habang isinusuot sa kanya ang polo.
Nahigit niya ang kanyang hininga nang sumayad ang mainit na balat nito sa balat niya habang isinusuot nito ang polo sa kanya. Hindi siya makakilos. Ramdam niya ang mainit na singaw ng katawan nito. Hindi maalis ang mga mata niya sa nakahantad na katawan nito. Hindi ito masyadong ma-muscle pero hindi rin ito payat. She had no idea why his bared chest was giving her random thoughts.
"Let's go, Patrice..." wika ng binata.
Napatingin siya sa mga mata nito dahil may nahimigan siyang kung ano sa tinig nito. Tila may tinitimpi ito na kung ano.
"Patrice, huwag mo akong tingnan nang ganyan." Wala sa loob na napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito."Close your lips, damn it!" maigting na wika nito.
Napapitlag siya sa pagtaas ng tinig nito. "B-bakit ka nagagalit?"
Napabuga ito ng hangin. "God, Patrice! Aren't you aware? Tinitingnan mo ako na parang nag-aanyaya ka ng isang halik! And believe me, kaunting kontrol nalang ang meron ako."
Hindi niya alam kung bakit sa halip na sundin ang sinabi nito ay lalo pa niya itong tinitigan at nakagat pa niya ang ibabang labi. Tila iyon na ang naging hangganan ng pagtitimpi nito. Sa isang iglap ay nakabig na nito ang batok niya at inangkin ang mga labi niya. Saglit lang siyang natigilan at tinugon niya ang halik nito ng kaparehong init at intensidad. Umungol ito at dumako ang isang braso nito sa likod ng baywang niya para hapitin pa siya lalo palapit dito. Raw heat surged through her body. Basang-basa sila at malamig ang dapyo ng hangin pero pakiramdam niya ay nag-aapoy sila.
Mayamaya ay kusang naglakbay ang kamay ni Patrice at marahang humaplos iyon sa dibdib nito. Umungol ito at pinakawalan ang mga labi niya. Akmang magpoprotesta siya nang maramdaman niya ang mga kamay nito na nasa laylayan ng suot niyang kamiseta. Ang sunod niyang namalayan ay nahubad na nito ang kamiseta niya. Bagaman may nararamdaman siyang takot sa napipintong maganap, alam niyang hindi niya iyon pagsisisihan. Nakahanda siya sa magaganap dahil kung may pagbibigyan man siya ng kanyang sarili, iyon ay si Ezekiel lang...
ev[
BINABASA MO ANG
Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)
RomanceIisa lang ang nasa isip ni Patrice nang magbalik siya sa Pilipinas pagkalipas ng labindalawang taon--- ang maghiganti kay Ezekiel. He was her first love who gave her the most painful heartache possible. Isinumpa niyang magbabayad ito ng mahal para s...