Part 44

11.7K 281 1
                                    

HAWAK ni Ezekiel ang kamay ni Patrice habang tinutungo nila ang opisina nito sa MBN. Mula nang ma-interview ang binata,parati na silang laman ng mga balita. Maging ang pagkakatira niya sa bahay nito ay lantad na rin sa publiko. Hindi na rin siya nagulat na nakalkal na ng media ang kanyang biography. Kaya marahil hindi na nagulat ang mga empleyado nito sa pagpunta nito roon nang kasama siya.

"Nakalimutan kong itanong kung may dapat ba akong iwasan rito sa opisina mo," aniya rito.

Tumigil si Ezekiel sa paglalakad kaya napatigil din si Patrice. Humarap ito sa kanya. He smiled knowingly. "Yeobo, ang gusto mo bang itanong ay kung may girlfriend ako rito?" panunukso nito. "I've been a good boy. With that, you shall give me a reward. And I'm claiming it right now."

Bago pa siya makahuma ay angkin na nito ang mga labi niya. Mabuti nalang at hindi nito pinalalim ang halik na iyon at agad din siyang binitiwan nito. Nakakahiya sa mga empleyado nito.

Hinampas niya ang dibdib nito sa kapilyuhan nito. Nang pasimpleng tumingin siya sa paligid, nakita niyang malawak ang pagkakangiti ng mga nakakita sa kanila. Dumeretso na sila sa opisina nito.

"Ano'ng maitutulong ko?" aniya nang maupo ito sa executive chair nito at sinimulang harapin ang mga paperworks. Alangan naman kasing maghapon lang siyang tumunganga roon.

Nag-angat ito ng ulo at kinindatan siya. "Just be my inspiration."

Natawa siya.

Umalis ito sa kinauupuan nito at nilapitan siya. "Hindi naman tayo magtatagal dito. May mga pipirmahan lang ako, then aalis na rin tayo."

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya. Napansin niya ang tagilid na pagkakaayos ng necktie nito. Inabot niya iyon at inayos.

Lumarawan ang fondness sa mga mata nito. "Basta." Napasinghap siya nang kabigin siya nito sa baywang. "Bakit, akala mo ba, tatagal ako rito sa opisina na nandiyan ka lang sa harap ko? Goodness, Patrice, if you only knew what's running on my mind right now."

Sinumpong siya ng kapilyahan. Nang-aakit na nginitian niya ito. "Bakit, Mr. CEO, ano'ng tumatakbo sa isip mo ngayon, huh?"

He groaned. Halatang apektado ito ng panunukso niya. "I wanna make love to you right here, right now.But it can wait until we get home."

"Oh, yeah? You can hold on?" patuloy niyang panunukso rito.Hinagkan niya ang tungki ng matangos na ilong nito.

Umungol ito. "All right! I don't think so lalo na kung ganyang inaakit mo ako. Why, my love, pareho lang tayo ng nararamdaman."

"Really?" kunwa ay hindi kumbinsidong sabi niya.

"'Want me to prove it?" Bago pa siya makasagot, walang kahirap-hirap na pumasok ang isang kamay nito sa loob ng blusa niya and teased her there. She arched her body involuntarily. He was right, they just feel the same. "See?" panunukso nito at patuloy na naglaro doon.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pag-alpas ng isang ungol. "S-stop it, Zeke."

"Stop what?"

"Y-you're torturing me!"mahinang angil niya rito.

"That's what you get for teasing a hot-bloodedmale like me, my love," bulong nito sa kanya bago inangkin ang kanyang mga labi. "I love you,Patrice. I really do," anito nang pakawalan ang mga labi niya.

"Mahal din kita, Zeke."

Inayos na nito ang blusa niya. "Let's go?"

"Saan? Sa bahay? Para tapusin ang nasimulan natin dito sa opisina?"

Pumuno sa buong opisina ang halakhak ni Ezekiel. With desire in his eyes, he looked at her. "Later, yeobo, later. Sa ngayon, kailangan muna nating ihanda ang ating engagement party bukas."

"Engagement party?"

"Yes, engagement party natin. Karangalan kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ay magiging asawa ko na sa wakas."

Magiging Mrs. Ezekiel Moreno siya pagkatapos ng isang buwan. Iyon ang napagkasunduan nila. Masyadong maikli iyon para iayos ang kasal na nais nito para sa kanya, pero para sa isang tulad nito ang status sa buhay, sapat na ang isang buwan para magkaroon ng engrandeng kasalan. Money's power will work accordingly.

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon