Part 55

12.5K 313 1
                                    

Ten twenty. Twenty minutes na rin siyang latepero nakangiti na siya dahil pumaparada na ang sasakyan sa harap ng Manila Cathedral.Mula sa loob ng sasakyan, kitang kita-niya ang tila hindi mahulugang karayom sa dami ng mga nais makiusyoso sa kasal nila. Nervous like a bride should be, but excited as she will marry her one true love. Bumukas ang pinto ng kotse at bumulaga sa kanya ang nakangiting mukha ni Alexander.

Inilahad nito ang palad sa kanya. "Everything will be okay now, Patrice..."

She smiled and nodded in agreement. Tinanggap niya ang kamay ni Alexander. Ibinigay ng modelo sa kanya ang isang pumpon ng mga bulaklak—ang kanyang bouquet. Agad na nagkislapan ang mga camera. Tila may mga paruparong nagliliparan sa loob ng tiyan niya sa sobrang kabanang tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat na magsisimula na siyang magmartsa.

Inihatid siya ni Alexander hanggang sa bukana ng simbahan. Mula roon ay nakapila na ang entourage. Sinalubong siya ng nanay niya upang ihatid sa altar. Hinanap ng mga mata niya ang kanyang groom. Nakita naman agad niya ito na naghihintay sa may altar.

Ezekiel, her Ezekiel... He was so handsome. As expected, he was a dashing groom. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.Nakita niyang pasimpleng nagpahid ito ng luha. It touches her heart. She'd seen him cry and it doesn't make him less of a man.

Pumailanlang ang kanilang wedding song at nagsimula na siyang maglakad palapit sa binata habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata. Ang mga guest na nadadala sa eksena nila ay bahagyang natawa nang umakto ang binata na sasalubungin na siya. And maybe he will really do so kung hindi lang napigilan ng bestman nito na walang iba kundi ang fiancé ni Bainisah na si Vladimir.

"Zeke..." Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya nang makalapit na siya rito at hawakan siya ng binata. To the crowd's delight, he hugged her tightly.

"Alam kong darating ka..." anito bago siya pinakawalan at inalalayang maglakad patungo sa harap ng altar kung saan ay naghihintay na ang pari. "I love you so much, Patrice," bulong nito.

"I love you, too."

Story Of Us Trilogy: Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon