14

1.4K 73 44
                                    

DREAM WEN

Lagpas na ng limang araw ang due date ng panganganak ko pero wala pa ring sign ng paglabas ni baby. Syempre kinakabahan na ako kasi baka nagustuhan na ni Mansae sa loob at forever nang tumira doon.

Pero sabi ni Wonwoo, hindi naman daw imbis na lumagpas ay hindi na lalabas si baby. Pwede ring magkamali ang mga doctor sa pagtansya.

Naghahanda ng pagkain si Jisoo kasi sila ang nagbabantay sa akin. Alam kong ang korni ng trip nila pero okay na rin at least may kasama ako sa bahay. Medyo natatakot na rin akong mag-isa. Feeling ko kasi parang may sumusunod sa bawat kilos ko.

"Nagtext sa akin si Jeonghan. Gusto na raw nyang makita si baby Mansae." sabi ni Seungcheol habang nakatingin sa phone nyang iPhoneXB.

"Sige." pagkasabi ko ng sige ay biglang lumitaw si Jeonghan sa pinto. Nakangiti sya nang malapad at saka ako niyakap.

"Putangina mo namiss kita! Bakit kasi ayaw mo 'ko rito!?" naiinis nyang sabi saka pabiro akong binatukan.

"Baka kasi agawin mo sila Minggoy at Haohao" natatawa kong sabi.

Nagpout lang sya sa akin saka umupo na rin sa sofa.

Naisipan kong pumunta sa banyo kasi nakaramdam ako ng pagputok ng pantog ko. Pero pagkatayo ko ay nagulat ako nang makaramdam ng sakit sa loob. " Hala ka, tulong" sabi ko habang nakasandal sa sofa na inupuan ko kanina.

Nakuha ko naman yung attention nila na naglalaro ng video games. Nagpanic sila nung una pero kumalma naman sila ulit. "Ang sakit!" reklamo ko.

Nakaihi ako sa sahig pero nagulat ako nang dugo ang makita ko. "Hala dugo! Putangina help!" nagpapanic na sabi ko.

"Dalhin natin sya sa hospital" suggestion ni Jisoo.

Binuhat ako si Seungcheol papunta sa kotse ni Jeonghan at dinala sa hospital na pinakamalapit sa bahay namin. "Tawagan nyo si Wonwoo!" sabi ni Seungcheol habang pinapakalma ako.

Bakit may dugo? Malalaglag na ba si baby? Hindi ba sapat ang pag-aalaga ko sa sarili ko at bigla nalang syang magaganito? Anong nangyayari, bakit may dugo?

"Kalma. Manganganak ka na" sabi ni Jeonghan sa akin. Nanlaki ang mata ko.

HA!? Ba't hindi ako ininform ni Mansae? "Ikaw kasi eh patext-text ka pa na gusto mong makita si Mansae. Ayan tuloy tinupad nya yung wish mo" natatawang sabi ni Seungcheol.

"Bilisan nyo na please!" nagmamakaawa kong sabi kasi balak pa ata nilang magchitchat sa harap ng manganganak.

Pumasok kami sa emergency room at saka nila ako iniwan sa loob. "Tatawagan namin si Wonwoo. Kapit lang ha. Magiging succesful ang delivery mo" pagchecheer up akin ni Jisoo bago nila ako iwan sa loob.

At dahil sa pagchecheer ng mga nurse at doctor sa akin, nalabas ko si Baby nang normal delivery. At first hindi ko kaya pero nakaya ko pala at second, joke.

Pawis na pawis ako. Naluluha rin. Sobrang hirap. Gugustuhin ko sanang magCS kaso sabi ng doctor kaya ko naman daw magnormal kaya bakit pa ako maggagastos? Ang sakit ng kipay ko ngayon.

PARA AKONG UMIRE NG ISANG TUBOL NA KASING LAKI NG HOLLOW BLOCKS! Napunit yung flower ko, ang sakit. Hingal na hingal ako pagkatapos ko umire pero nabawi naman ang paghihirap ko nang ibigay na saakin ng nurse ang baby ko.

Napangiti nalang ako at hindi na nagawa pang magsalita nang isiping nila sa akin si Mansae. Pinagmasdan ko sya, baby palang sya alam ko nang kahawig nya si Minghao. Ang kilay nya ay parang kay Wonwoo, at baby palang sya may potential na syang maging model.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon