DREAM WEN
Pagkatapos ng pag-uusap namin noong araw na iyon ay hindi na ulit sya nagparamdam. Kinakabahan ako, dahil ba 'to sa pagtanggi ko na sumunod sa kanya papuntang Canada?
Naisipan ko syang i-text kaso hindi naman sya nagrereply. Tatawag sana ako kaso nalelate na ako ng gising at may trabaho pa ako sa library. Pati sa social media ay hindi sya active. Kung online naman sya inboxzoned lang ang mga chat ko sa kanya.
Birthday na ng kambal pero wala na rin syang paramdam. Nahurt ko ba sya nang sobra? Hindi na sya puwedeng magpabebe pa, may anak na kami, utang na loob naman.
Namimiss ko na sya saka si Lucky. Malay ko ba kung naaksidente na sya roon? O baka nakahanap na sya ng iba? Si Lucky ba, walang nangyaring masama sa kaniya?
Naiinis na ako. Isang oras nalang ay matatapos na ang birthday ng kambal pero hindi pa nababati ni Wonwoo si Seven, same as Lucky, hindi ko pa sya nakikita. Sobra ba ang galit nya sakin? Busy ba sya? Ano ba?
Gabi na sa kanila, siguro naman hindi sya parating over time 'di ba? Kahit simpleng happy birthday lang sana.
Naiiyak na ako, miss ko na si Lucky, pati sya. Triny ko na syang tawagan, papayag na akong sumunod sa kanya kasama si Seven sa Canada. Ayaw ko na ng ganito, hindi ko kayang hindi pa sya makita. Pero wala, hindi nya sinasagot, putakte naman, Wonwoo.
Sa bahay na rin nakikitulog si Jun para samahan ako. Tulog na si Seven sa kwarto namin. Nasa sala ako ngayon, tinatry na tawagan sya.
Bukas na bukas ay bibili na ako ng ticket papuntang Canada. Kinakabahan na ako. Baka kaya hindi sya nasagot dahil may nangyari na pala sa kanya. Tangina kasi bakit ba naghiwalay sila ni Mingyu ng lugar?
"Wala pa rin ba?" nakita ko si Jun na pababa ng hagdan, para siguro uminon ng tubig.
Napangatngat nalang ako ng kuko. Sa totoo, lang nababanas na si Jun kay Wonwoo. Pinipigilan ko nalang syang sobrang magalit sa kanya, kahit papaano ay naging magkaibigan sila.
"Napupuno na ako sa asawa mo ha. May mag-ina sya rito, hindi pwedeng ipapairal nya yang pagkamasarili nya sa'kin," naiinis nyang sabi saka umupo sa tabi ko.
Triny nya ring contact-in si Wonwoo. Nakailang tawag siya at sa wakas, sinagot rin. Aagawin ko sana yung phone, gusto ko na talagang magsorry sa kanya, gusto ko na kaming magbati pero nilayo ni Jun ang phone niya sa akin. Halatang iba ang naging pinta ng mukha nya.
Sa wakas niloud speaker nya rin. Pero kusa nalang tumulo ang luha ko nang marinig na hindi si Wonwoo ang sumagot.
"Putangina" napamura nalang si Jun na halata sa mukha nyang mapapatay nya si Wonwoo sa oras na magkita sila.
"Why the heck are y'all trying to contact my boyfriend? Bitches Wonwoo's mine. Right babe?" halatang cano yung sumagot.
Nadurog nalang nang papiraso-piraso ang puso ko nang marinig kong sumagot ng 'hmm' si Wonwoo sa kabilang linya. Alam kong sya 'yon. S'ya iyon, gago.
In-end ni Jun yung call saka tumingin nang may pag-aalala sa akin. Lumapit saka pinahid ang luha ko sa mata gamit ang mga kamay nya, "'Wag kang umiyak nang dahil sa gagong 'to putangina sabi ko sa inyong ayaw ko ng broken family, ayaw kong nasasaktan ka. Lalo na nang dahil sa kaibigan ko, Dream, " seryoso nyang sabi.
"Jun," iyon nalang ang sinabi ko saka sya niyakap nang mahigpit, feeling ko nagtagpi-tagpi na ang four chambers ng heart ko nang dahil sa canadian na babaeng sumagot sa tawag ni Jun kay Wonwoo.
"Sa China muna tayo magstay kasama nila mama. Mas makakabuting doon ka muna kasi putangina ng asawa mo hindi ko na sya hahayaang makalapit sayo," nakita kong nagclench sya ng fist.
Natatakot ako, ayaw kong saktan nya si Wonwoo. Pero bakit ba 'yon nagawa ni Wonwoo sa'kin?
Maayos naman kami ah, bakit biglang ganito?
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.