18

1.3K 72 5
                                    

DREAM WEN

Nalaman ko na regular na costumer pala sa library na 'to si Wonwoo. Pero ngayon ko lang sya nakita. Bakit kasi lagi akong day shift? Kadalasan daw dumederetso sya rito bago sya umuwi ng bahay.

Saan kaya sya nakatira? Buti ang chichismoso ng mga katrabaho ko. Basta pogi eh alam na ang lahat.

Nag-unat ako saglit at tumingin sa orasan. Ten minutes nalang out ko na. Sumasakit na ang likod ko kakaupo dito sa table na 'to.

Inayos ko na ang mga gamit ko para ready na ako. Nanghingi ako ng salonpas kay Shine, yung katrabaho ko kasi sumasakit na pala talaga ang likod ko.

Nakaready na ang lahat, 3 minutes nalang lalarga na ako.

Pero di ko inaasahan na may pumapasok pa sa library ng ganitong oras. Medyo magdidilim na kasi at napakarear talagang makakita ng mga millenial na mahilig sa amoy ng lumang libro. Medyo marami ang mga tao dito pero out is out kaya iiwanan ko sya dito.

Di kalaunan ay biglang may nagring, meaning may pumasok na naman sa library.

Nakuha ang lahat ng atensyon sa pumasok. Naintriga naman ako kaya lumingon din ako. Halos lumuwa na ang mata ko nang makita sya. Nakatitig sa akin nang masama.  Lumapit sya sa akin saka ako hinawakan sa braso. "Sumama ka sa akin"

Nakatingin lahat ng tao sa amin. "Teka, iniwan mo ako sa bahay na 'yon tapos gusto mo akong sumama ngayon sa'yo?" sarcastic na sabi ko sa kanya.

Inirapan nya lang ako saka dinala ang bag ko at hinila palabas ng library. "Uy 'di pa ako nakakapirma ng out ko!"

"Idoctor mo nalang" cold na sabi nya.

Piniglas ko yung kamay ko nang makarating kami sa park na pinarkan ng kotse nya.

"Ano bang problema mo?" nakakainis lang kasi kung kailan maayos na akong wala siya bigla nalang syang magpaparamdam.

"Sorry sa ginawa ko pero I did that on purpose. Sa tingin mo aalis ako ng walang dahilan?" sabi nya saka ako kinorner ng mga braso nya hanggang mapasandal ako kotse.

"Ano bang dahilan mo Wonwoo? Sabihin mo na para naman malinawan ako." feeling ko maluluha na ako.

"I'm scared. So scared that I might fall and be trapped again" nakayuko nyang sabi sa akin.

"Nabakla ako. But admit it, we need space para makapagadjust sa nangyari" binagsak nya ang kamay nya na parang nawala na lahat ng lakas nya sa katawan at napunta lahat sa likod.

"Nasaktan ako sa ginawa mo" hindi ko na napigilang lumuha. Sinampal ko si Wonwoo pero slowmotion lang, like caressing his cheeks.

Sadyang nakakadisappoint na 'ypn lang pala ang dahilan nya. E di sana hindi nalang sya umalis. Kung may tiwala sya sa akin, kampante syang hindi na kami matatrap pang muli.

"Hindi lang naman kasi ikaw."

"Sana sinabi mo nang harapan diba? Paletter - letter ka pa tapos wala pang hint, kingina mo talaga."

"Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sayo noon eh. Pero atleast nakahanap ka na ng replacement sa pagiging mister ko." ang bitter ng ngiti nya. Ramdam ko yung pait ng ampalaya sa ngiti nyang iyon.

Si Taeyong ba yung tinutukoy nya?

"Selos ka naman? Kung sana hindi ka umalis hindi naman 'to mangyayari lahat."

"May option naman kasi tayong umayaw sa deal ng magulang natin pero hindi mo naman nireject. Bakit mo ineexpect na sasama akong makipag-iyakan sayo sa loob ng bahay na 'yon?" natamaan ako sa sinabi nya.

Pagkatapos noon ay iniwan nya akong speechless at umalis na. Tinawag nya lang ba  ako para ipamukha na wag ako masyadong umasa na babalik sya?

Sino ba sya para balikan? Wala na si Mansae kaya wala na rin kaming koneksyon. Hindi sya kawalan sa akin. Magpakasaya na sya kasi kahit kailan hindi ako maghahabol para lang sa isang tulad nya.

J  E  R  K

Ang sakit na nga ng likod ko, papasakitin nya pa yung puso ko ngayon.








edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon