DREAM WEN
Araw na ng kasal.
Kinakabahan ako.
Nauna na sila Wonwoo sa may Simbahan kasi bawal daw makita ng groom ang bride na nakabihis na bago ang kasal.
Lumabas na kami sa room saka kami tinanong ng organizer kung okay na ako. Tumango nalang ako saka sinimulan na ang ceremony.
Nandito lang ako sa kotse habang tinitignan by pair ang mga kasali sa kasal ko. Nakita ko ring awkward si Taeyong at Grace. Hindi ko na sinali sa ceremony si Rena kasi lalandiin nya lang yung makakapartner nya.
Nakapasok na silang lahat sa Simbahan at turn ko naman ngayon. Sumenyas ang organizer na puwede na akong lumabas sa kotse.
Kasabay ng paglabas ko ay ang pagbukas sa pinto ng Simbahan. Kinabahan ako bigla nang makita ko na napakaraming tao sa loob at lahat sila ay nakatingin sa akin.
May dumi ba ako sa mukha? Kakakatawa ba ang make up ko? Kinakabahan ako.
Nakayuko akong pumasok sa loob pero narinig ko si Ms. Kim na nabulong ng "Mrs. Jeon, face your partner. Lift up your head, chin up!" kaya napilitan akong tumingin sa harap.
Ang galing ko noong rehearsal pero bigla akong kinakabahan kapag actual na. Nang humarap ako ay nawala lahat ng kaba ko. Guess what? Nakangiti si Wonwoo sa akin habang nandoon sa altar, hinihintay akong makalapit. Ang gwapo nya sa wedding suit and tie nya. Husband material talaga.
Nakita ko sa kabilang gilid si Seokmin na kumakanta ng theme song namin ni Wonwoo na Ikaw Na Nga ng idol ni Wonwoo na si Koya Will.
Si Jisoo rin na kanina pa nakangisi sa akin kasi ang ganda ko raw sa view na yun. Feeling nya sya yung groom. Malay mo naman, sa next life ko s'ya naman 'di ba, charot. Kahit pang-ilang life pa, 'di no'n matatapatan si Wonwoo. I will fall for him hundred times.
Nakalapit na rin ako sa kanya at nagpalakpakan naman ang mga tao. Inalalayan nya ako na makaakyat sa altar pero hindi pa rin nya inaalis ang malamig kong kamay sa kanya.
"Don't be nervous. I got you, beautiful," sabi nya sa akin saka ako kinindatan.
Nagsimula na ang mahabang pagbabasbas sa amin ni Father with his assisstant, Joshua.
"Do you, Wonwoo Jeon take Dream Wen as your lawfully wedded wife?" Tanong ni Father kay Wonwoo.
Tumingin nang matagal sa akin si Wonwoo saka tumango habang nakangiti. "I do,"
Yung boses nya, nakakainlove. Siguro nga jackpot ako na makasungkit ng gwapong nurse na naglagay ng sperm na sa akin.
Marapat na alagaan ko rin sya hanggang sa huli katulad ng pag-aalaga nya sa akin at pag-ako ng mga responsibilidad na hindi naman talaga dapat sa kanya. Mahal na mahal talaga kita, Wonwoo
"Ms. Wen? Are you with us?" natauhan naman ako sa sinabi ni father.
"Ha?" tulig kong tanong. Nagtawanan naman yung mga audience.
Ano bang nagawa kong masama? Pati si father napatawa nang mahina, "Mr. Jeon, your wife would be sinful in just by staring at your eyes like that" anong pinagsasabi nito ni father?
"Again. Do you, Dream Wen take Wonwoo Jeon as your lawfully wedded husband?" ah.
"Of course, I do," proud kong sabi. Naghiyawan naman ang mga tao sa likod namin at nangunguna doon si Hoshi at Seungkwan.
"By the power vested in me, I pronouce you husband and wife," nakangiting sabi ni Father saka naman nagpalakpakan ang mga guests.
Nangunguna sa pagpalakpak si Hoshi na parang nagtatawag pa ng kalapati. Yung iba naman nagrerequest ng kiss.
Sandalo lang ano, first time nyo bang makaattend ng kasal?
Sinuot na namin ang mga singsing sa isa't isa saka nagtitigan. As he smile at me, his nose was scrunching, revealing his whisker-like dimples. Kahit nakatakip ako ng belo kitang-kita ko kung gaano sya kasaya ngayon.
"Congratulations. Iho, you may now kiss the bride," pagbibigay pahintulot ni Father kay Wonwoo.
Agad naman nyang tinanggal ang nakabalandrang belo sa harap ng mukha ko saka ako sinunggaban ng halik. It's a deep passionate kiss, damn.
Hindi ako nagpaawat at agad na nagresponse rin sa halik nya. Naririnig namin ang tilian sa mga guests. Kumapit ako sa leeg nya at saka naman nya ako niyakap nang mahigpit. Bumitaw na sya sa halik at kitang-kita ko sa malapitan ang mukha nya na sobrang saya.
"I love you," sabi nya saka ako nagsmack ng halik sa pisngi ko.
"I love you too" nakangiti kong sabi saka nagtry na halikan siya sa noo pero yumuko siya kaya ang nahalikan ko ay ang labi nya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang buhatin nya ako ng bridal style kaya napakapit ako bigla nang maayos. "Uy baliw malaglag ako! Damay pa pati baby natin!" babala ko.
"Don't worry. I'll handle my family nicely and gently," sabi nya sabay kindat sa akin.
Lumabas kami ng Simbahan habang may mga petals na nagsisitapunan sa sahig. Lahat sila masaya pati si Wonwoo, at lalo naman ako.
Hindi ko inaakalang nalagpasan ng kasal na 'to ang expectations ko. Akala ko hindi magiging successful ang kasal kasi una, akala ko di ko sya mahal at pangalawa, napakabata pa namin, at pangatlo, 'di ko alam kung paano mabuhay nang hindi umaasa sa magulang. Pero sa tulong ni Wonwoo, unti-onti ko nang naiintindihan.
Sya ang kaisa-isang lalaki na nagpaintindi sa akin kung gaano kasarap ang magkaroon ng maalagang asawa na tulad nya.
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.