62

1K 62 13
                                    

DREAM WEN

Mabilis na lumipas ang panahon, tinulungan ako nila Jun at ng iba pa nilang barkada na naiwan dito habang wala sila ni Mingyu. Mag-iisang taon na rin syang nagtatrabaho sa Canada. 

Maayos naman ang communication namin, kaso nga lang nalimitahan na, mas bumubusy na sya doon at bantay-sarado pa sya ng iba pa nyang mga pinsan. Every Monday ng umaga hanggang tanghali ko na lang sya nakakavideo call .

Naaawa ako sa kanya. Hindi nya deserve na magtrabaho sa malayo at magpaka-alipin sa mga pinsan nya. Kung makikita ko man ang mga pinsan nyang 'yon pagkakalbuhin ko talaga 'yan sila. Pero joke lang malay mo si Jungkook 'yon gago itatago ko nalang siya.

Naghihintay akong mag-umaga para makausap ko na sya, sigurado papauwi palang 'yon, miss ko na sya. Kahit ang tagal na ng set up naming  ganito hindi pa rin maalis sa isip ko na gusto ko pa rin syang katabi sa pagtulog ko. Ang tagal naman kasi nilang bumalik.

"Babe," pagsagot nya sa tawag ko with halong excitement. 

"Masaya ka ata?" masaya ko ring tanong.

"Malapit na akong mapromote, at once na mapromote na ako pwede na kayong tumira kasama ko," natuwa ako sa good news nya kaso may nainisip ako. 

"Paano mga kaibigan mo rito?" napahinga sya nang malalim.

"Why? Ayaw mo ba ako makita? Mas pipiliin mo ang mga kaibigan ko kaysa sa akin na asawa mo?" medyo nagtatataka nyang sabi

"Hindi naman sa gano'n, gusto na rin kaya kayo makita ng mga kaibigan nyo ni Mingyu,"  napahinga sya muli nang malalim.

"I miss them too but ikaw saka si Seven lang ang pwede kong dalhin dito," paliwanag nya. 

Makikita ko sya, kaso iiwan ko naman yung iba dito. Si Lucky mayayakap ko ulit. Kaso paano naman yung mga tito nila dito?

"Ayaw mo ba?" ramdam ko ang dissappointment sa pagsasalita nya.

"Hindi naman, kasi nga 'di ba ang usapan babalik ka dito---" hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla syang sumabat.

"Sige, maghintay ka nalang ng five years d'yan" saka nya in-end ang call.

Bakt sya nagalit? Hindi ba nya naisip na may kaibigan rin sya rito? Hindi naman puwedeng kalimutan lang sila at tumira nalang kami sa malayo. Sila ang dahilan kung bakit kami naging isang pamilya. Dapat lang na magkaroon kami ng utang na loob.



edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon