15

1.3K 74 35
                                    

DREAM WEN

Nakalabas na ako sa hospital pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on sa pag-alis ni Mansae sa tyan ko.

Mas mabuti pa pala kung nag-stay sya. At least magse-stay rin ang lahat sa dati. Yung tropa na palaging naghaharutan sa bahay, biglang nawala kasi hindi namin gustong maistorbo. Nag-aadjust ang lahat sa pagkawala ni Mansae.

Sinabi namin na namatay si Mansae sa loob ko para hindi na sila mag-alala, pero mas naging concerned naman sila sa amin nang sabihin namin iyon.

Nag-iiwasan na kami ni Wonwoo kahit na nasa iisang bubong lang kami. Naisipan ng mga magulang namin na bisitahin kami at sobrang dissappointed daw sila sa nangyaring iyon.

"Sorry for forcing you two to be married" nakayukong sabi ng mga magulang namin habang nandito sa sala.

"Alam naming nasaktan kayo sa nangyari kaya kung gusto nyo, itigil nalang natin ang kasal ninyo m. Just to absorb the problem we made with the two of you, Dream and Wonwoo." paliwanag ni papa.

Pati pala sa mga magulang namin, sinabi namin na namatay si Mansae kasi ayaw na naming lumala pa. Tanging si Jun lang ang nakaalam na kinuha ng kapatid ni Mr. Kim ang bata kasi kasama sya sa loob nung mga panahong iyon. Pati ako hindi ko rin sya napansin, pero nandoon sya.

"Pero if ever na gusto niyong ituloy ang kasal, we will defenately agree with your decisions."  nakangiting sabi ng mama ni Wonwoo.

Pagkasabi nila ng mga iyon ay hindi ko na pinigil ang sarili ko na lumuha. Si Mansae, namimiss ko. Hinagod naman ni Mama yung likod ko. "Aww, baby Dream hindi pa naman huli ang lahat. If minahal nyo naman ang isa't isa, why not gumawa kayo ng panibagong baby? Yung sariling inyo na" nakangiti nyang sabi. Lahat kami napatingin sa kanya.

Sobrang laki ng mata ni Wonwoo pero mas malaki ata ang pagluwa ng mata ko sa sinabi nya. "'Ma pakalmahin mo naman muna yung matres ni Dream" binatukan ni Jun si Mama.

Bigla namang nagkaroon ng matatamis na ngiti ang mga magulang namin. "What a good idea darling!" sabi pa ni Papa.

Napafacepalm nalang ako saka umakyat sa kwarto. Wala ako sa mood na makipaglokohan sa kanila. Seryoso ako, namimiss ko na si Mansae.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na silang umalis. Pumasok muna si Jun sa kwarto ko. "Promise hindi ko sasabihin. Sana magtiwala ka" sabi nya sa akin habang sincere na nakatingin sa akin.

Tumango nalang ako saka pinigil ang luha ko pero hindi ko napigilan. Lumapit nalang sya sa akin saka pinahid ang mga luha ko. "Alam ko, masakit. Pero kahit sa sitwasyon lang na ito, magtiwala ka kay Kuya Junjun" nakangiti nyang sabi. Ngumiti nalang ako saka nya pinat ang ulo ko.

Naalala ko, huli ko syang tinawag na kuya Junjun noong elementary kami. Yung hindi pa samiya marunong lumandi. Namiss ko tuloy bigla yung Kuya Junjun ko.

"Stop scrying. Mukha kang bisugo" huli nyang sambit saka lumayas na sa kwarto ko.

Madalas nya akong asarin pero may pakialam nga talaga sya. Bakit ko ba hiniling na maging kuya ko ang iba kung may the best kuya naman pala ako sa tabi ko?

Nang makaalis na talaga sila, kinuha ko sa drawer ko ang ultrasound pic ni Mansae. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan iyon. Mansae, bakit mo ba pinahihirapan ang mommy mong magmove on?

Habang nag-eemote ako ay naisipan kong bumaba para sana makita ang palabas sa TV para naman gumaan ang loob ko kahit papaano. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. May sulat sa sala. Nakakaintriga naman.

Lumapit ako para mabasa ko iyon.

"Aalis na ako. Iiwan muna kita rito"

Walang nakalagay na pangalan pero sino pa bang kasama ko sa bahay? Sino pa bang pinahamak ko? Si Wonwoo lang naman yun.

Umalis na nga sila Mama, si Jun din wala na sa bahay, si Mansae kinuha ng kapatid ni Mr. Kim at ngayon, aalis na rin si Wonwoo. Paano na ako?

Umiyak nalang ako nang umiyak ng mga sandaling iyon. Pumunta nalang ako sa kusina para uminom ng tubig.

Naluha ako habang umiinom ng tubig at walang pakialam kung luha ko na ba yung naiinom ko. Basta feeling ko mag-isa nalang ako sa buhay ko.

"Tao pooo~" nasamid ako bigla nang may sumigaw sa pintuan.

Pinahid ko yung luha ko. Baka kasi si Wonwoo. Malay mo nagbago ang isip nya at samahan nalang ako rito? Ayaw ko namang makita nyang umiiyak ako dahil iiwan nya ako.

Dinala ko ang panyo ko saka pinunasan yung luha kong nagkalat sa pisngi bago ko buksan yung pinto. "Nagbago na ba yung isip mo--" natigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto kong hindi si Wonwoo ang kumatok.

Napasimangot ako. Hindi ko kilala kung sino sya, pero mapait syang nakangiti sa akin. "Hello, bagong kapitbahay mo ako rito. I'm Taeyong. Here, I have some salad for you, new kapitbahay. Sorry kung medyo nagkalat ah, may sumanggi kasi sa akin kanina." nakangiti nyang sabi.

Napangiwi naman ako nang makita yung salad. Fruitsalad naman sya pero nasa isip ko pa rin si Wonwoo. "Thank you nalang. Sayo nalang 'yan." nahihiya kong sabi.

Sa totoo lang gusto ko na syang iwan sa pinto kasi mas gugustuhin ko pang magmukmok nang mag-isa kaysa makipag chikahan sa kaniya. Talagang wala ako sa mood ngayon.

Tumingin sya sa akin at parang sinuri pa ang mata ko. "Umiiyak ka ba, miss? Kaano-ano mo yung lalaki kanina?" feeling close naman 'to.

"Sorry pero napakaprivate ng tanong mo" pagtataray ko sa kanya.

"Kakabreak nyo lang ba?" nakangisi nyang sabi. Nanlaki naman yung mata ko.

Hindi nga naging kami, break na agad?

"Sige na tatanggapin ko na 'yang pagkain mo. Doon ka na sa bahay mo please" pagmamakaawa ko sa kanya pero masyado syang makulit.

"Concerned lang naman ako kasi malay mo kailangan mo lang ng kausap. Mukha ka pa namang mag-isa" sinilip nya yung loob ng bahay.

"Mind your own business"

"I think you're my business now, Miss" nakasmirk sya habang ako naman nandidiri sa ngiti nyang pangfuccboi.

"Gago" yun nalang yung nasabi ko kasi ang gwapo nya para maging fuccboi, mukha syang anghel pero ang landi naman pala.

"Sige na miss tutal bago mo naman akong kapitbahay" nagpout sya sa akin.

Anong connect? Nakakairita.

"Wala ako sa mood ah. Next time ka nalang manggulo" isasarado ko na sana yung pinto kaso may pahabol pa syang sasabihin.

"Sige next time nalang. Ano palang pangalan mo?" tanong nya.

Bumuntong hininga nalang ako saka sumagot.

"Dream. Dream Jeon"












edited. stan nct na.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon