11

1.4K 78 32
                                    

DREAM WEN

Nakaupo lang ako sa sofa ngayon na katapat ng sofa na hinihigaan ni Wonwoo. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatingin sya sa TV. Nanunuod sya ng Wowowin.

Alam kong nakakabigla pero favorite show nya raw iyan.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng curiousity. Parang na-obsess ako bigla sa buhok nya. "Wonwoo halika nga" nakuha ko naman yung atensyon nya.

Kumunot yung noo nya sa akin at binalik yung mata nya sa pagkatutok sa TV. Nagbuntong hininga nalang ako saka kusang lumapit sa kanya.

Umupo ako sa likod nya na kinagulat nya. Hindi ko alam, nababaliw na ako. Pinababa ko sya sa sofa saka ko pinulupot ang kamay ko sa leeg nya.

Sobrang saya ko nang maamoy ang buhok nya. Hinimas-himas ko ang ulo nya at mas lalo ko pang naamoy ang kaniyang buhok. "Ang bangooo~" sabi ko habang nakapikit sa sobrang saya ko.

Tinabig nya ako saka umalis saka humiga sa tapat na sofa. Ngumuso nalang ako. "Sige na, paamoy ng buhok mo" pagpapuppy eyes ko sa kanya.

"Galawin mo na ang lahat wag lang ang buhok ko" sabi nito saka ako tinarayan.

Dahil doon sa sinabi nya ay napasimangot ako. Halika rito galawin ko nalang 'yang junjun mo, joke. Pero may napansin naman ako bigla na nagpakita sa akin ng panibagong obsession. Ano bang trip ko?

Lumapit ako sa kanya ulit saka pumwesto sa tabi ng paa nya. Pinatong ko ito sa lap ko saka ito nilapit sa ilong ko. Putangina anong amoy 'yun? Bakit parang naadik ako bigla.

"Kainis!! Parang maiinlove na ako sa paa mo!" nakangiti kong sabi habang inaamoy yung paa nya. Nakatingin lang sya sa akin habang nagtataka sa ginagawa ko.

Kahit ako hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para amuyin ang paa nya. Iba yung scent. Nakakainlove.

"Naglilihi ka ba?" natatawa nyang sabi.

Nababaliw ka pala kapag naglilihi ka?

"Hindi ko alam" nagkibit balikat ako at saka inamoy muli ang paa nya. Medyo nakikiliti sya sa ginagawa ko pero wala syang angal.

Hindi nalang nya ako pinansin saka tinuon ulit ang mata nya sa TV. Narinig ko syang pabulong na kinakanta yung kanta ng contestant. Syempre kapag buntis ka raw, doble ang talab ng senses mo at narinig ko 'yon kaya bigla na naman akong nabaliw.

"Wonwoo! Kantahan mo ako bilis!" sabi ko sa kanya na sobrang naeexcite.

Nagulat naman sya sa akin. "Alam kong crush mo ako pero seryoso? Sa akin mo ba pinaglilihi si Mansae?" nakangisi sya habang sinasabi nya iyon saakin.

"Hindi ko nga alam!" inirapan ko lang sya.

"Akala ko kay Minghao mo ipaglilihi 'yan" natatawa nyang sabi.

Sa bawat pagsasalita nya at naririnig ko ang boses nyang mas malalim pa sa balon, napapangiti ako. Kailangan nyang kumanta para sa akin. "BILIS NA KUMANTA KA NA! KAKAGATIN KO 'TO!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya.

Aangal pa sana sya kaso nakapwesto na ang bunganga ko at ready nang kagatin ang paa nya. "Woah, chill. Oo na kakanta na" awat nya sa akin.

Takot syang makain yung paa nya. Nako mukha pa namang masarap yung paa nya. Ano ka Dream? Cannibal?

"Can we fall, one more time?
Stop the tape and rewind
Oh and if you walk away I know I'll fade
'Cause there is nobody else
It's gotta be you
Only you
It's gotta be you
Only you

Napapikit nalang ako habang pinapakinggan ang maganda at malalim nyang boses na kumakanta. Mas lalo akong naiinlove sa kanya habang inaamoy ko rin ang paa nya.

Oh girl, can we try one more, one more time?
One more, one more, can we try
One more, one more time
I'll make it better" napadilat naman ako kasi bigla nyang hinampas sa mukha ko ang paa nya. Napapoker face ako ro'n pero nakangisi lang sya sa akin

"Para kang tanga kung maglihi." natatawa nyang sabi habang umaayos ng upo sa tabi ko.

Ngumuso nalang ako saka tumingin sa kanya. "Kanta ka pa bilis!" utos ko pero binelatan nya lang ako.

"Sige na kasi! Para namang wala tayong pinagsamahan eh!" napatigil ako sa paghahampas nang marealize ko kung anong sinabi ko.

"Wala naman talaga" natatawa nyang sabi. Hinampas ko nalang sya ulit pero inaagapan nya naman ng malalaki nyang kamay.

"Sige na Wonu" pagmamakaawa ko.

"Kiss muna" sabi nya saka tumuro sa pisngi nya.

Teka parang ibang Wonwoo ata itong katabi ko? At dahil sa kadisperada kong kantahan nya ulit ako, hinalikan ko sya sa pisngi. Kaso nagulat ako nang bigla syang humarap kaya imbis na pisngi nya ang na-kiss ko, ang labi nya ang nahalikan ko.

Nginisian nya lang ako pero ako, parang nastatwa sa pwesto ko. Putangina mo Jeon Wonwoo. Bakit ang weird mo ngayon? Baka kapag nakakakita sya ng Wowowin girls ay nagagaslaw na rin sya?

E di lagi ko nalang syang papapanuorin ng Wowowin para lagi akong may halik, joke lang ang landi mo naman, Dream.

"Oh sige na. Kakantahan na kita. Ang creepy mo" komento nya 

Mas creepy ka! Kainis kinikilig ako sa boses mo! At ang tamis ng labi nya. Halatang kakasubo palang ng lolipop.

"I've just let these little things slip out of my mouth
Because it's you, oh it's you, it's you they add up to
And I'm in love with you all these little things
I won't let these little things slip out of my mouth
But if it's true, it's you, it's you they add up to
I'm in love with you, and all your little things"

Halos makurot ko sya sa sobrang kapit ko sa braso nya. Kinikilig ako sa kanta nya. Nakakakilig din yung boses nya! Naalala ko yung paghalik ko sa kanya kanina! At tangina nakukurot ko na pala talaga sya.

"Ouch!" reklamo nya.

"Sorry puta naiinlove na ata ako sayo Wonu!!" sabi ko saka siya niyakap sa sobrang saya ko.

Natulala ako saglit nang marealize ko kung anong sinabi ko. Pero mas nagulat ako nang marealize ko na pang sampung bayad ko na ng 100 ngayong araw na 'to kung narinig nya yung mura ko.

"Kahit nagconfess ka pa sa akin ngayong gabi, wala  ka pa ring takas. Akin na 100" nakangisi nyang sabi kaya napasimangot ulit ako.

1000 na yung nahulog ko sa alkansyang 'yon ah. Akala ko pa naman sya ang maraming malalagay. Halos mapuno ko na yun nang isa palang yung nahuhulog nya.

Halatang hindi ako magiging huwarang ina sa ginagawa ko ah.





edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon