DREAM WEN
Umuwi ako sa bahay para makausap si Junjun. Wala kasi siya sa dorm kaya malamang nandito sya sa pamamahay nila Mama nagtatago.
"Jun labas ka nga dyan, usap tayo" sabi ko. Narinig ko naman syang umungol sa loob ng kwarto nya na kinakatukan ko ngayon.
Anong ganap d'yan? Pinapalaki mo na naman junior mo? Bumukas naman ang pinto at tumambad sa'kin ang topless na Jun. Nanlaki yung mata ko at tumalikod nalang bigla. Takte kahit papaano naman, lalaki pa rin sya kahit kuya ko sya.
"Ang OA. Alam kong gwapo at hot ako pero sige wait ka lang dyan, magbibihis ako" sabi nya.
Naiirita talaga ako kapag sinasabi niyang gwapo siya. Well, totoo naman pero kasi nakakasawa rin. Oo na, gwapo ka na.
"Tara sa sala. Busy naman sila mama sa kwarto nila, gumagawa ng bagong member ng pamilya" nagulat ako.
"Hala totoo?" bulong ko sa kanya, baka marinig kami. Ito kami ngayon, parang mga chismosong pababa ng hagdan.
"Oo nga, ulol ng lahi mo ah" binatukan nya ako. Syempre gumanti ako.
"Kalahi kita kaya natural na ang pagiging ulol ko."
Tumigil na kami sa pagchichismisan at saka umupo sa sofa. Kaharap ko sya at halatang naiilang sya sa akin. Siguro may idea na siya kung bakit ako napabisita rito.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Wonwoo?"
"Siguro ayaw ni Wonung masaktan ka kaya hindi nya sinabi sayo, mabuti naman" saka sya tumingin sa kawalan.
"Kami nila Seungcheol hyung ang nagset up sa inyo nung birthday ni Jihoon." nanlaki yung mata ko nang sobra at di ko alam kung maiiyak ba ako o hindi dahil sa sinabi niya.
"Sorry. Gusto lang naming maging masaya kayo" 'di ko alam kung anong irereact ko sa mga nangyayari.
"Tangina" hindi ko masabi kung anong dapat kong sabihin.
Sariling kapatid ko pa. Ang sakit sa pusong malaman na kapatid ko pa ang nagset up sa akin. Kapatid ko pa ang nagplano para mabuntis ako ng isang taong wala namang pakialam sa akin.
"Bakit?" sabi ko habang pinipigilan yung luha ko, yumuko lang sya.
"Ikaw pa naman ang inaasahan kong kakampi ko. 'Di mo ba alam kung gaano kasakit nung iniwan ako ni Wonwoo noon? Mabuti nga nandoon si Taeyong, pero alam mo yung mas masakit? Iniwan ko si Taeyong dahil nagkaanak ako kay Wonwoo. Feeling ko ang dumi kong tao. Pero bakit? 'Di mo ba naisip na kapatid mo ako? Bakit Jun?" nagkacrack na yung boses ko pero pinilit kong ilabas ang mga hinanaing ko.
"Sorry talaga, ang sama kong kuya" sabi nya.
Halatang nagsisisi sya kaya naawa ako. Halatang sincere sya kasi walang halong biro ang mga sinabi nya. Pero hindi sya masama. Alam ko, kasi kuya ko siya.
"Akala ko naman mapagkakatiwalaan kita?" tumawa lang sya nang mahina. Halatang nadisappoint din siya sa sarili niya.
"Akala ko rin eh. Pero kailangan nyo rin kasi talaga ng tulong ng iba"
"Kaya naman namin" sagot ko
"Hindi imbis kaya nyo ay hindi nyo na kami kailangan. Makasarili ka rin ba katulad ni Wonwoo? Please, 'wag ka nang dumagdag." naiirita sya. Oo alam ko naiirita sya.
Hindi naman ako makasarili sadyang--- sadyang ayaw ko lang silang makialam. "Hindi. Okay na, sorry rin."
"Hindi, sorry" bawi nya sa sinabi ko
"Hindi ko sinasadyang balewalain kayo. Sorry talaga nadala lang ako sa emosyon nung alam mo na yung kay Mansae hehe"
"Okay lang namang maignore pero sana naman pansinin nyo rin kami. Alam naming may problema kayo at willing na willing naman kaming tulungan kayo 'di ba?" sabi nya .
Naiyak na ako nang tuluyan at lumapit na kay Jun para yakapin sya. Feeling ko kailangan ko ng yakap nya, at kailangan nya rin ng yakap ko. Feeling ko kulang ako sa aruga ng kuya pero pinatunayan nya ngayon na sya ang best kuyang nakilala ko ever since.
"Labyu Kuya Junjun. Sorry" sabi ko habang mahigpit syang niyayakap.
"Aylabmitu." sabi nya kaya kumalas ako at sinamaan sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako at niyakap ulit. "Joke lang huihui, labyu rin, bunso"
"Bati na tayo ha. Pakikausap nalang kay Wonwoo, sabihin mo bati na rin kami. Saka promise mo sa akin na kapag may nangyaring masama, tawagan mo ako. Kung inaway ka ni Wonwoo tawagan mo ako para resbakan kita. Wag kang magpapagasgas ng mukha kay Wonu kung hindi mamamatay yang asawa mo sa akin" paalala nya. Napangiti naman ako saka kumalas.
"Kung sinabi nyo kasi sana noong una palang 'di ba?"
"E di walang problema." pagdugtong nya sa sinabi ko.
Tinapik ko nalang yung balikat nya. Siguro naman sa halos isang taon naming pagsasama ni Wonwoo ay kaya ko na syang mauto? Sana nga.
"Sige mauna na ako. Papaamuhin ko pa ang emo kong asawa" kinikilig na sabi ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging official na mag-asawa na kami sa susunod na linggo pota.
"Hatid na kita." bakit kinikilig ako sa sarili kong kuya?
Pumayag nalang ako para makatipid na rin ako sa pamasahe. Saka para ligtas na rin ang biyahe ko pauwi.
Kung ganito siguro ituring ni Jun ang mga girlpren nya noon, magtatagal sila. Bakit kasi ang landi nito sa mga babae? Dapat tinutularan niya ako, loyal kuno.
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.