66

1.3K 65 35
                                    

DREAM WEN

"Wan, tu, twi, poe, pai, sic, eben, ei, nay, ten!" nagpalakpakan naman kaming buong pamilya sa pagrecite ni Seven ng numbers sa harapan namin. 

"Ang galing mo talaga apo, mana sa akin," sabi ni Mama. 

"Anong sayo? Sa akin kaya," ayan na magdedevorce na yan yiee, char.

Buong pamilya ba kamo?Walang gano'n dito sa bahay namin. Wala rito si Wonu at pati na rin ang beby kong si Lucky, wala na akong balita kay Lucky, sana binibisita sya ni Mingyu para naman makampante ako. 

Araw-gabi nag-aalala ako, tuwing natatapilok ako iniisip ko kung ano na bang nangyayari dyan sa inyo. 

Nagkakatuwaan lang kami hanggang nagdecide na sila mama na umuwi na, "Sa susunod yung irerecite nya pabackward na alphabet ha?"

"Hatdog," sagot ni Seven, nagsitawanan kami bago sila ihatid sa labas. 

Nang ihatid namin sila sa labas ay may nakita akong pamilyar na mukha, hindi lang pamilyar, napakahalaga nyang tao sa akin.

"Oh Iho, bakit ka napauwi bigla? Akala ko five years ka pa sa Canada?" nagulat sila papa. 

Paano sya nakapunta dito? "Bukas na pala tayo mausap-usap ha, kailangan na naming umattend sa misa" saka sila sumakay sa kotse para umuwi sa Shenzhen. 

Pinapasok ni Jun si Seven sa loob habang ako, nakatingin lang sa lalaking kaharap ko ngayon, "D-dream," tawag nya sa akin with his husky baritone tone.

Hindi ko na napigilang papatakin ang luha ko. Yayakapin nya na sana ako pero mabilis namang lumapit sa amin si Jun at sinunggaban sya ng malakas na suntok.

"Sabi ko 'di ba huwag mo nang sasaktan ang kapatid ko? Bakit? May ginawa ba syang masama sa'yo? Hindi ba maliwanag yung sinabi kong ayaw kong makitang umiiyak sya nang dahil sayo?" walang nasagot si Wonwoo, pinahid nya nalang yung dugong lumabas sa pumutok nyang labi. 

"Magpaliwanag ka," hindi ko na napigilan ng sarili ko, kailangan kong marinig na galing mismo sa bibig nya. 

"Anong magpaliwanag? Dream niloko ka na nya, pwede tigilan nyo na ang paglolokohan ninyo?" natatakot ako sa kinikilos ni Jun.

Baka sa sandaling ito mapatay nya si Wonwoo sa sobrang galit. "Please, kumalma ka Jun, pakibantayan muna si Seven sa loob," napahinga nalang sya nang malalim saka pumasok sa loob ng bahay nang padabog. 

"Kamusta si Seven?" tanong nya

"Please, explain to me," naiinis kong sabi, gusto ko na syang saktan at sabunutan sa sobrang gigil ko pero pinigilan ko ang sarili, ayaw kong mag-eskandalo, kahit nasasaktan na ako. 

Niyakap nya ako nang sobrang higpit. Nginudngod niya ang sarili sa balikat ko, naramdaman ko ang mainit na likidong lumalabas mula sa kanyang mga mata pati ang paghikbi nito dala nang sobrang pagkahigpit ng yakap nya. Even his heartbeat, I heard it beating.

"Dream, please forgive me. I'm trapped with those people. Sinet up nila ako sa isang tauhan sa kompanya para tuluyan na akong makaalis doon. Kinuha nila ang phone ko, pinatulog kasama ang babaeng may gusto sa akin, para masiraan ako sa pamilya ko," paliwanag nya, kinalas ko ang pagkayakap nya sa akin saka sya tinignan nang tuwiran.

Gusto ko syang paniwalaan, kaso may part sa akin na sinasabing 'wag, pakinggan ko raw ang payo ni Jun. Pero nanghina nalang ako nang biglang lumabas ng kotseng nasa harapan namin si Minghao at Mingyu, at si Lucky. 

Tumakbo ako palapit, lumuhod ako sa harap ni Lucky saka sya niyakap nang mahigpit. "Noona, nasasakal sya," suway sa akin nila Mingyu. 

Kumalas ako saka sya tinitigan, okay naman sya, walang sugat, gaya ng kundisyon na sinabi ko kay Wonu, malusog sya, saka malungkot? At hindi sya nakatingin sa akin. Nakafocus sya sa papa nya, tumakbo sya papalapit kay Wonwoo saka niyakap ang binti nito. 

Nadurog yung puso ko, hindi na ba nya ako nakikilala? Napaupo ako sa sahig. Nakita kong nanatiling nakatalikod sa akin si Wonwoo, halata ring naiyak sya dahil sa paghikbi nito. 

Tumingala sya saka tinabi si Lucky sa daan at saka lumapit sa akin "Believe me, for the twin's sake, please, I love you," sincere nyang sambit.

Napayuko nalang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko na alam, putangina. "Noona,"

"If ever na pinipigilan ka ng konsensya mo or nagdadalawang isip ka sa payo sayo ni Jun hyung, pwede naming sabihin sayo ang totoo. Alam naming naguguluhan ka na," sabi ni Mingyu. 

"Nagsasabi ng totoo si Wonwoo hyung, 'yong araw na umalis kayo ng Korea ay tinawagan nya ako, sinabi nya na natrap sya ng mga pinsan nya at kinabukasan no'n ay nagdecide na syang umuwi para magsorry sayo, personally," sabi ni Minghao

"Sumunod ako sa kanya, nararamdaman ko rin na hindi na safe doon," sabi naman ni Mingyu.

"Noona, forgive Wonu hyung, he did nothing wrong," tumayo ako, at humarap kay Wonwoo, ngumiti ako nang mapait

Sa mga oras na ito ay nasasaktan pa rin ako, hindi dahil sa niloko nya ulit ako kung hindi dahil sa mga pinsan nyang minaltrato sya. Akala ko nagtampo sya kaya hindi sya nagparamdam ng halos isang buwan iyon pala ay iba. Hinusgahan namin sya agad ni kuya Jun.

"Sorry," sabi nya. 

"Sorry rin, kung hindi dahil sa Gyuhao hindi ko na babalaking alamin ang fourth side of the triangle--" hindi ko na natapos ang pagsasalita nang bigla nya akong hawakan sa pisngi at hinalikan sa labi, Palalim nang palalaim hanggang sa maging ako ay napahalik na pabalik.

After a long kiss, we catched our breath.  Hindi pa ako nakakarecover ay bigla naman na akong niyakap nang mahigpit "Fuck, I really missed your lips," 

"Wonwoo" hirap kong sabi, nasosoffucate na ako, kumalas naman sya. 

"Tangina pa rin kahit ilang beses na natin silang nakikitang naglandian hindi ako nasasanay," 
"Pero iba 'yong halilk eew nakakadiri,"
"Mabangiszx,"

"I'm going to fuck you right now," seryoso nyang sabi na kinagulat naming lahat. 

"Hoy kayong dalawa," lumabas si Jun mula sa bahay kasama si Seven, nakita ko ang excitement sa mukha ni Wonwoo nang makita ang xerox copy nya. 

"Nag-aalala ako, ayaw ko nang nakikita si Dream na naiyak, you know? Oo, nagpapaiyak ako ng babae pero please, ako nalang paiyakin nyo, 'wag na ang kapatid ko. Wonu, ayaw ko nang maulit pa ito. Ayaw ko nang hihiwalay ka kay Dream," banta nito saka sumakay sa kotse nyang nakaparada rin sa harapan.

"Say sorry to Jun too," payo ko sa kanya. 

"Mama," biglang lumapit sa akin si Seven, binuhat ko sya. Napatigil nalang kami nang bigla nyang pinahid ang mga luha ko sa mata.

"Ulgo chichi ana," bulol nyang sabi. 

Napanganga kaming lahat, napangiti naman ako nang tumawa si Lucky. Buo nang muli Jeon family?



edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon