DREAM WEN
Sinundo ako nila Mingyu at Minghao sa bahay. Nagtampo sila sa akin nung unang kita nila sa mga dreamies pero ano bang magagawa ko? Sadyang lapitin ako sa kedz.
So ayon na nga papunta na kami sa kung saan gaganapin ang birthday ni Jihoon.
"Kaya siguro LQ kayo ni hyung kasi ang dami mong lalaki dyan sa bahay nyo" Mingyu tigilan mo 'yang conclusions mo.
"Bakit ba kasi kayo nag-aaway? Dapat nga magkasundo pa kayo para makabuo kayo ng isa pang Mansae. Spread legs, noona." Basta kalibugan present din, parang si Seokmin.
"Tara na nga sa loob!" pag-aaya ko sa kanila.
Syempre kumain na rin ako agad pagkapasok ko pero binati ko muna si Jihoon kasi may natitira pa namang hiya sa katawan ko. Kumain ako agad para pagkatapos ng picturan e di makakauwi na agad ako.
Ayaw kong masyadong magstay, nandito si Wonwoo. Papaiyakin na naman nya ako.
"Hoy Dream tubol. Pagkatapos mong kumain uuwi ka na? Ano ka? Hangga't hindi pa nauwi ang mga 'to, hindi ka uuwi." bossy na sabi ni Boss Jihoon.
Paano sila uuwi eh bahay nila 'to? Ay joke hindi pala nila bahay 'to. Nirentahan lang naman nila ang buong hotel kasi rich kid na sila ngayon
Umupo nalang ako sa upuan na medyo malayo sa mga nagsasayawang mga tao. Kung may gana lang ako, matetwerk pa ako dyan sa harap.
Habang pinagmamasdan ang mga sumayaw, nahagilap ng mata ko ang new couples na nagsusuotan ng singsing sa harap ko.
Naalala ko yung singsing na binigay ni Wonwoo sa akin noong ilang linggo palang si Mansae. Pinagmasdan ko ito at unti-onting napangiti.
Ano na kayang kalagayan ni Mansae? Sana okay sya. Ano ulit yung pinalit na pangalan sa kanya? Sana hanggang huli kahawig nya si Minghao at Mingyu para if ever na magkasalubong kami, mamumukhaan ko sya.
Medyo naboringan na ako. Nabusog agad ako dun sa kinain ko. Gusto ko nang umuwi.
"Jihoon! Uwi na ko!!" pagmamaktol ko sa pandak na nasa harap ko pero umiling lang sya.
"Tangina mo" bulong ko.
"Hintayin mo naman yung iba kingina mo wala ka na ngang natulong tapos nakikain ka pa tapos minumura mo pa ako?" natakot ako ro'n ah.
"Dream come with us muna" nakita ko si Jeonghan at Jisoo na papalapit sa akin.
Sumama nalang ako kasi bored na talaga ako. Wala pa namang laro sa phone ko kasi focus ako sa Monsta X hihi bebe Hyungwon.
Nandito kami sa isang room na malayo sa dance floor. Tahimik na rin, at mas boring.
"Anong kailangan nyo?" tanong ko. Halos mapatalon naman ako ng biglang lumitaw si Seungcheol.
"May tanong lang kami" sumeryoso sila bigla. Syempre may kutob na ako.
"Kung tungkol yan sa amin ni Wonwoo, 'wag na kayong magtanong." sabi ko saka aakmang aalis ng room na yon pero hinila ulit nila ako pabalik.
"We just want to know if you two still love each other" tanong ni Jisoo.
"We don't. And we never" akala mo ikaw lang nakakapag-english ah.
Ang sakit. For the sake of Mr. Kim's wife, I made myself fall to that jerk.
"I don't think so" nakangising sabi ni Jeonghan.
"Makakagawa ba kayo ng baby kung hindi?" seryosong tanong ni Seungcheol.
"'Di ba pwedeng nagkamali lang talaga kami? Hindi naman sadya si Mansae kaya wala kayong karapatan dahil nanunuod lang kayo" sabi ko saka ginaya yung sa pabebe gurls.
"Look, Dream. We noticed it. Kahit na magkahiwalay kayo ramdam namin na mahal nyo naman ang isa't isa. Sadyang matataas lang ang pride nyo at 'di mareach pero ramdam namin at naniniwala kaming magkakabalikan pa kayo" sabi ni Jeonghan
"Please wag na kayong mangialam kasi problema namin 'to" pinipigilan kong 'wag maluha kasi alam ko namang hindi na kami magkakaayos ni Wonwoo.
Kung walang Mansae, hindi ko sya makikilala so ngayong wala na si Mansae sa akin, hindi nya na rin ako kilala.
"Ang sa amin lang naman ay wag kayong mangulila masyado kay Mansae kasi iyon ang nagpapababa sa inyo" sabi ni Seungcheol.
"Wala kayong alam" madiin na sabi ko.
"We knew. We knew it all" e di wow Joshua.
edited.
![](https://img.wattpad.com/cover/128904981-288-k154812.jpg)
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.