DREAM WEN
Nakaupo lang ako ngayon sa sofa habang nagreresearch ng kung anu-anong mga movies para mapanuod namin ni Wonwoo.
'Di naman sya tumutulong kasi nakatulala lang siya sa tapat ko habang nakaupo. Ang lalim ng iniisip nya palagi. Nako baka nagdadrugs sya, itatago ko talaga sya sa pulis kung nagkataon.
"D-dream," sa wakas.
"Bakit?"
"May sasabihin sana ako. Pero sana di ka magalit," mabuti naman at naisipan na niyang mag-open up sa akin.
"Iintindihin ko naman kung ano man 'yang nasa isip mo. Kung nagdadrugs ka handa ako if ever na iparehab ka. Handa naman akong maghintay basta gumaling ka," bigla naman syang tumawa saka ako tinabihan sa sofa at inakap.
"Hindi ako nagdadrugs babe, I'm addicted on one thing and that's your attitude" hala pafall.
"Pero tutal nabanggit mo na handa kang maghintay, may pinirmahan kasi kaming contract ni Mingyu noong bata kami, nakalagay roon na kailangan naming magtrabaho sa office ng tito naming si Mr. Min sa Canada. At yung contract na 'yon ay effective na next year."
Share mo lang? Joke.
Yun yung iniisip nya last week pa? Next year pa naman yun dapat 'di nya iniintindi masyado.
"Five years yun babe. Mamimiss kita"
"Hindi ba uso internet sa Canada? Astronaut ba trabaho mo? 'Di pwede magvideocall?" natatawa kong sabi sa kanya.
"Iba kasi kapag nakikita kita sa tabi ko. Tapos malalaman ko nalang may iba ka nang asawa habang wala ako rito," nakapout nyang sabi.
"Lubusin nalang natin ang mga nalalabing araw mo na kasama ako," saka kami nagyakap.
"S-saka Babe, puwede kong dalhin si Lucky sa Canada? Ayaw kong itapon lahat ng responsibilidad sa'yo," nakangiti nyang sabi.
"O-of course, anak mo rin 'to. Bakit naman ako tututol?" pekeng tawa lang ang nabigay ko.
One year pa naman yun. Bakit parang napepressure ako sa pinag-uusapan namin? Natatakot ba ako? Natatakot na baka 'di na sya bumalik sa pagkakataong ito?
Hinalikan nya ako sa labi kasa ngumiti. "Thanks babe, promise aalagaan ko siya nang mabuti. At di ko kakalimutan na kamustahin ka rito,"
"Next year pa naman 'yon," pinalo ko 'yung braso nya.
Sulitin muna natin. Saka na tayo mangamba, kapag malapit na.
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.