DREAM WEN
Kinabukasan ay nagising ako nang maaga.
Mga 10 o'clock na nakauwi si Mingyu kagabi. Kung hindi pa kasi umuwi si Wonwoo, baka dito na rin sya nakatulog sa sobrang dami naming pinag-usapan.
Tinanong nya pa nga sa akin kung paano ba manligaw. Balak ka nga atang ligawan eh. Oo ikaw kinangina mo talaga.
Binuksan ko agad yung TV saka nagtimpla ng kape. Syempre yung kapeng low acid saka maraming gatas. Sabi ni Wonwoo mas healthy daw 'yon para sa baby namin.
Hinanap ko yung remote pero 'di ko makita. "Nasaan ba yung remote na 'yon" naiirita kong sabi habang hinahalughog ang sala.
"Nasa puso ko" biglang sabat ng tao sa hagdan habang pababa sya rito.
Ang korni mo.
Pasalamat talaga sya gwapo sya, bawing-bawi naman sa mukha yung kakornihan niya.
Lumapit sya sa akin saka may kinuhang kung ano sa may cabinet. Remote pala, nakatago. Bakit naman kasi tinago, aasahan niya bang manunuod ako ng karera ng kabayo sa mga oras na 'to?
Inabot nya sa akin. "Mata ang pinanghahanap ha, hindi bibig. Mata." paalala nya.
"Nagkataon lang naman na ikaw ang nakakuha" bulong ko at 'di naman nya narinig kaya okay lang.
Pumunta sya sa kusina para siguro maghanda ng makakain. Ito naman ako seating pretty habang nanunuod ng balita.
"Kumain ka muna" alok nya. Kumain naman ako pero 'di ko sya pinansin.
Cold na kung cold pero ito lang naman ang paraan eh. Paraan para 'di ako masyadong mafall.
Ako yung taong madaling mawala yung feelings pero madali rin mabalik. 'Di ko alam, siguro immune na akong maiwan at mabalikan ulit.
"Hayst" tapos na akong kumain bago sya huminga nang malalim.
Halatang pinaparinig nya yun sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din naman sya sa akin, with matching disappointment look.
Nilagay nya sa kusina ang mga pinagkainan namin saka sya bumalik sa sala. Umupo sya sa tabi ko.
Hindi ko sya tinitignan kasi focused ako sa TV pero ramdam kong nakatingin sya sa akin.
Bakit ba 'di pa 'to umaalis ng bahay? Anong oras na ah.
"Sorry na kasi." napukaw nya yung attention ko.
"Alam kong galit ka pa kasi iniwan kita. Sorry. I won't let you go this time. I promise I will be the best dad for our baby. 'Di na ako magiging jerk at iiwan ka ulit. I'll be your perfect husband." kikiligin na ba ako?
Kinakabahan ako sa pinagsasabi nya. Kasi baka maniwala ako, at aasa naman ako.
"I may be a jerk pero I believe, minahal kita no'ng mga panahong 'yon. I'll let that feeling comeback again. Mamahalin kita ulit"
"I'll be more gentle and sensitive from now on. Just promise me na dito ka lang din sa akin. Sana maging maingat ka rin. Ayaw ko nang mawalan ng anak. Gusto kita, yung dating ikaw." sabi nya saka tumingin nang seryoso sa akin.
Alam nyo yung feeling na nakakarinig ka ng malalim na boses tapos sinasabi nya pa sayo na gusto ka nya? Nakakakiliti sa tyan, feeling ko nagwawala lahat ng mga lamanloob ko. Nakakainis, kinikilig na naman ako.
Just like what I've said, hindi ako nagbago. Sadyang nagpapabebe lang ako para lambingin nya ako.
Pero anong sabi nya? Gusto nya ako? Dati? The feeling is mutual.
Dati.
Nagbago ang pananaw ko sa buhay simula nung iwan nya ako. Iniwan nya akong luhaan with his senseless letter.
Wish ko lang, sana nga maibalik natin yung dati, Wonwoo. Dating tayo na wala naman talaga.
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.