05

1.6K 86 57
                                    


DREAM WEN

Sa sobrang bilis ng panahon ay nakagraduate na ako. Oh 'di ba nice? Nakakaproud lang kasi hindi pa rin malaki ang tyan ko. Nagulat din ako nang makita ko si Wonwoo sa graduation ko. Anong trip nya at nandoon sya?

Mas nauna akong grumaduate sa kanya kasi may additional one year ang kurso nya. Pero okay na rin at least walang nakahalata sa mga classmates or even kay Daniel na buntis ako.

Wala si Wonwoo kasi may pasok pa sya sa CU. Nakatambay lang ako dito sa bahay habang nagbabasa ng mga libro ni Wonwoo. Ang bookworm pala siya. At ang kokorni ng mga libro kasi karamihan ay english.

Habang nag-eemote ako at iniintindi yung mga libro ay may naalala ako. Oo nga bakit hindi ko i-try para malaman ko ang totoo?

Nilabas ko yung pregnancy test at pumunta sa banyo. Malay mo baka may chance na hindi totoo ang lahat ng 'to 'di ba?

Pero nalungkot lang ako sa resulta. Positive, buntis talaga ako. Pero bakit ang liit pa rin ng tyan ko? Gusto ko na 'tong ilabas. Naiirita na ako.

Hiniwalayan na ako ni Daniel pero 'di nya manlang nalaman na buntis ako. Papaano kapag dumating ang araw na magduda sya at sabihin nyang sa kanya yung anak kong 'to? Syempre sasama ako sa kanya. Payag akong sya ang maging ama nito.

Oo na malandi ako. Ikaw nga ilan fandoms mo? Nako hindi ako naniniwalang loyal ka sa bias mo, che!

Habang nakatingin doon sa PT ay biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako kasi may mga inutil na pumasok.

"HI NOONA!" bati sa akin ni Chan.

"Bakit kayo nandito?" napansin kong tatlo lang sila.

Si Seungkwan, Dino at Vernon lang ang nandito.

"Noona dapat nilalock mo yung pinto. Baka manakawan ka rito oh" payo sa akin ni Seungkwan.

"Bakit ba kayo nandito?" umupo sila sa sofa na katapat ko.

"Napagkasunduan kasi namin nila hyung, pati na rin ni Wonwoo hyung na bantayan ka" sabi ni Dino.

"Kaya ko sarili ko" natatawa kong sabi pero umiling lang sila.

"Salit-salitan kami bawat birthyear. Dapat nga kami lang dalawa ni Bonon dito eh. Kaso sinama na ni Hyung si Dino kasi kawawa" paliwanang ni Seungkwan.

Lagi nalang nilang kinakawawa si Dino " Halika nga rito Chan, inaaway ka ng mga hyung mo?" umupo sya sa tabi ko saka ko sya inakbayan. Nagpout sya saka tumango.

"Yuck. Staph that, noona" nadidiring sabi ni Vernon.

Binelatan lang sila ni Dino. "Sa wakas may kakampi na rin ako"

Natawa naman ako sa kanila. Ang kyu-kyut naman ng mga 'to, nag-abala pa talagang bantayan ako. Baka nga ako pa ang magbantay sa kanila ngayon.

"Anong gusto nyong kainin?" tanong ko. Nanlaki ang mata ni Seungkwan at ang sarap no'n dukutin.

So ayun nagsuggest sila ng kakainin at basta nakakain 'yon. Marunong naman akong magluto kaya ayos.

Pagkaluto ng pagkain ay sabay-sabay na kaming kumain sa kusina. Ang takaw nila, lalo na si Seungkwan. Kaya ang laki ng puwetan nito eh.

"Noona, one month nalang malalaman na ang gender ng baby nyo ni Hyung" panimula ni Dino.

Nandidiri talaga ako kapag sinasabi nilang baby namin itong batang nasa sinapupunan ko. Naiimagine ko palang na nag-ieutan kami, nandidiri na ako.

"Anong gusto mong gender nya, noona?" tanong ni Vernon.

"Ako gusto ko babae yan para BFF kami." sabi ni Seungkwan.

"Sad to say, hindi ikaw ang tinatanong ko." pagbabara ni Vernon. Oh burn!

"Ah gusto ko lalaki eh. 'Di ko alam basta kapag lalaki ka, kaunti lang ang paghihirap." natatawa kong sabi.

"Hindi rin noona, mas maganda na yung babae para malalaman nya ang feeling ng nililigawan" suggestion ni Dino.

"Okay lang kapag lalaki, at least pwede nyang takasa kapag nakabuntis siya ng babae." gago talaga 'tong si Vernon.

"Mga baliw kayo, pabuntis kayo para malaman nyo yung feeling" sabi ko.

"Noona masarap ba si hyung?" pataas-baba pa ang kilay ni Dino.

"Uh next question please" nahihiya kong sabi.

"Ayiiee si noona ayaw ishare yung feeling habang naggaganon sila ni hyung" malanding sabi ng malanding si Boo.

"Tangina nyo. Hugasan nyo yang pinagkainan nyo ha" poker face kong sabi.

Tignan nyo 'tong mga 'to, hindi talaga sila inaalagaan nang maayos ng mga hyung nila. Kung ano-anong pinagsasabi.





edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon