54

1.1K 67 5
                                    

DREAM WEN

Kakatapos lang ng binyagan at nandito na kami ngayon sa bahay para icelebrate ito. As usual, kasama ang mga asungot na mga tito nila, pati na rin yung mga ninong at ninang.

Hinaharot ng BooSeokSoon ang kambal naming bago pa lang sa Christian World kaya ilalayo ko sana sa kanila lalo na kay Seokmin.

"Grabe ka noona. 'Di naman kami gano'n kasama" 

"Noona if ever na gusto mo ng triplets---" binatukan ko agad si Seokmin bago pa nya ituloy yung sasabihin nya.

"Dream," tawag sa akin ng isang pamilyar na boses mula sa likod, si Taeyong pala.

"Thank you, ginawa mo akong ninong ng kambal mo. Ex kita tapos ang lakas ng loob mong ininong ako pero thank you pa rin. Kung hindi dahil sa kasal mo, hindi ko makikilala si Grace. Thank you, hulog ka ng langit," natutuwa nya akong niyakap. Niyakap ko rin sya pabalik.

"Thank you naman at nakamove on ka na" pang-aasar ko.

"Matagal ko nang kinalimutan 'yon," natutuwa nyang pagmamamayabang sa akin.

Nang kumalas kami sa yakap ay nadatnan ko yung mga late titos. Yung mga 95 liners, may dala silang regalo for Lucky and Seven.

"Asan ang mga pamangkin ko?" Proud na sabi ni Jeonghan sabay pasok sa loob para hanapin ang kambal.

Ngumiti naman sa akin si Joshua bago pumasok sa loob. Si Seungcheol naman, huminto sa harap ko habang nakangiti na labas pati gilagid.

"Stay strong! Gusto ko buo pa rin kayo pamilya hanggang sa tumanda na ang kambal ha," payo nya sa akin saka pumasok na sa loob.

Simple lang yung kainan na naganap at nagsiuwian na rin yung iba na wala na namang ginagawa.

"Noona paano kapag umalis na kami ni hyung?" Biglang tanong sa akin ni Mingyu nang bigla syang sumulpot habang nandito ako sa kwarto, binabantayang matulong yung kambal.

"E di aalagaan ko pa rin yung mga bata," simpleng sagot ko.

"Paano yung pagkikita nyo araw-araw? Hindi ka ba malulungkot?"

"Mingyu, uso internet access," natatawa kong sabi.

"Ay oo nga. Basta noona, bantay sarado ko si hyung," pagpapanatag nya ng loob ko.

"Sige lang," simpleng sagot ko.

Para sa akin, wala akong dapat ipag-alala. Kasi the more na nagaalala ako, the more na nagkakaproblema.

"Noona, i-follow mo ako sa instagram ha." Nagulat naman ako nang bigla ring sumulpot si Minghao galing kung saang lupalop ng kwarto.

"Alam nyo ang wiwirdo nyo. Pero sige gawan mo ako ng insta account" tatanggi pa ba ako eh uso pa naman 'yon ngayon.




edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon