DREAM WEN
Isang linggo nalang bago ang kasal, halos ready na ang lahat. Nakapagprenup photoshoot na kami at feeling ko talaga ang model ng dating ko ro'n. Nameet na namin ang mga ninong at ninang namin sa kasal.
'Di ko aakalain na halos kasing laki ng Philippine Arena ang Simbahan na kakasalan ko. Memorable na 'to para sa akin.
Pero pansin ko ang plastik ng ngiti ni Wonwoo. Pansin kong hindi sya masaya nitong mga nakaraang araw. Gusto kong malaman kung anong problema nila ni Jun.
Nandito ako ngayon nakikipagbonding sa mga Bride's Maid. Di ko rin alam kung bakit eh. Nakain lang yung mga gaga kong friends at nandito si Grace sa tabi ko. Tahimik lang.
"Uy Grace magkwento ka naman" sabi ko. Nagulat sya pero ngumiti rin.
"Nahihiya, wala akong kaclose maliban kay Wonwoo" pabebe nyang sabi.
"Girl, uwi na kami ang boring ng kainan na 'to" paalam ng mga patay gutom kong friends. Mga yagit kayo.
"Ayan wala na ang mga hinayupak. Kwento ka na." nakita ko namang namula sya.
"Sige para 'di ka maawkwardan ako muna. Alam mo bang 'di ko talaga type yang si Wonwoo? Accidental baby lang talaga 'to. Nagkaroon pa ako ng kasalanan kasi nagbuntis agad ako, hindi pa naman kami kasal. Pero alam mo yung nakakatawa? Habang engaged kami ni Wonwoo ay may boypren ako. Ang landi ko 'no? Akala ko nga rin kayo na ni Wonwoo pero 'di ko pinahalata." natawa naman sya nang mahina.
"Best friend ko si Wonwoo since childhood. Alam ko ang lahat sa kanya pati narin ang pangloloko ni Happee. Nakakawalang gana na kasi syang payuhan. Minsan hindi nya shineshare sa akin yung mga problema nya kasi madadamay pa raw ako. Ang selfish nya pero okay lang."
"Okay lang sa akin na hindi nya ishare kasi alam ko naman na mahalaga yun para sa kanya at nirerspeto ko sya. Saka kahit kailan di ako nagsisi na hindi ko sya naging crush kasi kawawa ako. Fixed Married na pala sya sayo. Alagaan mo best friend ko ah" nahihiya raw sya magkwento, halos maluha na nga sya sa pagnanarrate nya ng buhay nila dati.
"Oo aalagaan ko 'yon kahit labag sa kalooban ko. So 'di mo sya crush? Sino crush mo?" nabawasan ng tinik sa puso ko nang malaman kong wala syang nararamdaman kay Wonwoo.
"Matagal na akong may gusto sa isang lalaki. Isang lalaki na di ko aakalaing makakapartner ko sa kasal ng BFF ko hihi" kinikilig nyang sabi.
Partner nya? E di isa sa groom's men? Teka sino bang partner nya? Teka---
"Crush mo si Taeyong?" tumango-tango sya na parang kinikilig pa.
Aba crush ko rin yun eh sapakan tayo sa likod!?
"Naisipan ko dating magbusiness management nalang dati kasi doon yung course ni Taeyong kaso walang kasama si Wonwoo kaya nagparaya muna ang puso ko para mabantayan sya sa mga desisyon nya sa buhay" mabait naman pala syang bestfriend.
Sana ganyan din bestfriend ko. Yung may pakialam talaga sa akin, hindi yung kapag may pagkain ka lang lagi silang present.
"Ang swerte ni Wonwoo sa'yo" sabi ko sa kanya kasi hanga ako sa pagtitimpi nyang hindi mainlove sa bestfriend nya.
"Hindi, ang swerte ni Wonwoo sayo, Dream. Bihira ko lang syang makitang ngumingiti at kapag nakukwento nya ikaw, napapangiti nalang sya bigla. Kaya wish ko habang buhay ka nyang kasama" kinikilig ako, sandali lang.
"At dahil dyan sa sinabi mo ilalakad kita kay Taeyong. Bigay ko sayo number nya" sabi ko. Agad naman nyang inabot sa akin yung phone nya.
Mabait naman si Grace sa akin at siguro mas mabait sya kay Taeyong. Sigurado akong magkakasundo sila kasi parehas naman silang mabait.
Patalon - talon si Grace nang isave nya yung phone number ni Taeyong. Sa sobrang saya nya ay niyakap nya ako nang mahigpit. "S-sorry, ang saya ko lang. Thank you, Dream! 'Di ko ineexpect na mapupunta sa tamang babae ang bestfriend ko" sabi nya with matching iyak kuno.
Anong akala nya sa akin maling babae? Joke.
Lumipas na ang ilang sandali at naging close na rin kami ni Grace. Madaldal sya pero mas madaldal ata ako. Nagpalitan na rin kami ng number sa isa't isa para kung mayroon nang hindi pagkakaintindihan sa amin ni Wonwoo ay macontact ko agad sya at vice versa naman kay Taeyong at sa kanya.
One mystery solved, one left.
Nalaman ko na walang namamagitan kay Grace at Wonwoo. Sadyang close lang talaga sila. Kay Jun at Wonwoo nalang ang kailangan kong linawin.

BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Фанфик"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.