46

1.5K 68 63
                                    

DREAM WEN

Masayang - masaya ako ngayon kasi kasama ko ang tropa ko nung college, si Rena.

"Bukas na kasal mo, anong balak?" nagkibit balikat lang ako.

'Di ko naman talaga kasi alam. Simula nang linawin sa akin yung nararamdaman nya sa akin ay naguluhan na ako. Bigla syang nagbago. Mas naging sweet sya sa'kin.

Nasanay ako sa dati niyang ugali pero bet ko rin naman 'yong ngayon kasi palagi ko na siyang nakikitang nakangiti.

"Hindi puwedeng wala. Tara maggala tayo ngayon," sabi nya at saka ako hinila papalabas ng bahay kaso biglang may humarang sa pintuan.

"Ay ano ba fafa Wonu, agawin kita kay besfren eh," malandi nyang sabi.

Ngumiti lang si Wonwoo sa kanya pero ito sya kinukurut-kurot na ako sa likod.

"Hindi puwedeng maggala si Dream ngayon. Balik ka nalang mamayang gabi. Magpapabachelor's party kami," sabi nya saka kinaladkad si Rena palabas ng bahay.

Sinarado nya yung pinto saka humarap sa akin, sinamaan ko lang sya ng tingin. "Magbihis ka. Lalabas tayo ngayon," sabi nya sa akin habang nakangiti.

Kinikilig ako sa ngiti nya wait.

BAKIT BA KASI MAY BIBIG 'TO!?

NAKAKAKILIG ANG BAWAT GALAW NG LABI NYA SHET CALM DOWN!!

Nabalik ako sa huwisyo nang pitikin nya yung ilong ko. "Nagdedaydream ka na naman. Magdedate lang tayo, as engaged couple kasi bukas married na tayo," saka nya ako kinindatan.

ANG SARAP N'YANG TANGGALAN NG MUKHA PUTANGINA WAIT KINIKILIG AKO SHET!

Hala oo nga ikakasal na kami bukas, okay lang gusto ko naman sya. Teka, mahal ko ba talaga? Syempre naman. Kapag gusto mo ang isang tao at lumagpas na ng apat na buwan, mahal mo na sya talaga. Nabasa ko yun sa fbdotcom.

Iba si Wonwoo sa mga lalaking nakilala ko. Mukha man syang pakboi, aalagaan ka nya na parang ikaw nalang ang natitirang babae sa mundo.

Nakapagbihis na ako at sumama na rin kay Wonwoo na lumabas.

Nagtaka ako, nagtitipid ata 'to ng gasolina ngayon? "Hindi naman sa nagtitipid ako, gusto lang kitang makasama nang matagal,"

Tumango nalang ako saka nagsimulang maglakad palabas ng subdivision. Patingin - tingin lang ako sa mga bahay nang maramdaman ko nalang na may pumupulupot sa kaliwa kong kamay.

Binabalewala nya lang ang tingin ko sa kanya at nakatuon lang sya sa mga bahay. Binatukan ko sya kaya napatingin sya.

"What?" kinamot nya ang ulo nya saka painosenteng tumingin sa akin.

"Yung kamay mo," natatawa kong sabi pero ngumiti lang sya.

'Wag kang ngumiti! Nafofal ako lalo!

"Mag-asawa na naman tayo? Baka sa susunod hindi na kamay mo ang hawak ko," napatigil ako bigla sa sinabi niya pero naglakad din pabalik.

'Wag naman, minsan ko na nga lang maramdaman yung kamay nya sa kamay ko. Actually first time nya akong hawakan nang ganito katagal.

His soft hands feels like home, I want to hold it forever.

"Alam mo kung bakit hindi na kamay mo ang hawak ko? Kasi kamay na 'yon ng kambal natin," nahampas ko sya nang wala sa oras dahil sa banat nya.

"Wonwoo ano ba 'yan, pafall. Saan ba tayo pupunta?" naiirita kong sabi.

"Okay lang mafall ka, sasaluhin kita. Labyu huihui," sus, kilig.

"Sa park lang naman tayo. Hayaan nalang natin sila Seungcheol na magprepare ng party tutal sila naman nakaisip," tumango nalang ako.

Sabagay, last day na pala namin 'to bilang engaged couple at magpapakatali na kami sa pagiging mag-asawa bukas. Sana 'di mahirap, sana walang magbago, sana hindi masayang ang mga paghihirap namin.

"Anong gagawin?" tanong ko sa kanya.

"Gusto nga lang kitang makasama. 'Yong solo lang," nagkibit balikat sya.

Agad akong namula. Umiwas nalang ako ng tingin. Ang lakas magpakilig, one dot itutulak ko 'to sa kanal.

Tumawa lang sya sa akin, sakto naman na nandito na kami sa park. 'Di ko aakalain na walking distance lang pala 'to.

Umupo kami sa bench na katapat ng isang public playground. Nakakita kami ng mga batang naglalaro kasi playground 'yon siguro naman walang palaruan na bawal maglaro 'yong mga bata ano.

Kasama nila ang mga magulang nila na nakangiting pinagmamasdan ang mga anak nila.

Naiimagine ko na kami naman ni Wonwoo ang mga magulang. Iniimagine ko ang kambal namin na naglalaro sa playground, inaalalayan ni Wonwoo ang isa sa slide tapos ako naman tinutulungan ang isa sa swing.

Sigurado akong hindi ko na sila hahayaan pang manakaw ng iba. Feeling ko kahit mahigit two months palang sila ay ramdam ko na ang mainit na pagtanggap ni Wonwoo sa kanila.

"Anong ipapangalan pala natin sa Babies natin?" kinilabutan ako sa boses nya. Ang husky ng boses tapos ineemphasize nya pa yung word na 'natin.'

"Yung mga naudlot na pangalan kaya ni Mansae, tutal anak naman na natin ito" suggestion ko.

Nag-agree naman sya, "Yung babae dapat isunod sa akin 'yong pangalan. Baby girl Lucky." nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Isususunod ko kay Minghao yung bata. Sorry Wonu, Seven ang pangalan ng Baby boy ko," pagmamatigas ko.

Nagpout naman sya sa akin "Sino ba talagang mahal mo? Si Minghao o ako?" nagpuppy eyes pa sya, nagmukha tuloy syang bakla sa isip ko.

"Syempre Ikaw, papakasalan ba kita kung 'di kita gusto?"

"Bakit Seven?"

"Kasi seven is completeness and perfection, saka gusto ko talaga ang GMA ever since. Fave number ko ang seven, it means magiging favorite ko rin yung anak ko." pagmamalaki ko.

"Ah," medyo sumeryoso sya kaya nagtaka ako. Nakita ko naman syang nakatingin lang sa kawalan, emo mode.

"Ayaw mo? Lucky tapos Seven? E di Lucky Seven! Magkawala-wala pa sila ay puwede nilang mahanap ang isa't isa kasi may lukso sila ng dugo," walang konek yung sinabi ko pero at least napangiti ko sya.

"Sure ka ha, ako lang. Ayaw ko ng may kaagaw lalo na't 'wag ang dongsaeng kong si Minghao" seryoso nyang sabi.

"Oo naman, ikaw lang ang papakasalan ko. At bukas na iyon kaya tara na bumili na tayo ng pangdecor ng kotse natin," suggestion ko saka siya hinila patayo.

'Di kalaunan ay bumalik na rin sya sa huwisyo nya. Ang seloso nya naman para pinaghinalaan pa si Minghao.

Magiging loyal na ako sayo Wonwoo. Promise.



edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon