21

1.3K 68 12
                                    

WEN JUNHUI

Nandito lang kaming hyung line without Jihoon and Soonyoung sa rooftop. Tinitignan namin sila Wonwoo at Dream na nag-uusap or nag-aaway ata sa playground. Sinet up sila nila Jeonghan para magkabati.

Ako rin naman gusto ko silang magkabati pero malabo. Okay na ako kay Taeyong.

Nanlaki ang mata ko nang makitang sasapakin sana ni Wonwoo si Dream kasi sinampal sya nito. Bababa na sana ako kaso pinigilan ako ni Seungcheol.

Kapatid ko si Dream at hindi ko hahayaang masugatan ang mukha no'n ng isang lalaking kaibigan ko pa naman.

Narinig naming sumigaw si Dream. Kahit ang lakas ng music sa loob ay nagecho parin ang boses nya. "SIGE SUNTUKIN MO AKO NANG MALAMAN NILA YANG KASHITAN MO!" triggered na sabi nya.

Napayuko si Wonwoo. Hindi ko alam kung magagalit ako o maaawa ako sa kaniya. Marami syang nagawang kasalanan sa kapatid ko pero marami rin naman syang nagawang mabuti.

Nakita naming umalis na si Wonwoo at naiwang umiiyak si Dream sa playground.

"Ano ba talagang ganap sa kanila?"

"Feeling ko hindi lang ito basta LQ"

"May kutob ako na may connect 'to kay Mansae"

"Pero parang hindi. Promise feeling ko nagkakalamigan na sila"

Sasabihin ko ba? Nagtiwala sa akin si Dream at Wonwoo na walang makakaalam ng sikreto nila maliban sa akin. Pero baka naman 'di ba? Baka naman kailanganin din nila ang tulong ng mga kaibigan.

"Malaki ang problema nila" panimula ko. Nakuha ko naman ang atensyon nila.

"Ano ba talagang nangyayari?"

"Nangako ako na 'di ko 'to sasabihin pero sana wag n'yo nang ipaalam na sinabi ko sa inyo 'to. Please may tiwala ako sa inyo"

"Oo na. Ano ba kase?"

"Hindi nalaglag si Mansae. Kinuha sya ng tunay nyang magulang" nanlaki ang mga mata nila.

"Paano?"

"Unexpected na naging surrogate si Dream. At si Wonwoo ang naglagay ng sperm sample. Naset up sila ng doctor. At dakila namang mongoloid ang mga magulang namin at ni Wonwoo, hindi sila pumayag na walang tatay ang bata na nasa loob ni Dream kaya pumayag sila na si Wonwoo ang maging tatay. Pumayag din ang magulang ni Wonwoo sa desisyon na 'yon."

"Ha?"

"Hindi sila nag-iyutan. Hindi totoo na matagal na sila. Halos isang linggo palang silang nagkakakilala nang i-set ang kasal."

Sumeryoso ang tingin nila sa akin. Si Seungcheol hyung parang ginigilitan na ako sa isip nya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Halos tatlong buwan na kaming nalilito sa relasyon nila."

"Ayaw kasi nilang mainvolve tayo sa problema." huminga nang malalim si Joshua hyung

"Bakit ba ganyan sila? Ang dami nilang sikreto" panggagalaiti ni Jeonghan na may pagulo-gulo pa ng buhok.

"Tama si Joshua hyung. Ayaw nilang malaman niyo ang mga problema nila kasi ayaw nilang mag-alala kayo. Matagal nang ganyan si Dream. At alam naman nating ayaw magshare ni Wonwoo ng problema nya ever since" sabi ko.

"Emo nga naman" nagkibit balikat si Seungcheol.

"Guys help them. I'm begging you" sabi ko

"Gusto ko silang tulungan. Pero paano?"

"The only thing that we can do is to bring back what's on them in the past" sabi ni Jisoo.

"Wag ka nga magenglish naiinlove ako" kinikilig na sabi ni Jeonghan. Sinamaan lang namin siya ng tingin.

"Joke lang. Ano na bang gagawin?" pag-iiba nya ng topic.










edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon