19

1.3K 63 19
                                    

DREAM WEN

Kasama ko ngayon si Taeyong at ang mga tropa kong mga bata.

"Ano na, noona? Tumatanda ka na. Sagutin mo na si Hyung" naiinis na sabi ni Jeno habang inaalog ang balikat ko.

Wala naman akong balak sagutin si Taeyong kasi malay mo kapag naging kami na ay wala na syang surprise-surprise 'di ba? Saka 'di ko kinakaya ang mga ngiti nya sa akin. Feeling ko mahihimatay ako kapag everyday kong makikita 'yon.

Hindi naman sa wala akong balak pero para kasing may something na pumipigil sa akin na gawin 'yon. Parang 'di ako deserving para sa kanya kasi may naghihintay sa akin.

"Mga hakdog kayong mga bata kayo magsilayas nga kayo!" pabirong sabi ni Taeyong saka sinipa si Haechan na nasa sofa. Nahulog tuloy sya.

"Aray, hyung. Hindi imbis lumalove life ka ganyan ka na sa'min" nagtatampong sabi nya.

"Noona, 'Wag mong sagutin si hyung. May iba pang taong mas dedeserve sayo" payo ni Renjun.

"Noona tara gala tayo ngayon!" masiglang sabi ni Chenle sa akin.

"Tumahimik ka. Akin lang muna ang noona nyo ngayon." sabi nito saka ako hinila palabas ng bahay.

"Weh paepal ka, hyung!"
"Mas crush ako ni noona kaya hindi ka nya sinasagot!"
"Bayot ka hyung!"
"Noona wag mong sagutin si hyung!!"

Ang kukulit nila. Pero mas maayos pa sila kesa kela Seokmin.

"Saan ba tayo?"

"Yiee tayo na?" kinikilig na sabi nya. Binatukan ko naman sya.

"Minsan ang gago mo."

"At least mahal kita 'di ba?" pakindat-kindat pang sabi nya.

"Gagu" tumawa lang sya sa akin saka pasimple akong inakbayan. Syempre tinabig ko kasi Maria Clara kuno ako.

"Tara sa fishballan!" akala ko naman payaman 'tong si Taeyong.

"Ano ako, cheap?"

"Hindi mo ba naiisip? Sa cheap na fishball mabubusog ka? Alam mo, ilang beses na kitang dinala sa mamahaling restaurant 'di ka naman natuwa at 'di mo naman ako sinagot. Wala iyon sa pinagkakainan. Nasa puso yun, Dream. Kung mahal kita, mahal kita. Saka mahal ko rin yung magfifishball. Hindi sa mahal na papakasalan ha, mahal ko sya kasi kapwa natin sya. Kung kaya nating tumulong, tutulong tayo. Sa halagang limang piso busog ka na. Sa halagang limang piso may pangbaon na ang anak nung nagtinda. Hindi mo ba naiisip na nakakatulong tayo sa kapwa natin kahit sa cheap lang na bagay?"

Isa sa nagustuhan ko kay Taeyong ay palagi syang good influence. Nakakainlove 'yon. Pero kailangan ko pa ng konting oras para talaga makapag-isip kung tama ba talagang sagutin ko sya.

"Opo. Fishball nalang" iyon nalang ang nasabi ko.

Nakakahiya. Sinabihan kong cheap yung fishball. 'Di ko alam na nakakaoffend pala 'yon. Para namang napapakain ko na ang sarili ko mag-isa.

"Tara na" ngumiti na naman sya sa akin.

Lumipas na ang ilang sandali pero nandito pa rin kami sa fishballan. Pinapaquiao ang tinda ni Kuya. Tuwang- tuwa sya kasi nandito kami para suportahan ang cart nyang katapat ng isang mamahaling restaurant. Though mukha kaming mayaman, mas pinili naming kumain dito.

"Oh diba? Sulit ang 100 mo kaysa dyan na inumin lang ang mabibili mo sa isang daan" sabi pa ni Kuyang nagfifishball.

"Oo na. By the way favorite ko na 'tong fishball, thanks Taeyong."

"Always welcome" kumindat pa sya sa akin.

"Oy noona! Long time no see!!" nagulat ako nang makita si Mingyu at Minghao na kakaalis lang ata sa school.

Sinundan ito ni Seokmin, Seungkwan, Hansol at Dino. Trouble na dis!

Nagtaka si Taeyong at tumingin sa akin pero sinenyasan ko lang sya na kunwari 'di kami magkakilala.

"Naghirap na ba kayo ni hyung at nagpifishball ka nalang dyan?" pabirong sabi ni Seokmin.

Napatingin naman ako bigla kay Taeyong. Nagulat sya sa sinabi ni Seokmin at parang nagsasabi na kailangan kong mag-explain mamaya.

"Bakit di na kayo nabisita?" nakakagagong tanong ni Mingyu sa akin.

"Tayo kaya yung bumibisita dati." pinaalala ni Minghao kay Mingyu. Tumango nalang sya.

"Ay ganon? Bakit ba tayo umiwas dati?" Tanong naman ni Dino. Nagkaamnesia ba ang mga 'to? O sadyang matagal na talaga kaming hindi nagkikita?

"Kasi nga 'di ba si Mansae?" nanggingigil na sabi ni Minghao sa kanila nang pabulong.

"Noona okay na kayo?" halatang nag-aalala si Dino sa akin.

"'Di gano'n kadali 'yon" sagot naman ni Seungkwan.

"Oo nga pero hindi ikaw yung tinatanong so shut up." pambabara naman ni Hansol.

"Okay na ako--- kami." nag-aalinlangang sabi ko. Sana hindi sila mawierdohan. 'Di ko alam kung nasaang lupalop si Wonwoo.

"Oo nga pala noona, ang wierd ni Jun hyung nitong mga nakaraang araw. Pakulamin mo nga. Bruha ka naman 'di ba?" aba Seokmin suntukan nalang oh.

"Gago ka."

"Gwapo lang. Hindi Gago" ang sarap ipakain sa shark ni Seokmin.

Kaya ayaw kong naiinvolve yung iba sa problema ko eh. Feeling ko kasi mas lalong lumalaki ang poproblemahin ko kapag nainvolve sila. Hayst sana umayos na sya.

"May problema lang si Jun siguro"

"Noona punta ka sa dorm, gagraduate na si Joshua hyung. Sa friday gaganapin yung party." pagyayaya sa akin ni Mingyu

"Sige. "

"Noona ah. Aasahan namin kayo doon ni hyung" Sabi ni Dino nang may papout-pout pang nalalaman.

Pero teka, si Wonwoo? Isasama ko?

"Wait! K-kayo na magsabi kay Wonwoo. Hindi ko alam kung kaya ko syang harapin" bago pa sila tumalikod ay pinakiusap ko na. Hindi ko alam kung nasaan si Wonwoo. Saka sigurado akong tatanggi yon kapag nalaman niya na nandoon ako.

"Sige. Akin na 'yan noona magdiet ka na bye!" buraot talaga si Seungkwan kahit kailan.

Pagkaalis nila ay humarap naman ako kay Taeyong na nginangatngat ang barbique stick na pinangtuhog ng fishball habang seryosong nakatingin sa akin.

Bakit ako kinakabahan? "U-uy bakit ganyan mukha m--" naputol yung sasabihin ko kasi bigla ayang nagsalita.

"'Di pa nila alam na nakipagbreak ka na? Bakit 'di mo naman sinabi?" deretsong tanong nya.

Napalunok tuloy ako ng sarili kong laway. "Sorry na. Ayaw ko silang mainvolve sa amin. Lalong lalaki ang problema"

"Sige pero tandaan mo Dream. No man is an island kaya 'wag kang matakot na tulungan ka nila or tulungan kita sa problema mo." ngumiti ulit sya na para bang walang naganap na invitation.

Makokonsensya ka talaga kapag kasama mo si Taeyong. At lalong makokonsensya ka kapag niloko mo ang malaanghel nyang kabaitan. Akala ko magagalit sya kasi hindi ko sya inentertain sa mga kaibigan ko pero hindi. Nilibre nya nalang ako ng marami pang fishball. Ang bait. Sana forever na syang ganyan. Sana walang magbago.








edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon