40

1.3K 67 32
                                    

DREAM WEN

Kinabukasan ay bumalik din kami sa botique para i-check yung mga wedding gown na ipinacustomize sa akin.

Nag-approve na ako dun sa isang wedding gown at saka naman pumunta sa kung nasaan si Ms. Kim ngayon. Kailangan nya raw kaming makausap ni Wonwoo.

Nang makarating ako ay nakangiti sya sa akin. "Ayan Mrs. Jeon, kulang pa kasi tayo ng mga bride's maid. Pakiadd nalang dito kung sinong pwede saka ilagay nyo na rin yung partners nila" sabi nya saka iniwan kami ni Wonwoo sa table.

Syempre pinili ko na si Grace. Pinili naman ni Wonwoo si Seungcheol at Jisoo na sa Groom's Men at kulang pa 'yon "'Yon lang?"

"Feeling ko sila lang yung matino" nagkibit balikat sya. Natawa naman ako nang kaunti.

"Grabe ka naman sa tropa mo"

"Walang matino sa kanila" madiin nyang sabi. Okay?

Tinawagan ko yung bahay nila Winwin. Malay nyo may interesado. "Hi noona" si Doyoung sumagot.

"Ang kapal ng mukha mong makinoona, magkasing edad lang tayo"

"At least virgin pa ako kesa sayo" binabadtrip ako ng baklang 'to ah.

"Ano ba kasi 'yan?" ayan narinig ko na yung boses ni Taeyong.

"Hello?" ayan sya na yung nagsasalita. Hehe ano kayang magiging reaksyon ng makakapartner nya kung isasali ko sya dito?

"Hi Taeyong! Tatanungin ko lang sana kung may interesadong maging Groom's men dyan sa inyo? Sige na please?" pagmamakaawa ko

Ilang sandali rin yung pananahimik ng kabilang linya. "H-ha? Groom's Men? Ako nalang saka si Johnny. Kahit masakit isipin na kasali ako sa Wedding preparation ng ex ko. Challenge na rin" natatawa niyang sabi saka binabaan ako ng telepono

Binabaan ako bigla? Siguro dapat lang din na babaan nya ako.

Bigla naman syang nagtext.

From: Taeyongie

Sorry, inend kasi bigla ni Haechan. Pero willing ako. Sasabihin ko nalang din kay Johnny at sigurado namang willing din 'yon. Take care❤

Napangiti tuloy ako nang wala sa oras dahil sa heart emoji niya.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" nandidiring sabi ni Wonwoo sa akin.

"Masama? Crush ko kaya si Taeyong tapos nagtext pa sya sa akin" sabi ko habang kinikilig na hinahampas si Wonwoo

"Break na kayo so shut up" sabi nya. Okay.

Inadd ko silang dalawa ni Johnny sa listahan. Sinama ko na rin si Jun at Hoshi kahit labag sa puso't isipan ko. Wala kasi akong maisip na iba. Isa nalang ang kulang.

"Ikaw nalang" suggestion ko.

"Ako yung ikakasal tapos isasama mo ako? Sakalin kita dyan eh" ay 'di alam yung word na joke?

"Yung pinsan ko nalang, si Jungkook." nanlaki yung mata ko dun .

"Pinsan mo si Jungkook!?" tanong ko sa kanya saka naman sya tumango nang may pag-aalinlangan.

"Bakit 'di mo sinabi!?" sabi ko habang hinahampas - hampas sya.

"Tumigil ka nga. Ang dami mong crush. Tandaan mo isa ako sa crush mo na nakakambal sayo kaya tigilan mo ang pagpapantasya sa pinsan ko. Incest yan"

Paano nya nalamang crush ko sya?

Napatitig ako sa kanya. Wala namang bago. Seryoso pa rin ang mukha nya. Siguro 'di pa rin sila nagkakasundo ni Jun? He looked back at me with his sharp, sexy eyes.

'Di ko maalis ang tingin ko. Feeling ko hinihypnotize ako ng mga mata nyang kaindak-indak. Nanlaki at napaiwas agad ako ng tingin nang bigla nya akong halikan sa labi.

Tumingin ulit ako sa kanya. May galit pa rin sa mata nya pero feeling ko ang pula pula na ng mukha. Bakit niya ginawa 'yon?!

Tinapik nya ang pisngi ko saka napaharap ako bigla. "Dun ka na sa loob. Uuwi na tayo" malamig nyang sabi kaya napatayo ako bigla at awtomatikong umalis sa pwesto namin.

Bakit mo ba pinaparamdam sakin 'tong feeling na 'to? Hindi ko maexplain, natatae ata ako.



edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon