10

1.4K 78 7
                                    

DREAM WEN

Pagkagising ko ay nabulaga ako kasi nakita ko si Wonwoo na ang sama ng tingin sa akin. "Bakit dito ka natulog? Ang sama pa ng posture mo. Tsk" nanggagalaiti nyang sabi.

Nakita ko naman yung hinihigaan ko. Nasa sala pala ako. Nakaplay pa rin ang movie na pinapalabas ko. Napatingin naman ako kay Wonwoo nang biglang namatay yung tv. Nagkibit balikat lang sya na para bang nang-aasar sa akin.

"Magbihis ka na. May gender revealing na magaganap mamaya sa hospital" paalala nya sa akin habang papunta sya sa kusina.

Ay oo nga pala. Naexcite tuloy ako bigla. Ano kayang gender mo Baby Mansae? Hihi kahit anong gender pa 'yan mamahalin pa rin kita na parang sa akin ka talaga.

Sana gano'n din si Daddy mo 'no?

Nakabihis na ako at saka handa nang pumunta sa hospital. Kinuha ko ang phone ko saka nilagay sa bag ni Wonwoo para bawas bitbitin.

"Let's go" aya nya sa akin saka pinasakay sa  hiniram nyang kotse ng mama niya.

Habang nagdadrive sya ay pinagpamasdan ko lang sya sa passenger's seat. Aaminin ko na, medyo nagkakacrush na ako kay Wonwoo dahil sa pag-aalaga nya sa akin. Pero may part pa rin na naiinis ako sa kanya. I kinda like and hate him.

Ang gwapo nya tignan ngayon. Para akong nakakita ng hot na vampire mula sa fiction world in person. Bonus pa yung suot nyang long sleeves na polo na nakaunbotton ang dalawang butones na nagpapamukha sa kanyang gangster.

Hindi yung gangster na makikita mong nagrarampa sa SM na isang batalyon, hayop ka kung 'yon 'yong iniisip mong jejemon ka.

"Staring is useless. Confess instead" straight to the point talaga? Siguro kaya ito hinawalayan ni Happee kasi ayaw niya ng paliguy-ligoy pa.

"Wala. Ang gwapo mo kasi ngayon" pag-amin ko.

"Lagi naman akong gwapo kaya wag kang magtaka" nakangisi nyang sabi. Sa totoo lang wala akong masabi kasi totoo naman pero ang sarap nya pa rin ipakain sa shark.

"Anong hula mo?" panibagong topic nya. Naguluhan ako no'ng una pero bigla ko ring nagets.

"Gusto ko lalaki" simpleng sagot ko.

"It's a girl. I swear Mansae is a girl" siguradong sabi nya.

"Eh basta lalaki si Mansae!" angal ko.

"We need an agreement Miss, once na malaman natin ang gender ay bawal na tayong magmura. Cursing is equal to 100 pesos. Para sa future ni Mansae." tumango naman ako. Masaya 'to, mahilig pa naman syang magmura.

Nakarating na kami sa hospital at dumeretso agad kami sa ultrasound. Natapos agad kami kasi syempre mayaman ata ang angkan namin at nakakuha agad kami ng VIP Doctor. Finally makikita ko na rin ang first picture ni Baby.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor na may dalang sobre. "Congratulations, Mr. and Mrs. Jeon. It's a baby girl!" napapoker face ako ng saglit pero naalala ko tatanggapin ko pala kahit anong gender ni Mansae kaya natuwa ako.

Napayakap ako kay Wonwoo sa sobrang excited and he found it awkward kaya napabitaw ako. Nakita ko namang kinikilig si Doc sa amin.

Nakangisi lang si Wonwoo pero ako nakasimangot. Paano kasi, pangarap kong magkaroon ng matinong lalaki sa buhay ko at si Mansae na sana ang gagawin kong matinong lalaki kaso nakakagigil kasi babae siya. Pero kailangan ko pa rin syang tanggapin 'di ba? Kahit 'di ko 'to ginusto kailangan ko pa rin.

"Tama ako! You have to treat me something, Mrs. Jeon" pangaasar nya sa akin.

Pero namumula ako lalo kapag sinasabi nyang 'Mrs. Jeon'. Nako baka mafall ako nang wala sa oras nito.

"Sige na nga. Tara McDo tayo" nagpout sya saglit kasi ang cheap ko raw.

"For the sake of Mr. Kim's wife, kumain tayo sa McDo" pang-aasar ko habang ginagaya ang motto nyang for the sake emerut.

"Oo na. Ang cheap mo gago" sabi nya. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya habang nakangisi.

"Oy wanhandred mo yieee ang hilig mo kasing magmura, dapat nagmamahal ka rin" pang-aasar ko at nagflying kiss pa sa kaniya.

Nagbigay naman sya ng 100 sa akin. Ang saya naman, sya yung unang nagdeal-deal nito tapos sya pa yung unang magbabayad ng 100.







edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon