04

1.8K 80 128
                                    

DREAM WEN

Wala kaming pasok ngayon kaya naisipan kong mag-grocery. Nakakainis lang kasi 3 weeks palang akong buntis pero sya na palagi ang kumikilos. Paano na kapag 7 months na 'to? Baka magsawa na syang tulungan ako.

Kahit papaano naman may hiya ako. Papaalis na sana ako nang biglang humarang si Wonwoo sa pinto habang nakacrossed arms na nakatingin nang seryoso sa akin.

"Maggo-grocery lang ako" paalam ko.

"Tara" hinila nya ako palabas.

Nakapangnurse na uniform sya. Mukha syang caregiver ko. Para tuloy akong may sakit.

"May pasok ka pa ata oh" depensa ko.

"Ihahatid lang kita sa super market. Assuming mo naman kung sasamahan pa kita sa loob" tinarayan nya ako.

"Hindi naman sa nag-aasume ako. Malay mo trip mo lang talagang samahan ako or magca-cutting ka sa hospital?"

"E di wow"

Sumakay kami sa padyak ng Padyak Corp. At nakarating naman kami sa grocery nang ligtas.

"Hintayin mo ako. Sabay na tayong umuwi, tapos na rin naman ang shift ko" sabi nya.

NagO-OJT sya sa hospital na nagpahamak sa akin. At umuwi lang sya kanina kasi may naiwan syang kung anong gamit.

Tumango nalang ako saka pumasok sa loob ng grocery store. Ang una kong hinanap ay ang ice cream stall, saka bumili na rin ako ng mga sangkap sa mga lutuin namin. No need na sa gulay kasi nagtayo si Wonwoo ng mini farm sa likod ng bahay. Nakakasuka kasi puro pa ampalaya ang nakatanim doon.

Nang matapos akong mamili ay umupo muna ako sa bench na katapat ng grocery store. Ang dami kong binili kaya hindi ko namalayan na mukha pala akong magbabalik bayan.

Hindi pa lumalaki ang tyan ko nang husto. Siguro hindi talaga ako buntis. Naisipan kong bumili ng pregnancy kit para malaman ko kung ano ang totoo. Nakakasawa na kasi yung gulay na ang laki ng hiwa na akala mo sa kambing ipapakain.

May napapansin akong mga nakatingin sa akin. Pero mas napansin ko yung isa. Nakatitig sya sa akin. Siguro nagagandahan lang sya sa akin pero ang creepy. Nainsecure tuloy ako bigla sa mukha ko. May dumi ba? Bakit gan'yan sya makatingin?

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Wonwoo na papalapit sa akin. Tumakbo sya at nang makarating na sa akin ay mukha syang hinabol ng kabayong may anim na paa sa sobrang pagod.

Napasandal ang kamay nya sa tuhod nya kaya halatang napagod sya sa pagtakbo. Namamawis din sya kaya nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha nya. Napatigil sya roon saka tumingin sa akin pero bumalik din sya sa paghingal.

Nakita ko namang pinagtitinginan kami ng mga tao. Gusto niyo rin magpapunas?

"Andami naman n'yan" komento nya sa tatlong punong paper bag na nasa tabi ko.

"Okay lang 'yan" sabi ko naman.

Nagpahinga naman sya nang saglit at umupo sa bench. Patakbo-takbo pa kasi, hindi naman ako aalis dito.

"Putangina mo hindi ako tumakbo para sayo. May nagrariot doon oh. Baka madamay ako. Ang gwapo ko kasi" sabi nya habang hinahabol pa rin ang hininga nya.

Mas gwapo si Daniel kesa sayo so shut up ka nalang. Saka anong connect ng pagiging gwapo sa riot? Nahawaan na 'to ni Jun sa kasabawan.

Nang makabalik na sya sa huwisyo ay naisipan na rin naming umuwi. Sa akin yung isang paper bag tapos sa kaniya yung dalawa. Sumakay ulit kami sa padyak saka bumaba sa bahay.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon