DREAM WEN
Nagtaka si Wonwoo kasi pinulong ko sya dito sa sala. Gusto ko syang makausap nang masinsinan tungkol kay Jun kasi gusto ko na silang magbati.
'Di ko naman alam kung away ba 'yon o tampuhan lang pero gusto kong maayos na yun. Ilang araw nalang bago ang kasal eh.
"Magkaaway kayo ni Jun?" tanong ko sa kanya pero di naman nya ako pinagtuunan ng pansin.
"Kinakausap kita" sabi ko sa kanya kaya napatingin naman sya sa akin.
"Sabi ko sayo 'di ba 'wag mo nang alamin kasi magagalit ka lang sa kuya---" pinutol ko yung sinabi nya bago pa ito matuloy.
"Alam ko na" hindi naman ako nagalit sa kanya, mas lalo ko ngang naramdaman na mahal nya pala ako bilang kapatid.
Natahimik sya bigla saka tumingin nang seryoso sa akin.
"Nagtatampo lang ako, akala ko mapagkakatiwalaan 'yong kuya mo. Saka bakit ako magagalit eh hindi naman ako yung manganganak? Nasarapan naman ata ako kaya anong dapat kong ikagalit?" 'Di ka ba kikilabutan kasi ang lalim ng boses nya? Hays pafall talaga.
"S-sige itext ko sya sabihin ko suyuin ka nya. T-tangina ang pabebe mo" naiilang kong sabi.
Halos umiwas na ako ng tingin pero nagtatama pa rin ang mga mata namin. Nakikita ko syang nakangisi. Nakakaloka ano ba 'tong asawa ko, nakakainlab talaga.
"Oo alam kong crush mo ako." sabi nya saka ako iniwan doon sa sala.
May nagtext bigla sa akin. Si Minghao pala.
From: HAOHAO❤
Noona bibisita kami dyan pakihanda ng DVD player manunuod kami ng yadong.To: HAOHAO❤
Hindi pwede. Hindi imbis kyut ka pagbibigyan kita palagiFrom: HAOHAO❤️
Nagjojoke lang naman ako, bibisitahin talaga namin kayo ni Hyung dyan. Buong tropa kasama ko ha.Nagtatanggal ako ng lisa nang biglang may nagdoorbell. Siguro sila na yun.
Binuksan ko ang pinto at dirediretso naman silang pumasok sa loob sila Mingyu, Minghao,Hoshi, Woozi at DK. Pinagmasdan ko muna sila nang umupo sila sa sofa namin. Si Seokmin nakataas pa ang paa. Parang gusto ko na silang palabasin agad.
Pero nakatuwa naman ako kasi nang pagkaharap ko sa pinto ulit ay nakaharap ko ang mga Kuya ko. May dalang pagkain si Seungcheol habang si Jeonghan naman may dalang drinks, si Jisoo may dalang rosary.
Magbabible study ata kami. Oo kailangan na kailangan 'yon ni Hoshi at DK, saka ni Jeonghan.
"Hi Dream. Where's Wonwoo?" tanong ni Jisoo. Ngumiti muna ako sa kanila saka sila pinapasok with polite manners.
"Nasa taas" sabi ko nalang saka pinagmasdan ulit ang mga bruho.
"Aba pinatay agad yung asawa nya" ha?
"Ano?" tanong ko kay Jeonghan. Tumawa lang sya sa akin. Ako naman, litong-lito na rito.
May mali ba sa sinabi ko? "'Yan ka na naman" saway ni Seungcheol kay Jeonghan.
Haluh ang landi nitong mga to. Nakalimutan ata nila si Joshua. Hays hayaan mo Jisoo ipagdasal mo nalang sila. Wala si Dino at Jun?
"Bumili lang ng pizza sa kanto sila Jun at Dino. 'Wag ka nang mag-alala." bulong sa akin ni Seungcheol.
"Hoy bakit kayo nandito?" nagulat ako bigla kasi umakbay sa akin si Wonwoo mula sa likod ko.
Alam mo naman na nakakagulat talaga si Wonwoo para sa akin. Nasashock nalang ako bigla kapag nandyan sya.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.