42

1.3K 69 45
                                    

WEN JUNHUI

Gusto nyong malaman kung anong kinagalitan naming ni Wonwoo?

Kiss muna

Joke, loyal ako kay Hao.

Ganito kasi yun......

[FLASHBACC KASI GWAPO SI JUN]

Papalabas ako ng kotse ko papunta sa bahay nila Dream nang biglang tumawag si Seungcheol hyung. Hindi talaga nya matanggap ang katotohanan.

"Ano na naman ba, hyung? Tanggapin mo na kasi na mas gwapo ako sayo."

"Tanga, nasaan ka ba!?" sabi nya sa kabilang linya.

Nasigaw sya kaya niloud speaker ko nalang yung phone. Masira pa ata ang maganda kong tenga dahil sa kaniya.

"Babalik din ako d'yan mamaya pagkatapos ko rito. Nandito ako kela Wonwoo ipeprepare na yung wedding nila ni Dream" balita ko sa kanila.

Alam nyo excited naman ako dun sa wedding eh pero kinakabahan ako kay Wonwoo. Feeling ko hindi nya na mahal si Dream, feeling ko lang naman. Ang gwapo ko.

"Oh? Aba maganda 'yan. Tutal limot na naman yung ginawa natin siguro mas mabuti nang 'wag nalang ipaaalam sa kanila. Bye na." binaba nya yung phone.

Nag-ayos ako ng sarili bago aakmang magdoorbell sa bahay pero may biglang humatak sa gwapo kong braso.

May braso bang gwapo? Oo, yung braso ko.

Nakita ko naman si Wonwoo na ang sama ng tingin sa akin. Narinig nya ba yung convo namin ni hyung? Pinakamalaking katangahan ko at niloud speaker ko ang phone ko. Ano nalang ang sasabihin ko kapag tinanong nya -----

"'Wag nalang ipaalam ang ano?" seryoso nyang tanong.

Huminga ako nang malalim. Sana 'di sya magalit.

"Siguro mas mabuti nang alam mo. Sinet up kayo ni Dream para magkaayos ulit kayo. Sinabi ko kina hyung ang tungkol kay Mansae at plinano namin na pagbalikin kayo pero gamit pa rin ang baby. Sorry Wonwoo, para sa inyo rin naman 'yon" napabitaw sya sa pagkahawak sa akin.

"Taksil ka." naiinis nyang sabi saakin. Tumango nalang ako. I know right.

"I did that for your sake" sabi ko pero nainis lang sya sa akin.

"Fuck that sake, Jun. Akala ko naman pagkakatiwalaan kita, pero plinano nyo? How dare you para pakialaman ang buhay namin?" napayuko nalang ako. Feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat ng paghihirap nya.

Pwede ko naman kasing awatin sila hyung pero ginawa ko ba? Hindi, kasi plastic ako. Pero gwapo naman ako.

"What the heck would you please mind your own business?"

"Ano ba, Wonwoo. Kaya lang naman namin yun nagawa kasi kailangan nyong magkabalikan. To cope up yourselves. Ayaw naming magluksa kayo mag-isa. Gusto naming magkasama kayo." paliwanag ko sa kanya pero nirolyohan nya lang ako ng mata.

"That's not caring. That's minding other's business" ouch.

Parang pinamukha niya na saming bida-bida kami sa buhay nila.

"Parehas lang 'yon"

"Wala kayong magawa sa buhay? Bakit 'di nyo itry lagyan ng gano'ng gamot ang sarili nyo at magtirahan? Akala nyo kasi madaling magmove on, akala nyo madaling magalaga ng buntis at madaling manganak, madaling magalala, madali ang lahat. Hindi madali, Jun. Hindi madali ang mga pinagdaanan namin." naaawa ako sa inyo pero naiinis naman ako ngayon.

"We're here. I'm here. Pwede naman namin kayong tulungan diba? Pero nanghingi ka ba ng tulong? Hindi. Kasi makasarili ka. Akala mo kung sino ka. Hindi lang naman kayo ang nagdusa. Sana naman hayaan nyo kaming makisali sa buhay nyo" katuwiran ko.

"Woah Jun you're unbelievable shit" hindi ako shit, naiinis na ako dito ha.

Wala lang pala kami sa kanya. Hindi ko manlang nalaman na props lang pala kami sa buhay nya.

"Ikaw tatanungin ko, Wonwoo. 'Di ka ba masaya na may kaibigan kang katulad namin na naghihintay lang ng response mo para tumulong kami?"

"I don't even responded pero kumilos kayo. Kaibigan ba 'yon?" nag-iinit na ang ulo ko, parehas sa taas at baba.

"Alam naman naming mahal nyo ang isa't isa kaya namin nagawa 'yon. Pero sorry. On behalf of our hyungs. Sana matanggap mo. Ayaw kong masira ang friendship natin nang dahil lang dito" Ayaw ko nang lumala pa 'to.

"Ngayon palang sinisira ko na" sabi nya saka pumasok sa loob ng bahay nila.

Nag-aalinlangan tuloy akong pumasok sa loob ng bahay. Feeling ko ang sama kong tao. Bakit ba kasi ang makasarili ni Wonwoo?

Paano na si Dream na isa ring makasarili? Paano ako makikipagdeal sa mga makasarili? Ang hirap maging gwapo.

Natapos na silang mag-usap at dinala ko sila sa Botique. 'Di ako pinansin ni Wonwoo, ganoon din naman ang ginawa ko kasi nasaktan ako sa sinabi nya. Hindi naman ako manhid kahit gwapo ako.

Nakahanap ako ng tyempong makausap sya dahil nakatulog si Dream sa byahe. "Wonu Sorry" sabi ko habang focused pa rin sa pagmamaneho.

"Sorry your face" naiinis na talaga ako.

"Wonu bata ka ba? Tandaan mo ikakasal ka na kaya 'wag ka ngang childish! Kung ayaw mong makipag-ayos sa akin, fine! Basta alagaan mo nalang ang kapatid ko. Basta wag mo nang sasaktan ulit ang kapatid ko" bilin ko sa kanya pero inirapan nya lang ako.

"Hinila mo lang naman ako" pagiinarte nya, sinamaan ko siya ng tingin sa salamin.

"Ano ba 13 years old ka ba para magpabebe? Sana naman maintindihan mo yung pinagsasabi ko. Anak nyo ni Dream ang dala nya." sabi ko habang tinitignan sya sa likod. Nakasilip lang sya sa bintana.

How to deal with Wonwoo? Kung 'di lang sya crush ni Dream sinakal ko na sya sa sobrang kachildish at selfishan nya.

"Naiintindihan ko ang lahat ng sinabi mo. Pero sana sinabi nyo na nung unang araw palang. Alam nyo nang naging miserable ang buhay namin nang dahil kay Mansae tapos gusto nyo pang maulit? Ang problema kasi sa inyo akala nyo laro lang ang lahat." sabi nya sabay hilamos ng mukha nya gamit ang kamay nito.

"Oo na kami na ang mali, sorry." pagpaparaya ko, na naman.

[END OF FLASHBACK KASI ANG GWAPO TALAGA NI JUN]

At dahil pogi ako, pinayuhan nalang ako ni Jisoo hyung na ipaubaya nalang sa kanila ang lahat. Mahirap talagang pakisamahan si Wonwoo dati pa pero mali rin naman kasi na makialam kami.

Ako ang may malaking kasalanan. Ang sama kong kuya, hinayaan kong magpabuntis ang kapatid ko sa isang makasariling gago.




edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon