DREAM WEN
"Hug nyo 'yong each other bilis," natutuwa na naiiyak kong sabi.
Nakangiti nilang niyakap ang isa't isa at ito naman ako at si Wonwoo, pinipicturan sila gamit ang kanya-kanya naming phone. Nakakalungkot, close silang dalawa, at napakabata pa nila para maghiwalay.
"Don't cry. Mahahalata ka nila," pinunasan ni Wonwoo ang luha ko sa mata.
"Bakit kasi five years?" nakapout kong sabi. Tumawa naman yung kambal.
"Lucky, magpakabait ka ha. Turuan mo mag-english si Mingyu. Sabihin mo kung ano ang pagkakaiba ng 'eat', 'ate', saka 'eating'," payo ko.
"Grabe ka sakin noona," nagpout din sya, pero 'di tumawa 'yong kambal sa kaniya. Favoritism? Kapag kami ang ngumunguso, nakakatawa sa kanila pero kapag kay Mingyu, hindi?
"Seven, be good to your mom. Turuan mo rin maging good guy si Tito Jun," pinat ni Wonwoo yung ulo ni Seven.
"Hoy good ako, good looking," binato ko sya ng bagahe ni Mingyu.
Kami lang ang nandito kasi ayaw raw ng iba na makitang malagas nang paunti-onti 'yong tropa nila. Sa bagay, simula ba naman pagkabata nila, magkakasama na silang lahat. Siguro naman ay masakit talagang mawala ang kahit dalawa lang sa kanila.
Nakangiti lang ang dalawang bata. Akala siguro nila ay gagala lang kami sa mall, hays napakabata pa nila para sa ganitong sitwasyon.
"Jun, please accompany my wife for a while. I promise 'di ako magtataksil, for job purposes lang ang punta namin ni Mingyu,"
"Alam ko, kapag nangaliwa ka 'di ko na ikaw hahayaang makalapit sa kapatid ko. Sobra na 'yon," seryosong sabi ni Jun
"Hindi mangangaliwa si Wonwoo hyung, pagkatiwalaan nyo ako, babantayan ko sya," sabi ni Mingyu.
"Parang wala naman kayong tiwala sa akin," natatawa nyang sabi.
Habang nagchichismisan kami ay tinawag na sila para pumunta na sa eroplano papuntang Canada. "Aalis na kami," malungkot na sabi ni Wonwoo habang nakatingin sa akin.
Niyakap ko sya nang mahigpit "I love you jerk, promise me you will come back for us," naiiyak kong sabi. Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.
"I promise. I love you too, bitch," niyakap nya ako pabalik.
"I'LL CALL YOU KAPAG NANDOON NA KAMI," sabi nya.
Binuhat nya si Lucky habang dala-dala naman ni Mingyu ang mga bagahe nila. Kumaway muna ako sa kanila bago ako lumapit kay Jun na karga-karga si Seven.
Umupo muna ako saglit sa bench para itigil ang pag-iyak ko. "Tumigil ka nga sa pag-iyak mo, nagtataka si Seven," inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Seven na parang kinekwestyon ako gamit ang mga mata nya.
Natawa naman ako. Tumigil na ako sa pagiyak. "Napansin ko lang, ang pangit mo rin pala umiyak 'no? Bagay talaga kayo ni Wonwoo," sinamaan ko sya ng tingin.
"At least may lovelife," pang-aasar ko at saka kinuha si Seven sa kanya.
"At least virgin" napatingin naman ako sa kanya bigla.
"Sinong pinaloloko mo? Tara na nga umuwi na tayo," sabi ko.
Habang nasa biyahe ay nakatingin pa rin si Seven sa mukha ko. Siguro nagagandahan lang talaga s'ya sa mommy n'ya.
"First time ka n'yang makitang umiyak, natrauma 'yan. 'Wag ka na ulit umiyak sa harap n'ya," sabi ni Jun.
"Baby? Hindi na iiyak ulit si Mommy, promise," nakangiti kong sabi. Ngumiti rin naman sya at tumawa pa.
Nakakakonsensya naman, sigurado akong iiyak ako parati kapag narerealise ko na wala na si Wonu mamaya sa pagtulog ko.
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.