DREAM WEN
Wala namang naganap na kung anong kababalaghan, nawindang lang ako nang sinabi ni Mingyu na kayo na. Pero okay lang, hihiwalayan ka rin naman n'ya, pakyu.
"Noona mamimiss kita kahit 'di halata," nagsend sya ng flying kiss bago kami umuwi nila Wonwoo.
"Mamimiss mo naman talaga kaming lahat, 'di ba?" Hindi ka sure, Soonyoung.
Gabi na at tulog na yung kambal, paano ba naman, pinagdance battle ng mga walang hiya nilang tito. Alam ko na ang future ng mga batang 'to. Isasali ko sila sa dance troupe na bubuoin ni Minghao, para underground dancer ang galawan.
"Natuwa ka naman masyado na mamimiss ka ni Mingyu, mamimiss din naman kita ah?" selos naman 'tong nagdadrive.
"Hay naku," natatawa lang ako.
"Babe, gusto kong may memorable naman na mangyari sa last night na magkatabi tayo," gabi na maharot pa rin.
"Gago ka ba?"
"Gago sayo, yieee," aba'y kinikilig ako, shet.
Simpleng banat lang kinilig na ako tapos ang malala pa, napagsawaang banat sa fbdotcom pa 'yong kinakiligan kong line.
Nakarating na kami sa bahay at nilapag ko na sa crib ang dalawang mabibigat na batang ito.
Naghalf bath ako at saka sumunod na rin si Wonwoo. Pinalitan ko ng damit ang dalawa habang nahuhugas ng katawan si Wonwoo sa banyo. Nang matapos ay parehas na kaming humiga sa kama. "Babe," tawag nya sa akin.
"Hmm?"
"Let's hug each other, for the last time, " nalungkot ako bigla.
"Wonwoo, magkikita pa tayo," seryoso kong sabi.
"I know, but I will surely miss you, so bad," mas seryoso nyang sabi.
"Halika nga rito," ako na mismo ang yumakap sa kanya, ayaw kong mamiss sya. Baka sumunod pa ako roon kahit bawal.
"I love you," sweet na sabi nya saka nagpout.
"I love you too, jerk," hinalikan ko sya, napangisi naman sya.
"Such a bitch, babe," kinagat nya labi nya.
"Alam mo may naisip ako, what if we make love today para tatlo na anak natin pagbalik ko,"
"Pagpahingahin mo naman ako," akala kasi madaling manganak.
Nagpout sya, "Okay, but promise me wala akong pagseselosan habang wala ako rito," tumango nalang ako.
"Of course, nagpakaloyal na ako sayo simula nang ikasal tayo," nakangiti kong sabi saka naghanda na para matulog nang kayakap ang asawa ko.
Habang nakabaon ang mukha ko sa bisig nya hindi ko mapigilang mapangiti, siguro nga huli na naming magkatabi 'to, pero naniniwala ako na babalik sya, para tumabi ulit sa pagtulog ko.
edited.
![](https://img.wattpad.com/cover/128904981-288-k154812.jpg)
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.