57

1K 67 41
                                    

DREAM WEN

Tanghali na ako nagising. Himala, hindi ako dinaganan ni bonjing Seven? Napatingin ako sa kalendaryo.

Bukas na aalis sila Wonwoo hindi ko pa nakakabonding si Mingyu, Mamimiss ko 'yon.  

"You're awake." nagulat ako nang makita si Wonwoo sa may pintuan na nakabihis. Saan lakad nito? 

"Seungcheol hyung sent a message saying that let's all bond before Mingyu and I leave," ah kaya pala. 

Itong mga 'to ang hilig sa last minute. Pero okay na rin para makapagpaalam ako nang maayos kay Minggoy. I-try nya lang talaga na magjowa sa Canada ipapakagat ko sya kay Seokmin.

Inutusan nya akong maligo na para makaalis na kami. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na rin ako, "Libre mo ko breakfast sa labas" sabi ko saka kumapit sa braso nya. 

"Tsk, no. Kumain ka muna dito bago tayo umalis," aalis nalang kuripot pa rin. 

Pumunta na ako sa kusina nang padabog para magready ng breakfast ko pero may nakahanda na pala para sa akin kaya kumain nalang ako mag-isa. 

Sinubo ko na yung last nang biglang may tumulak sa likod ko, nabulunan ako ro'n ha. Tinignan ko nang masama yung nasa likod ko, muntikan ko nang malunok 'yung kutsara ko! Pero nawala yung galit ko dahil sa tawa nila. Mga bully 'tong mag-aama na 'to huhu.

Si Lucky lang naman yung nanulak sa akin, pasalamat sila anak ko sila kung hindi ibibitin ko talaga sila sa sampayan. 

"Bilisan mo na raw babe," natatawang sabi ni Wonwoo.

Natapos na akong kumain at hinugasan na rin yung pinagkainan ko. Pinagkakaisahan nila ako, it's unfair. "Hahanap ako ng kakampi mamaya," nagpout ako, tumawa naman yung kambal.

"Onti nalang talaga isasabit ko na yang mga anak natin sa labas," nanggigigil na sabi ko pero tinawanan lang nila. 

"Bahala ka, kapag nawala sila, gagawa ulit tayo ng panibago," bulong nya sa akin.

Kumindat pa sya sabay lip bite, akala naman talaga kayang mag-alaga ng maraming bata, mahirap manganak. "Okay lang naman maraming anak pero mas okay kung ikaw yung manganganak," 

"Ops tama na yan masamang nag-aaway. Tara na, hinihintay na tayo ro'n," 

Tutal wala naman kaming maiiwanan ng kambal ay sinama na rin namin. Alam ko naman gusto rin nilang makita yung kambal.

Sumakay kami sa sasakyan at dederetso na kami sa bahay ng tropa. Pagdating namin sa bahay ay sinalubong agad kami ni Jeonghan. Isa to sa lab na lab yung kambal.

"Wahh, Omg nandito na ang pamilyang maagang nagtanan pero 'di nagpost ng may mahabang caption sa fbdotcom!" sabi nito at saka binuhat ang kambal. 

Gago talaga. 

"Hi noona," bati sa akin ni Chan, humiwalay muna ako saglit kay Wonwoo para hanapin si Mingyu. 

"Hello, nasaan si Gyu?" inakbayan ko si Dino saka sabay kaming naghanap kay Minggoy.

"Nakita ko sya kanina eh kaso, bigla syang nawala" nako. 

"Hoy grabe ka sa akin, sobrang tangkad ko na hundi mo la rin makita?" bigla siyang kinalabit ng taong nasa likod namin, Si Mingyu.

Nagulat kami roon, "Wahh Minggoy" natutuwa ko syang niyakap. Mamimiss ko talaga 'to kesa kay Wonu, joke.

"Alam kong crush mo ako pero hanggang best friends lang talaga tayo," ulol mo.

"Saan ka ba galing hyung?" tanong ni Dino sa kanya.

"Bumili ako ng chocolates, bibigay ko sana kay noona kaso nagbago isip ko," 

Okay lang kaya ko namang bumili nya---- teka hoy?

"Mamimiss kita tapos 'di ka manlang magpapadespidida sa'kin?" naiinis ko syang kinulit.  

"Noona may asawa ka na, magalit yun sa'kin" pagtataray nya.

"Hayaan mo 'yon," joke. Mahal na mahal ko talaga si Wonu, bakit kaya?

"Hala sumbong na dis" 

"Tara hyung sumbong natin 'yan kay Wonu hyung hayaan pala ha ano ka ExB?"

"Divorce na dis" 

Hinila ko sila pabalik sa pwesto nila kanina. "'Wag kayong magbiro nang gan'yan. Lab na lab ko hyung nyo hehe" nahihiya kong sabi.

"Ayieee kilig" nangisay silang dalawa.

"Mingyu, mamimiss kita. 'Wag kang magjojowa ro'n ha 'di ka na makakauwi pa rito sinasabi ko sa'yo" pgbabanta ko pero natawa lang sya.

"Noona may jowa na ako," talaga ba?

"At sino? Si Minghao ba? Bayot talaga," pananaray ko pero umiling sya bigla.

Seryoso ba 'to?

"Si reader, noona sinagot nya na ako" kinikilig nyang sabi. 

Ikaw nakakarami ka na ha.






edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon