DREAM WEN
"Sino sila?" nagtatakang tanong ni Taeyong.
Iniisip ko pa lang kung anong magiging reaksyon nya kapag umamin ako naaawa na talaga ako. Guilt and pity, I felt that.
"A-ah...." nauutal kong sagot.
Nakita ko si Wonwok sa peripheral vision ko tumingin sa akin na para bang sinasabi na 'sabihin mo na sa kanya ang totoo bago pa mahuli ang lahat'.
Napalunok ako ng sarili kong laway. I feel pressured.
"Kailangan nyo pa atang mag-usap dalawa, aalis na kami. Pasensya sa abala" paalam ni Mingyu na parang nahihiya pa.
Nakakunot ang noo ni Taeyong nang makaalis sila. Ako naman nakayuko lang.
Lumapit sya sa akin saka hinawakan ang baba ko para i-angat ang mukha. Nakita ko syang nakangiti. Nakokonsensya ako.
"Tara, upo tayo" aya nya sa akin. Umupo sya sa tapat ko.
"So, sino sila?" tanong nya.
"Parang namumukhaan ko sila. Ah, oo yung isa yung nakausap mo sa fishballan tapos yung isa? Ayun yung sa library? 'Di ba?" He looks so excited and happy while remembering where does he met those two while me, my hands were sweating bullets. Kinakabahan na talaga ako.
Ganito yung kaba ko noon kapag may surprise graded recitation, mas malala pa nga ata ngayon kasi hindi talaga ako makapagconstruct nang maayos na sentence ngayon.
"Taeyong, may aaminin ako sayo pero sana. Sana mapatawad mo ako kasi alam kong mali 'to. " sabi ko. Tumango naman sya at mukha syang puppy, 'di ko sya kayang saktan.
"Ano ba kasi yun? Pinapakaba mo ko h--"
"Yung isa sa kanila kaibigan ko pero yung isa, asawa ko" nakapikit kong sabi na parang ni-rap ko pa nga ata.
Natahimik ng ilang sandali kaya napadilat ako. Nakatunganga lang sya sa akin habang nakanganga.
"G-grabe asawa agad? Crush lang" sabi nya saka ngumisi sa akin. Nawala yung kaba ko bigla. Akala niya ba nagbibiro ako?
"Hindi. Asawa ko" sabi ko saka pinakita sa kanya yung singsing ko sa kamay.
Napatulala ulit sya pero ngayon, halatang maiiyak na sya.
"Sorry, Taeyong" lumapit ako sa kanya saka lumuhod sa harap nya habang nakayuko.
Umiiyak na ako sa tuhod nya. "Sorry, ginawa kitang tanga sa loob ng ilang linggong pagsasama natin. Sorry."
"I-ito ba yung kasalan mo?" inangat nya yung balikat ko. Tumango ako sa kanya.
"A-anong sabi ko sayo no'n?" nakangiti sya sa akin pero halatang nabitter sya sa pag amin ko.
Ano nga bang sabi nya noon? Teka sandali---
"Papatawarin mo ako kahit na gaano pa kalaki yung kasalanan ko?" patanong kong sabi.
Nakita ko namang may pumatak na luha mula sa mga mata nya and that broke my heart. Naiimagine ko palang durog na yung puso ko paano pa kaya ngayong actual na?
Heart turned into sand, as if it was deformed by erosion, that triggered it to become a sediment. I hurt him pero bakit ako ang mas nasasaktan sa kaniya?
Tumango sya saka ako niyakap. "You're forgiven, babe" sabi nya na may pasinghot-singhot pa ng uhog.
"'Di ka galit?" tanong ko nang bumitaw ako sa yakap.
"Syempre masakit. Pero kailangan kong tanggapin. You broke me, but thanks for that. You made me stronger"
'Di ko kinakaya ang kabaitan nya. "I wish you'll be happy with your husband. Sino ba roon, yung matangkad ba?" tanong nya.
Umiling ako. 'Di ko ineexpect na ganito siya kabait. Kung ako ang napagtaksilan ng jowa ko, babasagin ko talaga ang bungo niya. Pero iba si Taeyong, he's the best boy ever.
"Ah si bad boy. Buntis ka, 'di ba?" napatingin ako sa kanya. Nakita ko na namang tumulo ang luha nya.
Yung boses nya, pumipiyok-piyok na rin pero nagagawa nya pa rin akong kausapin nang casual.
Paano nya nalaman na buntis ako? "May nakita akong envelope kahapon. Akala ko sa kapitbahay lang pero nakita ko yung pangalan mo. Akala ko nag-iyutan tayo. Sorry, minanyak pa kita" sabi nya saka pinunasan na naman yung luha nya.
"Sorry Taeyong"
"I'm okay, just be a good wife to your husband. Sorry for interrupting your relationship though" sabi nya at saka pumatak ulit ang mga luha.
Ako na ang nagpahid ganit ang mga hinlalaki ko. Caring sya sa akin ngayon pero malalaman ko nalang, nagwawalwal na pala sya doon sa bahay nila. Stop pretending that you're okay, Taeyong. You're just hurting yourself.
"Oh sige. If ever you need someone or something, I'm just one house away. I get it, we'll just be friends from now on" tumango-tango sya habang nakangiti pero bakas sa mukha niya ang mga luhaan niyang mata.
Umalis na sya ng bahay. Narinig ko pa syang sumigaw sa labas. Dala siguro ng galit nya at ng lungkot. Sinong hindi magagalit at madidisappoint sa katulad ko?
Napakalaki ng kasalanan ko. Feeling ko ginamit ko lang sya para sa panandaliang saya. Nakakakonsensya.
edited.
BINABASA MO ANG
Daddy Wonu
Fanfiction"Let's do this for the sake of Mr. Kim's wife" -Wonwoo In which Jeon Wonwoo was forced to marry a Virgin Mom. [Date Started: 01-02-18 ] [Date Ended: 07-23-18 ] [Done Editing: 12-09-20] This is a work of fiction. Stan Seventeen.