Chapter 1

17.7K 358 27
                                    

Chapter 1

"What now Alessana? Bakit hindi ka na lang kaya mag-parenta? Mas malaki pa ang ibabayad ko sa'yo pag nagkataon."

Renta ang tawag namin sa mga babaeng pwedeng i-kama. Ngayon ay 'yan ang ipinagpipilitan sa akin ni Leo. Nasa likod naman kami nang entablado at medyo tago din ang puwesto naming ito kaya naman safe na pag-usapan ang tungkol dito.

"Leo, lampas na 'yon sa usapan natin. Ang usapan natin sasayaw lang ako para mabayaran ang pagka-kautang ng mga magulang ko sa inyo diba?"

Agad na napa-kunot ang noo ni Leo, pero agad din naman iyong inalis ni Leo. Mabait naman siya. Ang totoo ay kami lang ni Maria ang dancer na hindi pumapayag magpa-renta at sinangayunan naman niya 'yon, pero ngayon ay madalas na siyang mamilit na magpa-gamit kami kapalit ng mas malaking halaga.

"Ayaw mo ba na mas mapadali ang pagkakabayad niyo sa utang niyo? Inaalok na kita nang mas madaling paraan pero heto ka at nag-iinarte pa Alessana." Pabirong sagot naman ni Leo. Nakakakilabot din ang ngiting mayro'n ito sa kanyang labi.

"Dahil ang usapan natin ay sasayaw lamang ako. Hindi ako magpapa-gamit sa mga costumer mo Leo. Kaya ko namang pagtiisan ang pagsasayaw rito gabi-gabi pero hinding-hindi ako magpapa-gamit. Kahit iyon lang sana, kahit sa gano'n na paraan nalang ay may maitira naman akong respeto sa sarili ko."

Napa-iling na lamang si Leo, dahil marahalil ay alam niyang wala na siyang magagawa pa para pumayag ako.

"Osige kakausapin ko si Mr. Altamerano. Mag-ayos ka na Alessana, isasalang kita ulit sa entablado."

Tinapik na lang niya ako sa balikat bago siya nawala sa harap ko.

'Madalas na niya akong kulitin tungkol sa gano'ng bagay, ang kulit din!' Agad na tinungo ko na ang dressing room para makapag-ayos na muna ako nang kaunti.

Ang totoo ay sobrang nandidiri na ako sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na nakatagal ako nang isang taon sa Bar na ito para lang mabayaran ang utang ng mga magulang ko noong nabu-buhay pa sila.

Hindi kami mayaman at madaming pinagka-kautangan ang mga magulang ko para suportahan ako sa kolehiyo, kaya naman noong mawala sila, ako na ang sumambot nang lahat ng utang nila. Si Leo ay anak ng pinagka-kautangan namin. 29 years old na siya samantalang ako ay 25 years old. May pamilya na si Leo at siya na din ang nag ma-managed ng Bar na ito. Pero ako? Heto at mag-isa parin, wala ako maski nobyo man lang na maipagmamayabang dahil wala akong oras. Lahat ng oras ko ay para na lamang yata sa pagbabayad ko ng mga utang na naiwan ng mga magulang ko.

Ang mga ibang utang ay bayad ko na. Hindi naman iyon gano'n kalaki kumpara sa utang namin kela Leo. Halos umaabot na kasi iyon sa kalahating milyon, hindi ko alam kung bakit gano'n kalaki pero ang sabi ni Leo, ginamit daw ng tatay ko sa sugal ang pera dahil umaasa itong baka mapalago pa, pero kabaligtaran yata ang nangyari dahil utang ang lumago sa amin. Napatalo niya kasi lahat iyong pera na nahiram niya Kay Don Cezar na ama ni Leo, kaya heto at sumasayaw ako nang halos hubad sa harap ng mga lalaking mahilig sa babae.

"Alessana, tayo na daw ang kasunod. Bilisan mo na diyan."

Agad na napatingin ako sa katabi ko. Si Maria pala, ngumiti ako sa kanya at tumango tapos ay lumabas na din siya sa dressing room.

Napa-buntong hininga nalang ako at nag-patuloy sa pag-aayos. Hindi din naman iyon nagtagal, Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin na napapalibutan nang ilaw, napangiti ako ng mapait dahil sa alam ko naman na maganda ako pero hindi hanggang doon nalang iyon dahil kwento ko naman ata ang sumambot nang lahat ng kamalasan.

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon