Chapter Twenty-nine
Alessana
"What brings you here Alessana?" Collen sarcastically ask me.
Dapat na ba akong kabahan dahil nandito na naman ang bruhang ito. Pasalamat siya at gutom ako kaya wala ako sa mood na sapawanang kaartehan niya.
"Nagutom kasi ako, di ko naman alam na sa grocery na ito pala namimili ang demonyo."
"What did you just say?" Taas kilay na tanong naman sakin ng babaeng ito, edi itinaas ko din yung isa kung kilay para it's a tie.
"Wala, di ko ugaling ulitin ang mga bagay na nasabi ko na, nakakabuwisit yun parang sirang palaka- este plaka pala." Nakangiting sagot ko sa kanya na mukhang naging dahilan para kiligin siya dahil namula ang mukha niya.
"kinilig ka ba sa sinabi ko Collen? Oh my god, pasensiya kana ha? Gutom na kasi ako bibili na ako ng mga dapat bilihin, ayukong malipasan at maubos ang oras ko kakausap sa sirang palaka-ooops... plaka na tulad mo, bye!" tapos umalis na ako sa harapan niya pero bago ako tuluyang makaliko sa meat section ay narinig ko pa ang huling sinabi niya.
"Mag-saya kana ngayon, dahil bukas bukas, ako na ang tatawa at ikaw... luluhod ka sa harap ko at magmamakaawa ka."
Hindi ko nalang pinansin ang mga sinabi niya. Baka makarating kay Ark ang pag-alis ko sa bahay, alam kong ayaw niyang aalis ako ng wala manlang kasama. Pero matapos nung nangyari kay Joe, sobrang natatakot na ako.
"Ma'am 7,850 po lahat." Sabi nang kahera na nakaagaw ng pansin ko, napatulala na pala ako. Hindi ko man ipahalata pero yung mga sinabi ni Collen parang may ibig-sabihin siya dun, di ko lang ma-gets kung ano yun.
Agad na inabutan ko naman yung babae ng bayad, dumeretso na ako sa kotse ko dala ang limang kahon ng pizza na kaninang umaga ko pa gustong gusto kong lantakan.
Pagka-lagay ko ng mga pinamili ko sa back-seat ay pumasok na din ako sa kotse. I-start ko na sana yung kotse kaso naalala ko itetext ko nga pala si Maria na nag-grocery lang ako. Kaso wala akong makapang cellphone sa bulsa ko, patay! Naiwan ko yata phone ko. Nako! Baka tumawag na yun kay Ark napasapo nalang ako sa noo ko.
Agad na ini-start ko na yung kotse at umalis na ako sa grocery shop dahil baka nandun na ang halimaw kong boyfriend at pinagagalitan na yung mga tauhan niya. Yari talaga ako nito!
Malapit na ako sa bahay pero tanaw ko na agad ang kotse ng mapapangasawa ko. Patay! Andito na nga siya sa bahay. Patay malisya akong nag park sa likod ng kotse ni Ark. Halatang nagmamadali siya kasi naman tagilid pa yung pagkaka-park ng kotse.
Bumaba ako agad ng kotse at dumeretso sa back seat ng kotse ko, habang kinukuha ko yung gamit ko ramdam kong may nakatingin sakin, kaya naman lumabas ako ng kotse at tinignan yung kung sinong manong ang nakatingin sakin.
"Akala ko nakuha ka na ng kalaban, umuusok na ang ilong ng mapapangasawa mo dahil tumakas ka." Nakangising sabi ng lalaking nagmamasid pala sakin. He looks familiar pero hindi ko siya maalala.
"Who are you?" yan ang agad na lumabas sa bibig ko.
"hahaha! Ako 'to si Mr. chick magnet. Si Denver, di mo maalala?" pagpapaalala sakin ng binatang kaharap ko.
"Oh! Naaalala na kita. Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.
"yung mapapangasawa mo kasi kinaladkad ako dito." Nakangusong sabi naman ni Denver, napatawa tuloy si Alessana.
"O siya sige pumasok ka na dun at sabihin mo dumating na ako." Sabi ni Alessana tapos ay kinuha na niya ng tuluyan yung mga dala niya. Sumunod siya kay Denver pero bago pa man siya makapasok sa loob ay sinenyasan siya ni Denver na wag muna.kaya tumigil siya sandal.
"Dude, kumalma ka na, nandiyan na ang mahal na reyna mo." Nakangiting sabi naman ni Denver.
"Asan ?" rinig niyang tanong ni Ark, kaya Agad naman na pumasok siya sa loob at nagpanggap na walang nangyayari.
"Ano bang nangyayari dito?"Tanong niya ng makapasok na siya sa loob.
Halata naman sa mukha ni Ark na masaya siya pagkakita sakin, paran kanina lang ang dilim ng bahay namin dahil sa aura niya pero ngayon ang laki laki na ng ngiti niya, pero nabura ang ngiti niya ng malipat sa labit kong mga pagkain ang tinigin niya. Anong problema niya sa pagkain ko ?
"Yaya. Patulong naman, paki-ayos nito sa kusina, gutom na ako eh." Utos ko sa isa sa mga kasambahay namin, agad naman na lumapit sakin si Olivia at kinuha ang mga labit kong pagkain. Hindi ko na tinanong pa si Ark kung anong problema niya sa pagkain ko.
Nagulat naman ako ng biglang inilang hakbang ako ni Ark at walang pasabing niyakap niya ako, nayakap ko din tuloy siya dahil sa bigla.
"I thought someone kidnapped you! Damn you make me so worried Alessana, next time mag sabi ka naman kapag aalis ka." Bulong ni Ark habang magkayakap parin kami.
"I'm sorry, sobrang nag-crave lang talaga ako sa pizza at salad kaso wala kaya bumili ako." Nagpapa-cute kong sabi.
"it's okay baby, just don't do it again, tawagan mo ko pag may gusto kang pagkain ako nalang ang bibili nun para sayo." Kalmado na si Ark ngayon pero nakayakap parin siya sakin na akala mo mawawala ako pag binitawan niya ako.
"ehem! Dude, pwede na ba akong umalis? May date pa kasi kami ni Maria." Singit naman ni Denver kaya naman binatuhan siya ni Ark ng masamang tingin ng kumawala ito sa yakap kay Alessana at liningon siya.
"Sabi ko nga, hindi na ako sisingit eh." taas kamay na sabi naman ni Denver.
"What's with that smell? Ang baho." Agad naman na napatingin sila kay Alessana na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
"Baby, ako ba yun? kakabili ko lang nung pabango ko diba yun yung gusto mong scent dati pa." Nagtatakang tanong naman ni Ark sa nobya na ngayon ay nakasimangot na.
"What? ang baho kaya. ugh! akyat na ako sa- uhmmm" agad na naputol naman ang balak sabihin ni Alessana at napatakip siya sa kanyang bibig. nasusuka kasi siya.
"Baby, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ark kay Alessana, pero hindi siya nito pinansin dahil dali-dali itong tumakbo papunta sa kusina nila.
lahat sila ay naguguluhan sa inakto ni Alessana.
"What happened to her? ang bango bango kaya nung pabango mo dude." BIglang sabi naman ni Denver kay Ark, umakbay pa ito sa kaibigan niya. Napakibit balikat naman si Ark habang nakamasid parin sa dinaanan ng kanyang nobya.
_
Hello. Huling update, hahaha pero itatype ko na din yung next chapter. the end is near na po. ahuhuhu SUPPORT! :)
-Abi-
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
Aktuelle LiteraturNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...