Chapter 8

8.1K 194 12
                                    

Chapter 8

Halos isang linggo akong naka-tengga sa bahay. Si Maria ang tumulong sa'kin. Mabuti nalang at sinamahan niya ako sa bahay na inuupahan ko.

Pinag-linis na din niya ako, ipinag luto, ipinag laba, ang swerte ko sa kaibigan ko ano? Pero okay lang 'yan, isang linggo din naman na halos mabasag ang eardrums ko sa kakabunganga niya!

Bawat kibo niya sa bahay ko ay hindi pwedeng walang masasabi. Palaging may side comment siya.  At siyempre si Maria 'yan eh, pangalan lang ang banal sa kanya. Dahil palagi niya lang naman akong tinitira ng mura niya, laspag na nga iyong taynga ko sa kaka-mura niya eh.

"Hoy Alessana, lintek na ito! Pumasok ka na daw bukas sabi ni Leo! Pinagbigyan ka na daw niya ng isang linggong pahinga, hindi naman daw nakakamatay iyang bali mo sa paa, isa pa! Hindi na naman iyan maga, nadala na iyan ng kakatapal ko ng dahon ng talbos."

Sabi na naman ni Maria, oo nga pala. Nandito kami ngayon sa bahay ko at dito nalang daw siya titira para naman daw hindi maging balahura ang bahay ko na ito, kesyo ang liit-liit na nga daw, hindi ko pa malinis.

"Oo na, wala na din kasi akong pera kaya papasok na talaga ako! Kailangan kong bumali dahil bayaran na naman ng tubig, kuryente, at itong upa." Sabay subo ko naman nung potato chips na dala dala niya, dito na daw kasi siya mag-aayos papunta sa bar ni Leo.

"Aba! Mabuti naman at sinipa ka na nf kasipagan! Shit kasi yang alaga mo sa tiyan eh, naubos mo lang naman yung laman nang wallet ko! Aba ineng, kaibigan mo ako ha! Hindi mo ako alkansiya."

Kita niyo na! Ang swerte ko sa kaibigan ko diba?

"Oo na po! Manahimik ka na din diyan!"

Kaso napatigil ako sa pag-subo ulit ng chips nung bigla niyang hawakan ang kamay ko.

'Bastos!'

"Ano palang balak mo sa Ex mong Ulaga?" Tanong niya sakin.

Napa-nguso naman ako sa tanong niya. Ikiniwento ko na kasi sa kanya ang nakaraan namin ni Ark at ang loka! Akala ko magagalit, aba! Tuwang tuwa pa ba naman. Sabi niya pa nga bakit di nalang daw kami mag-balikan para mayaman na ako agad, tapos bahagian ko nalang daw siya.

"Wala akong plano sa kanya." Simpleng sagot ko tapos binaba ko na iyong kamay na gagamitin ko sana para isubo iyong chips na kinakain namin. Nakakawalang gana, basta si Ark ang usapan.

"Eh sabi ni Ate Jepaii, mukhang nag-aaway daw kayo noong gabing nakita niya kayo, hindi pa nga kayo nagkakabalikan nagkaka-lover's quarrel na agad kayo. O Hindi mo ba sakin ikikwento ang tungkol doon?"

Gusto ko ng lagyan ng tape ang bibig ng kausap ko ngayon, promise. Mukhang siya ata ang may balak sa buwiset na iyon eh.

"Like what I've said Maria, wag na nating pag-usapan iyon." Mataray na sagot ko sa kanya, sabay irap.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Bahala na si Maria doon sa kusina. Nawalan na talaga ako ng gana.

"Bakit ba kasi bumalik pa ang sira ulong iyon? Nagulo tuloy lalo ang buhay ko." Bulong ko sa sarili ko ng maibagsak ko na ang sarili ko sa kama.

Halos mapatalon naman ako dahil sa pag-ba-vibrate ng phone sa bulsa ng shorts ko. Abala naman sa pag-iisip itong nag'text. Kinuha ko iyon para matignan ang abnoy na nag-text.

At kamuntik-muntikan ng mahulog sa mukha ko ang cellphone ko dahil sa unknown number na nag-text sa akin.

From: 0912-3456-789
I just want to remind you, you're mine alone.

See! Paano kong hindi mabibitawan eh kahit di ko na itanong alam na alam ko na ang linyahang iyan. Selfish, bossy! Ark Clyde Hanson and his possesive ways.

Hindi ko na ni-replyan ang mensahe niyang iyon, mapapagod lang ang daliri ko kung gagawin ko pa iyon. Inilapag ko sa kama ko ang cellphone at dumapa ako sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakikita ko na ang gate nang dreamland, malapit na!

"HOY ALESSANA! BUMANGON KA DIYAN MAY BISITA KA."

Agad na napadilat ako, ABALA! Bumangon ako sa pagkaka-dapa ko at tinignan ko si Maria na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at may yakap yakap pang Chips. Ang pasal neto!

"Sino naman ang pangahas na umabala sa aking plano?" Naka-nguso kong tanong sa kanya.

"Aba! Edi lumabas ka at ng makita mo kung sino ang bisita mo."

Tapos ay tinalikuran na niya ako at nag-martsya na siya palabas.

Ayaw ko mang bumangon, napilitan ako at lumakad na parang zombie! Inaantok na kasi ako.

At ng makalabas ako sa aking kwarto ay sinalubong ako nang mabangong pabango na halatang pang-lalaki kaya naman napaderetso ako ng tayo at ang kaninang akala mo zombie na nakayuko ay ngayon naka tingin na ng deretso, halos malaglag naman ang panga ko sa sinasabi ni Maria na bisita ko daw...

"Naka-abala ba ako?"

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon