Chapter Twenty-three
It's been three months mula nung nagtrabaho ako sa munisipyo, nasasanay na din ako sa tambak tambak na papeles na dapat papirmahan kay Timothy, sa loob ng tatlong buwan bumait sakin si Timothy, lately sabay kaming nakain, tapos minsan aasarin niya ako bigla. Nakakagulat ba? Ako din nagulat eh. Kasundo ko na din halos lahat ng mga nagtatrabaho sa munisipyo kaya madami na akong friends.
"O Alessana, wala ka na bang nakakalimutan? Alalahanin mo dalawang linggo kayong mag-i-stay sa Manila, dapat ay nadala mo ang lahat ng dapat dalahin lalo na yung gamot mo."
Napa-smile nalang ako sa mga paalala ni Maria sakin. Tama kayo ng narinig papunta ako sa Manila kasama si Timothy dahil sa isang business meeting niya sa branch nila doon. Hindi lang kasi ako sekritarya sa munisipyo pati na din sa negosyo ni Timothy ginawa na niya akong sekritarya.
"Opo. Wala na po akong nakakalimutan."
Pagsagot ko naman sa kanya na tila parang bata na pinapaalalahanan nang kanyang ina.
"Good. So pano, papasok na ko sa Clinic dito mo nalang hintayin si Timothy tutal dito naman talaga kayo magkikita."
Agad na nagpaalam sa akin si Maria, inihatid niya lang kasi ako dito sa Cafe na katapat lang ng Munisipyo, bago lang ito kaya naman madaming tao, dito daw kami magkikita ni Timothy eh.
Mga trenta minutos lang ang nakalipas ay dumating na si Timothy sakay sa kanyang ferrari na kulay black.
Ang gwapo gwapo naman niya. Hay nako!
Agad na lumapit ako sa kanya at sumakay sa kotse niya na halata mong bagong bago pa.
"Did you like it?" Naka-ngiting bungad niya sakin.
"Mas maganda sana to kong ipagbubukas mo ako ng pinto pero hindi mo ginawa eh. At isa pa, bago na naman? Grabe iba iba lang ng kulay pero pare pareho lang ng design."
Last time kasi ganitong design din kaso kulay blue naman yun kaso ngayon itim naman. Collection niya kasi kaya madami, pero ito ang kotseng paborito niya... siguro for two weeks lang.
"Let's go?" Pagtatanong niya sakin na sinagot ko naman ng tango. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse niya. Tulad ng sabi ko, sa loob ng three months naging close kami ni Timothy.
Mga limang oras din ang tinagal ng byahe namin dahil sa traffic, hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising nalang ako ni Timothy nung nasa hotel na kami.
"You're room is there, at dito naman ang kwarto ko sa tapat mo just give me a call if you need anything Alessa." Sincere na sabi naman ni Timothy at inabot na niya sakin ang gamit ko, agad ko naman kinuha iyon.
"Opo na po. Sige na pahinga kana muna Timothy." Ngumiti lang sakin si Timothy at naglakad na siya papunta sa kwarto niya. Pero bago niya isara ang pinto, sinenyasan niya pa ako na pumasok na muna bago niya isara. Konti nalang malapit na akong kiligin, Charot! Hahaha.
Hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko tumawag na si Maria sakin para lang mangamusta.
"Hello ate girl, ano kamusta? Nasa hotel na ba kayo?"
"Opo, nandito na po kami sa hotel, at okay lang naman ang naging byahe namin, medyo na-stock lang kami sa traffic kanina."
"Ay oo nga, medyo traffic talaga. O eh nasan si Timothy? Yung gamot mo, don't forget to drink medecine after meal ha?"
Napaka-sweet talaga netong babaeng 'to.
"Opo Doc, ako na ang bahala. Ikaw mag-ingat ka diyan, mag-lock ka ng pinto at mag-laba ka. Baka naman makalimutan mong mag-laba wala na tayong damit! Hahahaha"
"Loka-loka! Panong di mauubos eh halos dalahin mo nga lahat ng damit mo! Ano ka lipat bahay, hiyang-hiya nga sayo yung durabox natin dahil dala mo halos lahat ng damit mo."
"Ayt! Oo na, baka kasi biglang ma-extend kami dito, at least madami akong dalang damit diba? O siya sige na, papahinga na ako kasi mamayang gabi may Meeting kaming pupuntahan ni Timothy."
"Osige na. Bye."
Pinatay ko na ang tawag at agad na humiga sa kama. Yung mga gamit ko? Well ayun nasa bag ko parin haha. Inaantok na naman ako, hayy.
-
Ang dilim sa kwarto ko nung nagising ako, and pagtingin ko sa balcony ay gabi na, kaya naman bumangon ako at agad na lumakad papunta sa switch ng ilaw, agad na tinignan ko ang wrist watch ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil ten o'clock na ng gabi, ang meeting namin ni Timothy is eight thirty.
Oh shit! Yari ako kay Timothy nito.
Agad na hinagilap ko ang phone ko na naka-patong sa side table ko at nakita ko agad ang 100 missed calls and 2 messages and lahat yun galing lang kay Timothy.
Agad na binuksan ko ang isa sa message ni Timothy sakin.
From: Timothy
Hey! Where are you? I've knocked on your door for 50 times but you didn't open the door, our meeting is about to start, if you read this please go to the meeting place.From: Timothy
The meeting is already done! Nasan ka na ba? Bakit di ka sumunod? Tulog ka pa ba? If yes, let's just talk tomorrow. Meet me in the lobby.Agad na napasapo ako sa aking noo habang nakatitig sa dalawang message sakin ni Timothy.
Paniguradong masesermonan ako ng lalaking yun.
-The End Is Near.
Kinakabahan na ako sa magiging ending nila Ark. Maalala pa kaya siya ni Alessana? Maging sila kaya? Si Timothy ba mamahalin ni Alessana? Si Jake at Collen ano na ang nangyari sa kanila?Ang daming tanong... Lahat tayo curious, abang lng mga bes. Malapit na din masagot lahat ng tanong.
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...