Chapter 4
"What!? Are you out of your mind?" Utal kong tanong sa kanya, plano ko sana'ng singhalan ang gago'ng ito. Pero, hindi iyon ang kinalabasan ng boses ko.
"You know i'm not fond of jokes Alessa." May nakakaluko'ng ngiti na sagot niya.
Psh! "Kaya pala nagawa mo akong lokohin, Ulol ka." Pasimpleng bulong ko na naman.
Narinig ko ang mahina niya'ng pagtawa. Eh? Narinig ba niya iyong sinabi ko? Mukhang may sa pusa pa ang mokong na ito, ang talas ng pandinig eh!
"You really didn't changed Alessa. You're still my old Alessa who talks to herself when she is pissed." Kung kanina ay ngisi lang, ngayon naman nakangiti na, may eye to eye contact pa.
'Eh?! Baliw na ba 'to?' Napa-simangot ako dahil sa sinabi ng gung-gong na ito.
"I'm not yours baka nakakalimutan mo na iyon Ark! Matagal ng panahon na hindi ako sayo at hinding-hindi ako mapapasayo! Kaya pwede ba, tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo. Hindi na iyan bebenta sa akin. Tumabi ka diyan, aalis na ako." Taas kilay namang sagot ko sa kaniya.
'Kapal ng mukha neto!'
Aalis na sana ako sa banyong iyon tulad ng plano ko, pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang papalayo sa kanya, nahawakan na niya ako sa pulsuhan kaya napatigil tuloy ako.
'Infairness, ang lambot lambot parin ng kamay niya–ay ano ba! Nawawala ako sa sistema ko. Hindi dapat ako magpakita sa kanya na naaapektuhan parin ako.'
"Let.go.of.me.Ark!" Dahan dahan pero sinadya kong bigyan ng diin ang mga salitang binitiwan ko. Nagpumiglas pa ako sa hawak niya, pero wala ding kwenta iyon.
"What if I don't like? What will you do?Ayaw na kitang pakawalan pa ulit Alessana, bumalik nga ako para bawiin ka. At kahit pa ayaw mo. Mapapasaakin ka padin, dahil sa'kin ka lang." Seryoso niyang sagot.
'Oh yah! Taas ng confidence neto'ng peste na 'to'
Napaikot nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya,wapakels na. Naalala ko na kung ano nga pala ang gusto niya, ay nakukuha niya! Si Ark yan eh, ang bilyonaryong tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga magulang niya. Palibhasa unico ijo. Tsk!
Pero wait– gusto? Gusto niya ako. Shet! Ano daw? Bakit ngayon lang nag-process. Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras, pero saktong pag-lingon ko ay hinila niya ako papalapit sa kaniya, na-out balance pa nga ako pero agad na pumulupot ang matigas niyang braso sa maliit kong baywang at ang isa naman ay inihawak niya sa batok ko, tapos agad na kinabig niya iyon dahilan para lumapat ang labi niya sa labi ko.
*TUGDUG*
N
anlalaki ang mga matang napatitig nalang ako sa mukha niya, habang magka-lapat ang aming mga labi at literal na tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
'A–anong nangyayari sa'kin?'
Pinilit kong pumalag para maka-kalas ako sa kanya, pero tangina. Ang lakas niya kumpara sa pabebeng katulad ko! Hindi na ako makapalag lalo na nung nagsimula na siyang igalaw ang labi niya. Ayaw kong gantihan iyon, pero ang walang hiya kong labi, tinatraydor ako dahil nakita ko nalang ang sarili kong gumaganti ng halik sa kanya.
'Pero... Mali 'to diba?'
Naipulupot ko na din sa kanyang leeg ang aking braso, dahil doon nalang ako kumukuha ng lakas. dahil ang tuhod ko ay parang bibigay na dahil sa panghihina. Naipikit ko na lang din ang mga mata ko. Naramdaman kong binuhat niya ako at ini-upo niya ako sa lababo na hindi manlang naghihiwalay ang aming mga labi.
'God! 'Yong katawan ko traydor! Ngayon pa talaga nag-loko!'
Lumalalim na ang halik pero para akong naka-hithit ng katol dahil sa hinahayaan ko lang na lumalim ang halik na iyon, kahit alam kong hindi ito tama. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang isang kamay niya na pumapasok sa ilalim nang dress ko. Tila parang may kuryenteng hatid ang bawat haplos na ginagawa niya sa akin. Nahihibang na ata ako! At nagugustuhan ko ang pakiramdam na idinudulot niya sa akin ngayon. Halos mawala ako sa katinuan ng nasa gitna na pala nang aking hita ang kamay niya.
'Ang bilis naman niya.'
"Uhm..."
Hindi ko mapigilan na hindi mapa-ungol dahil sa kanyang ginagawang pag-haplos sa aking maselang bahagi. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. Ito ang unang beses na nahawakan ako doon at ganito pala ang pakiramdam.
'Nag-iinit ako, piste! Lalagnatin ata ako ng wala sa oras ah.'
Nung pareho na kaming halos maubusan nang hininga ay kumalas na siya sa halik at nakangiting tumingin sa akin, sa mga mata ko.
Agad na pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa ginawa niyang pag-titig sa akin.
'Anak ng! Baka isipin niya ay easy to get ako! Fvta! Hindi ah! Teka! Ah! Gusto ko pala, pero wait Hindi! Ah. Shet!'
Inalis na din niya ang kamay niyang nasa maselan kong bahagi, na sana di muna niya inalis– charot lang!
"Do you mind if we do it on my bed, baby?"
'On his... W–What?'
At doon na ako natauhan. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para ipunin ang lahat ng lakas ko at pwersahan ko siyang itinulak. Hindi naman ako nabigo dahil naitulak ko siya papalayo sakin. Bumaba ako sa kinauupuan ko pero pag minamalas ka nga naman, natapilok ako dahilan para mapilayan ako! Shet! Naka high heels nga pala ako! Damn! Pero hindi ko na ininda iyon dahil nagmadali na akong tumakbo papalayas sa lugar na iyon kahit na papilay pilay pa ako.
Balak pa ata akong pigilan ng gago pero tumigil ako sa paglalakad papunta sa pintuan at muli ko siyang hinarap na may masamang tingin dahilan para mapatigil siya sa tangka niyang paglapit sakin.
"Don't you dare follow me Ark! Don't you dare!"
At pagkatapos kong sabihin iyon ay dali dali ko na siyang tinalikuran. Nang makalabas ako sa sinumpang banyo na iyon, napasandal ako sa pader dala ng pang-hihina at sakit ng aking paa ay agad na nagsituluan ang luha na kanina ko pa gustong ilabas. Trinaydor ako ng sarili kong katawan. Muntik na akong bumigay sa kanya kanina, muntik na.
'Masiyado yata ako'ng nadala! Ugh.'
At napatigil nalang ako sa pag-hikbi ng may isang lalaki'ng tumawag sa pangalan ko na umagaw sa aking atensiyon.
"Alessana?"
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...