Chapter Eleven
"Are you done doing my laundry"
Sabi ng ulupong kong amo. Oo ulupong talaga! Akala ko matagal na siyang sumuko, pero ang buwisit, plano pala akong gawing yaya ng mga pinsan niyang brats tapos syempre katulong din niya.
Ang kapal kapal talaga nang mukha!
It's been what? five days, oo five freaking days na akong naninilbihan sa palasyo nila kung saan sila tumutuloy na mag-pipinsan.
"Hey! Yung sapatos ko ba nalinisan mo na? I'm going to wear that shoes, unahin mo iyon bago ang laundry ni kuya." Si Alorica 'yan, ang bratinela niyang pinsan na sumusulpot nalang galing sa kung saan. Tatlong brats to be exact ang pinsan niyang babae, tapos nag-iisa siyang hari ng impyernong ito.
Mga nag-sisipag-aral pa ang mga pinsan niya sa kolehiyo de Alfonso kung saan kami nag-aral noon. Magarang paaralan yon at schoolar naman ako kaya naman nakakapag-aral ako doon.
"No! You must do my dress first, hindi pa siya plantsa. Oh my gosh! I need to wear that dress today pa naman!" Si Alrica ang pumangalawa kay Alorica, so sila yong mga minions. Isa nalang ang kulang dahil triplets nga ang mga ito. As in mag-kakamukha pa, pinagkaiba lang is yong ugali, course nila at yong mga style ng pananamit nila.
Alorica, is the boyish type, pero mga fit ang damit nito at talagang hindi halata sa kaniya na boyish siya, kahit na nag-me-make up siya ng light ay talagang maganda siya.
Alrica, is the pabebe type, ubod ng arte niyan. Dapat ganito, dapat ganiyan. Mahilig mamili ng mga dress at mga heels na akala mo palaging a-attend sa party. Ang kapal kapal naman niyang mag-make up.
"You should do it by yourself na Alrica, can't you see Ate Alessana is kuya's yaya, not ours. Wag kayong utos ng utos." Biglang lumingon naman sakin ang bunso sa triplets.
Kala mo naman di din yan mag-uutos.
"Can you clean my room later, my friends are coming and I don't have much time to clean it na, male-late na kasi ako." Si Alcara yan, ang bunso. She is the maria clara type pero ubod ng sungit. Simpleng manamit, at hindi nag-me-make up like her older sister's, at siya din ang pinaka-mailap sa lahat.
So ayun, kilala niyo na ang mga amo ko. Umalis na kasi ako sa Bar ni Leo, dahil ang gagong Ex ko pala ang nag-bayad nun. At ang kapalit? Siguro alam niyo na, ang maging yaya nila ako. Oo pati nga yong pag-mamaneho ko kay Mrs. Lydia ay binitawan ko dahil kailangan ko silang pag-silbihan sa buong mag-hapon, tuwing alas-diyes na nang gabi ako nakaka-uwi.
Ang husay diba?
Si Ulopong naman madalas wala dito, doon daw nauwi 'yon sa condo niya malapit sa opisina niya. Kaya madalas siyang wala, pero pag wala siyang trabaho, dito siya nag-i-stay para buwisiten ako. And guess what? iniuuwi niya pa lahat nang labahin niya dito para palabhan sakin, ang alam ko kasi may taga-laba sa unit niya eh.
Nananadya lang talaga ang gago.
Tinignan ko ang apat na nasa harapan ko, nandito kasi ako sa kusina, nag-huhugas nang mga pinagkainan nila.
"Satan–este Boss, yung laundry mo tapos ko na pong gawin." Sabi ko kay bossing satanas.
"At ikaw naman Ms. Alorica, yung sapatos mo nalinisan ko na iyon. Tapos ikaw naman Ms. Alrica susunod na ako sa kwarto mo para plantsahin yung dress mo. At ikaw Ms. Alcara, sige lilinisin ko yung room mo after kong ipag-plantsa si Ms. Alrica. Okay na ba yun?" Sabay-sabay silang tumango at umalis na yong tatlong kambal. Napataas naman ang kilay ko dahi hindi parin naalis si Ark sa harap ko. Straight face lang ang mokong habang nakatingin sakin.
Ano na namang problema niya?
"Mukhang nasasanay ka na sa trabaho mo dito. Sige, pakilinis na din yung kwarto ko ha? Doon ako matutulog mamaya." Nanlaki naman ang butas ng ilong ko dahil sa utos ng mahal na kapre–este hari pala.
Aba't talaga?! T*nginang buhay 'to!
Di ko naman pinangarap maging yaya pero ito ang ginagawa ko ngayon. Si Maria naman di ko na nadadatnan sa bahay dahil tuwing gabi lang naman ang trabaho niya. Pero may pagkain na naman na nakahanda para sakin. Ang swerte ko talaga sa kaibigan kong 'yon kahit na bungangera. Tapos lumayas na pala 'yon sa computer shop ni Mang Tikyo, manyakis daw kasi yong mga naglalaro ng dota dun.
Muli kong pinagpatuloy ang pag-huhugas ko at pagkatapos ko doon, pumunta na ako sa kwarto ni Alrica para plantsahin ang dress daw na isusuot niya. Pagkatapos kong plantsahin iyon, pumunta naman ako sa kwarto ni Alcara para linisin ko naman ito. Thank god! Dahil halos wala na naman akong aayusin doon. Pero nilinis ko na din kahit na maayos naman 'yon. Maayos kasing babae si Alcara sa mga gamit niya at ayaw niya sa makalat. Halos lahat naman silang magkakapatid, ewan ko lang sa pinsan nila, ngayon ko palang mapapasok ang kwarto niya eh.
Pagkatapos kong maglinis sa kwarto ni Alcara, pumunta na ako sa kwarto ng mahal na kapre. Pagbukas na pagbukas ko palang ng kwarto niya, agad na sumalubong sakin ang panlalaking amoy ng kwartong iyon.
Infairness ang bango bango nun.
"Finally you're here! Akala ko kasi bukas ka pa dadating."
Agad na nabitawan ko ang hawak hawak kong mga gamit panlinis at nanlalaki ang mga matang naka-tulala sa kapre, dahil sa itsura nang lalaking dinatnan ko dito.
WTF! Bakit ganiyan ang itsura niya!?
-----
Edited na din ito guys, hahaha nakakatuwa dahil habang ini-edit ko ito, yung kapit-bahay namin ay nagpapatugtog ng "Balingbing song" ang lakas lakas pa, sakop na yata yung buong barangay! Hahaha so ayun, dating gawi.
Each chapter na na-edit ko na, lalagyan ko talaga ng mga notes para bukod sa alam niyo na-edit na, edi alam ko din hahaha. PS: Private na yung next chapter, kaya follow niyo muna ako para mabasa niyo, hihihihi.
Thank you! :)
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...